Chapter 11- Miss K

48 8 0
                                    

Madaling araw na ng umaga kami nakarating ni Isagani dito sa Santiago. Nang mahinto niya ang motor sa harap ng bahay namin ay agad akong bumababa sa likod niya. Namamadali akong naglakad palayo para buksan ang gate.

"Kristina!" tawag niya sa akin.

Mabilis akong lumingon sa kanya. "Wag ka nga maingay natutulog na ang tao dito sa bahay!"

"Kapag bumalik ka pa sa lugar na iyon, isusumbong kita sa nanay mo." pananakot niya.

"Ano ba Isagani! bukas na tayo mag-usap, please madaling araw na." tinalikuran ko na siya para buksan ang gate.

Nakakaasar itong si Isagani. Ang nanay ko pa talaga ang ginamit niyang panakot sa akin. Ang malas ko naman! Bakit sa lahat ng magiging kapitbahay ko si Isagani pa na parang sumbongero.

Nang nakapasok na ako sa loob ng gate. Nakuha ko pang lumingon sa kanya.

"Humanda ka sa akin bukas." pinaandar na niya ang motor paalis sa harap ng bahay namin at umuwi na sa kanila.

Ano'ng humanda ang pinagsasabi niya? Kung manakot siya sa akin akala niya siguro girlfriend niya ako. Ang kapal din ng mukha ng Isagani na 'yon.

Umalis na ako sa gate at pumasok sa loob ng bahay. Mabuti ay hindi nagising sina Nanay at Mitang kaya nakauwi ako ng kwarto na hindi nila napapansin na dumating na ako.

KINABUKASAN ay nagising ako sa yugyog ng kamay sa balikat ko at dahil sa isang ingay na parang ginising ako dito sa kama.

"Ate Tina! gising,gising." boses ng kapatid kong si Mitang.

Kahit antok pa ako dahil sa puyat kagabi ay pinilit kong gumising para harapin siya. Tinanggal ko ang kumot na nakatabon sa mukha ko.

"Bakit?" kalahati ng mata ko ang bukas dahil masakit pa sa paningin ko ang silaw mula sa bintana. Maliwanag na pala sa labas.

"Ate Tina... nagugutom ako, meron kabang pambili ng pandesal at kape pang almusal." malungkot na tinig ni Mitang.

"Nasaan ba si Nanay? Hindi ba siya bumili?" tanong ko.

"Maagang umalis si Nanay para pumunta sa amo niya, para kunin sweldo niya baka mamaya pang hapon pa umuwi yon." nakangusong sagot ni Mitang.

Hindi na ako magugulat kung walang almusal. Minsan lang mag-iwan ng pera sa amin si Nanay kaya pag nanghihingi na si Mitang sa akin. Totoong wala kaming pagkain.

Napabangon ako sa kama. Dinukot ko ang perang kinita ko sa club na binigay ni Isagani dito sa loob ng bra ko. Kumuha ako ng 100 pesos.

"Oh yan, bumili ka doon ng pang-almusal natin." abot ko ng pera sa kanya. "Ipagtimpla na mo rin ako ng kape, dalhin mo dito sa kwarto." utos ko na rin.

"Okay, madam. Basta akin na lang sukli nito." nakangiting tanggap niya sa pera.

"Bahala ka, basta ang kape ihatid mo dito."

"Thanks Ate."

Napabuntong hininga ako. Ang aga-aga humirit pa ang kapatid ko ng pera sa akin. Napakamot ako sa ulo. Nawalan na akong ganang matulog ulit kaya umalis na ako sa kama para pumunta sa balkunahe.

Paglingon ko sa balkunahe ng kwarto ni Isagani ay nakita ko siyang nakaupo na nagkakape roon.

"Good morning baby boy." nakangiting bati ko sa kanya.

"Don't call me liked that!" bahagyang napakunot noo siya.

Napatabon ako ng kamay sa bibig at palihim na tumawa.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon