Chapter 28- Invitation

21 5 0
                                    

Maaga pa lang ay nasa school supplies ako para bumili ng bagong ballpen at yellow paper ko dahil naubusan na rin ako. Nang nakabayad na ako sa cashier ay lumabas na agad ako sa school supplies. Pinasok ko agad ang mga nabili ko sa shoulder bag ko.

Sa paglalakad ay napadaan ako sa food court. Malayo pa lang ay kitang-kita ko na ang tatlong kong kaibigan na abala sa pag-uusap. Sina Liam, Huberta at Hannah nakaupo roon sa harap ng lamesa na nagtatawanan. Napangiti ako at naglakad papunta sa kanila para makasama sa grupo nila.

“Good morning guys,” bati ko sa kanila.

Nadatnan kong may pinapanood sa phone na isang video si Hannah. Tumabi akong umupo kay Liam.

“Saan ka galing Kristina?” tanong ni Liam.

“Sa school supplies, may binili lang akong gamit,” sagot ko.

“Hi Miss K! nandyan kana pala!” nakangiting bati rin ni Huberta.

“Ano’ng pinapanood ninyo?” tanong ko.

Nilapag ko muna ang bag ko sa lamesa. Nakita kong abala pa rin si Hannah sa paggamit ng phone niya. Mahinang napahampas si Hubert sa braso.

“Hoy! Miss K, hindi mo alam ang latest chika ngayon sa buong campus?” excited na tono niya.

“Ano’ng chika yan?” bahagyang napakunot noo ako.

Nilapit ni Hubert ang mukha niya sa akin. “May kumakalat kasi ng screen shot na convo kay Sir Harold at ng isang studyante na nilalandi niya. Tapos may scandal pa na hinihipuan yung girl,” mahinang sabi niya.

“Talaga!” bulaslas ko.

Napatabon ako ng kamay sa bibig. Bigla kong naaalala ang nakaraan ko kay Sir Harold. Sa tuwing naiisip iyon ay naasiwa ako dahil matanda na siya at may anak. Hindi ko lang lubos maisip kung bakit may lalaking ganoon na may asawa na ay lumalandi pa sa iba.

“Tignan mo yung video. Kristina,” sabi ni Hannah.

Inabot niya sa akin ang phone na hawak niya. Napanood ko ang video na iyon. Nakita ko ang kung paano hinupuan ni Sir Harold yung babae sa dibdib sa video. Hindi ko natapos panoorin iyon. Mabilis kong binalik ang phone kay Hannah.

“Ayoko ko na,” sabi ko.

“Totoo ba Kristina na nilandi ka rin ni Sir Harold noon?” tanong ni Liam.

Napatingin ako kay Huberta. “Miss K, pasensya na kung nakwento ko sa kanila yung sinabi mo sa akin. Kilala mo naman ako, chismosa.”

“Wala ‘yon! Halos nakalimutan ko na nga iyon. Pero atleast yung sa akin ay chat lang. Hindi katulad nito na may viral video pa,” sabi ko.

“Kalat yan sa buong campus, Miss K,” si Huberta.

“Naku! mabuti walang nangyari sa’yong masama Kristina,” si Hannah.

“Syempre! Naku kung ako ‘yon! sasabunatan ko buhok niya hanggang makalbo para mawala na ang panot niya sa ulo!” matapang na sabi ko.

Malakas silang napalahak sa sinabi ko. Kung panot na si Sir Harold ay mas papangit siya kapag naging kalbo pa. Nakakalungkot lang para sa asawa ni Sir Harold kung malaman ang bagay na ito.

“I heard na napatawag na ni Chancellor si Sir Harold, regarding sa issue,” si Liam.

“Feeling ko, baka mawalan ng work si Sir Harold,” napangusong si Hannah.

“Naku! Ano pa ba?” baklang si Huberta.

“Ang importante ngayon, wag na ninyo ipagkalat yang video. Kawawa naman yung girl,” sabi ko.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon