Sa kahilingan ni Madam Leila ay binisita ko ang dating nobyo ko si Franzon dito sa kulungan. Nakaupo ako dito sa visiting area ay abala akong naglalabas ng mga pasalubong kong pagkain mula sa bag ko para kay Franzon na ako mismo ang nagluto.“Hi babe,” boses na pamilyar sa akin.
Natigilan ako at mabilis na napatingala. Bumungad sa aking paningin ang matangkad, moreno at ngayon ay marami ng tattoo sa braso na dating kong boyfriend na si Franzon. Nakangiti ito nakasuot na orange na T-shirt na usual dress ng mga preso dito sa loob.
“Kristina ang pangalan ko… Hindi babe.” nakangiting wika ko.
Nagkataong natapos na akong maghanda ng pagkain nang dumating siya kaya umayos ako ng upo. Huminga siya nang malalim habang hindi mawala ang mata niya sa akin.
Naupo siya sa kabilang upuan at sa mahabang panahon ay nagkaharap muli kaming dalawa ni Franzon. Sa mga tingin niya sa akin ay kitang-kita ang sabik na makita ako.
“Mabuti ay nadalaw mo ako, Kristina.” pormal niyang wika.
“Dinalaw kita dahil naaalala mo raw ako.”
“So… Nagkita na pala kayo ni Mommy?”
Napatango ako. “Oo, nagkita kami sa ECU. Sabi niya na hinahanap mo raw ako kaya dinalaw na agad kita dito.”
Bahagyang napakunot noo siya. “ECU? Ano’ng ginagawa mo doon sa dati nating school?”
Alam kong mapapaisip siya kung bakit pa naroon ako. Nahihiya man akong sabihin sa kanya ang tungkol sa bagay na ito. Since nakakulong siya dito sa loob. Wala na siguro siyang pakialam pa sa sitwasyong ko.
“Well… simula nang makulong ka. Nahinto ulit ako sa pag-aaral. Ngayon semester lang ulit ako nakabalik.”
“Dapat nagsabi ka sa akin para natulungan kita.”
“Kahit na tulungan mo ako. Hindi ko na tatanggapin.”
“Bakit? Dahil ba sinaktan kita?”
Biglang bumalik sa alaala ko ang nangyaring pagkidnap niya kina Raine, Luisa at iba pang naging babae niya. Halos ilang taon na ang nakakaraan pero parang sa isip ko ay parang kailan lang nangyari.
“Hindi mo ko responsibilidad, Franzon. Tapos na ang trabaho ko. Salamat nalang na hindi mo ko sinangkot sa pagkikidnap kay Raine.” sabi ko.
“Inaamin ko naman ‘yong kasalanan ko. Ngayon ay pinagsisihan ko na iyon.” napadungo siya nang sabihin iyon.
Napabuntong hininga ako. “Kung nakuntento ka sana sa akin. Edi sana may asawa na akong abugado ngayon.”
Napaangat ang paningin niya sa akin at napangisi siya. “Bakit? Naging seryoso kaba sa akin?”
“Ano’ng klaseng tanong ‘yan? Syempre naman. Kaya nga diba napilitan akong pinaghiwalay si Marco at Raine para sundin kita dahil ayokong madissapoint ka. Ginawa ko iyon dahil sabi mo na magiging masaya ka lang kapag nakaganti sa kanila.”
“Pero ‘yong tungkol kay Luigi? Diba naging boyfriend mo siya?”
“Ilang beses ko bang sinabi sa’yo na kaibigan ko lang siya. Tinulungan ko lang siyang pagselosin si Margarette para magkaaminan na sila.”
“Pero iba ang sumbong nila sa akin.” tumaas na ang tono niya.
“Sino? ‘yong mga tauhan mong adik? Mas naniniwala ka sa sinasabi ng iba kaysa sa akin?” seryoso kong tanong.
BINABASA MO ANG
Be My Baby
RomanceSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...