Pagising sa umaga ay gawain ko na ang magwalis sa may bakuran. Hawak ang walis ting-ting ay naglilinis ako sa ilalim ng puno ng papaya namin dito sa labas. Natigil ako sandali nang makarinig ako ng tila may na nahulog na tabo sa bandang may kapit-bahay.
Napasilip ako sa likod ng bakuran nila Isagani. Sa loob ay nakita ko Isagani nakaupo sa maliit na upuan kung saan kaharap niya ang malaking planggana na puno ng bula ng sabon.
Nadatnan ko siyang naglalaba ng kanyang damit. Ngumiti ako at binuksan ang gate nila na gawa sa kahoy. Ngayon ko lang nalaman na may daanan pala dito sa likod papunta sa bahay nila.
Nang nagpakita na ako sa kanya. Kung saan ay makikita niya ang buo kabuoan ko ay napasandal agad ang isang braso ko sa puno ng papaya habang hawak pa rin ang walis ting-ting.
"Wow... ang bait naman niya." malambing kong tinig.
Napalingon siya sa akin at bahagyang napakunot noo. Nakasuot lang siya ng white sando at maiksing jersey shorts na kulay itim. Nadatnan ko siyang nagkukusot ng kanyang damit kaya medyo lumitaw ang bicep niya.
"Ano'ng ginagawa mo dito Kristina?" malamig niyang tanong.
"Bakit masama bang bumisita sa kapitbahay?" pormal kong tanong. Hindi na siya umimik. Nagpatuloy pa rin siya sa paglalaba. "Alam mo ba Isagani, ngayon lang ako nakakita ng machong labandero."
Napalingon siya sa akin kasabay ng seryoso niyang ekspresyon. "Kahit lalaki ako, marunong ako maglaba ng damit ko." nagpatuloy na siya sa pagkusot ng damit.
Binigyan ko siya ng matamis kong ngiti. "Hindi bagay sa'yo Isagani, ipalaba mo nalang yan sa iba." suhesyon ko.
"Alam mo Tina, tapos na sana ako dito kung hindi lang nasira ang washing machine namin."
Bahagyang namilog ang aking mga mata. "Oh timing! para hindi kana mahirapan sa paglalaba, ipalaba mo nalang yan sa akin... wag kang mag-alaala, mura lang ang service ko."
Since wala akong trabaho ngayon ay kailangan kong mag sideline sa kahit anong trabaho. Madali lang naman sa akin ang maglaba ng damit kung sakaling pumayag ang lalaking ito sa alok ko.
"Nakakahiya kung ipapalaba ko sa'yo ang damit ko." nagpatuloy siya sa pagkuso ng damit.
"Wag kang mahiya... iyang isang basket na labahin mo? 250 lang yan sa akin, kahit brief mo lalabhan ko para sa'yo Isagani." malambing kong tinig.
Napatingin siya sa akin sa mga mata. Sinalubong ko rin ang mga titig niya sa akin at bahagyang ngumiti. Hinaplos ko ang buhok ko ng tatlong beses. Inaakit ko siya sa mga simpleng ngiti ko at galaw ko para pumayag siya sa gusto ko.
Ilang sandali ay unti-unting naging blanko ang kanyang ekspresyon sa mukha.
"No. Kaya kong gawin ito mag-isa." nagkuso ulit siya ng labahin na parang walang pakialam sa alok ko.
No effect pala sa lalaking ito ang charisma ko para pumayag siya sa gusto ko. Nahihiwagaan na ako sa lalaking ito. Siguro ay lalaki ang gusto nito ni Isagani.
"Kristina!" sigaw ni nanay lumapit sa akin sa kinatatayuan ko. "Kanina pa kita hinahanap, mag-almusal kana doon sa loob."
"Nagkape na ako, tsaka hindi pa ako nagugutom." sabi ko habang napakamot sa batok ko.
Diet muna ako kaya kape lang sa umaga ay sapat na sa akin. Sa pag-uusap namin dalawa ay napalingon si Nanay sa naglalabang si Isagani.
"Oh bakit ikaw ang naglalaba dyan Isagani?" gulat na tanong ni Nanay.Bumakas agad sa mukha niya ang pilit na ngiti. "Nasira po kasi yung washing machine namin Aling Magda, kaya kinakamay ko na lang." magalang na sagot ni Isagani.
BINABASA MO ANG
Be My Baby
Storie d'amoreSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...