Chapter 12- Bagsak

33 7 0
                                    


Napalingon sa akin sina Huberta at Hannah. Napansin nilang nagtabon ako ng notebook sa mukha at bahagyang tumalikod sa akin kinauupuan.

"Anong nangyari sa'yo Kristina?" tanong ni Hannah.

"Yung instructor natin, kilala ako niyan." bulong na sagot ko.

"Bakit ka niya kilala?" tanong ni Huberta.

"Kapitbahay namin sa Santiago."

"Ano!" mahinang bulaslas ni Huberta.

Namilog din ang mata nilang dalawa na napalingon kay Isagani.

"Class, kindly pass your admission slip." utos ni Isagani.

Naging abala na sa pagbukas ng kanilang bag ang mga classmate ko para kunin ang kanya-kanyang admission slip. Ako ay hindi na alam kong anong gagawin ko.

"Kristina Seno, what's your problem?" tawag sa akin ni Isagani.

Napalingon ang lahat ng mga classmate ko sa akin. Shit! Buong pangalan ko pa talaga ang binigkas niyang pangtawag sa akin. Siguradong magtataka ang mga classmate namin bakit kilala niya ako.

"Wala, hinahanap ko lang po ang admission slip ko dito sa notebook sir, baka naipit ko lang." magalang na sagot ko.

Hindi ko akalain na dapat akong magbait-baitan ngayon sa harapan niya dahil instructor ko na siya. Ang awkward maging instructor ang lalaking slow na ito. Inaakit, pinagloloko at niyaya ko pa itong ng one night stand noon tapos ngayon ay instructor ko na ngayon.

Simula sa araw na ito ay mapipilitan pa akong maging mabait sa kanya.

"Ganoon ba, sige... ipasa na ninyo para mapirmahan ko na." medyo strikto nitong tinig.

Napalunok ako at huminga nang malalim. Hinanap ko sa bag ang admission slip at pinasa papunta sa harapan. Pinirmahan niya ang mga admission slip bago binalik ulit sa amin.

Tumingin siya sa aming lahat at binilang gamit ang kanyang paningin. Ngayon ko lang nakita siyang naging seryso si Isagani.

"Let's start our class." nakangiting wika niya na dahilang lumabas ang dimple nito.

Isang mahinang bulungan ng mga babae ang narinig ko mula sa likuran. Paglingon ko ay tatlong babae ang palihim na naghampasan  at mukhang nangingisay sa kilig.

"Ang cute nang ngiti niya at dimple." girl number one.

"Feeling ko may girlfriend na yan." girl number two.

"Sana wala pa, baka may pag-asa pa ako." girl number three.

First day of school ay nakuha pang lumandi ng babae dito sa likod. Napalingon ako kay Isagani sa harapan na nadatnan ko pa rin na nakangiti ito. Papogi rin itong si Isagani para maraming mahumaling na studyante sa kanya.

"Kristina, sabihin mo sa akin mamaya kung ano ang address niya." bulong ni Huberta.

"Shhh!" pigil ko.

Pati bakla ay nahuhumaling din kay Isagani the virgin. Si Hannah naman ay palihim na tumatawa sa tabi ko. Ilang oras ng unang discussion ay end class na rin.

Gosh! Natapos na rin ang oras namin sa kanya. Tumayo na ako at namamadaling niligpit ang gamit ko. Lumabas na rin si Isagani sa classroom.

Kinalabit agad ako ni Huberta.

"Miss K, anong address niya? Bibisita ako sa lugar ninyo sa Santiago." malanding tinig nito.

"Naku! Wag mong pangarapin ang lalaking yon, suplado yon! di ka papansinin nun."

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon