Chapter 19- Papaya

29 6 0
                                    

Sa likod ng bahay kung saan may nakatanim na puno ng papaya. Nakatayo akong na nakatingalang habang pinapanood si Juan na umakyat. Inutusan ko muna siya dahil wala akong panungkit para pangkuha ng bunga nito. Nang mahawakan ang isang bunga nito ay dumungaw siya sa akin dito sa ibaba.

"Ate Tina! Ito pwede na ba?" tanong ni Juan.

"Yan! Sige, pitasin mo," mabait na utos ko.

Ngumiti si Juan. Hawak ang papaya ay maingat niyang pinitas ito.

"Saluhin mo, Ate Tina," wika niya hawak ang papaya.

"Okay."

Hinanda ko agad ang magkabilang kamay ko. Nang hinagis niya iyon ay mabilis kung sinalo iyon. Medyo mabigat siya dahil halos malaki ito sa isang dangkal. Mabuti nasalo ko nang maayos.

"Dadagan ko pa, Ate?" tanong niya. 

"Kumuha ka pa ng tatlo Juan."

Ilang sandali ay kumuha pa siya ng bunga nito. Pinili niya yung malalaki at medyo hinog. Nang nakakuha na kami ng tatlo ay pinababa ko na siya.

"Salamat Juan, ang galing mo ding pa lang umakyat. Mana ka talaga sa Tito mong si Isagani," mabait na sabi ko.

Ngumiti si Juan sabay bahagyang dumungo ang ulo. Tila na ito'y nahihiya pa sa akin.

"Wala iyon, Ate Tina," wika niya.  

Kumuha ako ng dalawa papaya sa baba at inabot sa kanya. "Kunin mo itong papaya, para sa inyo itong isa ni Aling Nena. Yung isa naman para sa Kuya Isagani mo, sabihin mo galing sa akin huh."

Nakangiting tinanggap ni Juan ang papayang binigay ko sa kanya.  "Salamat, Ate Tina."

Napangiti ako nang tinanggap niya ang binigay kong prutas. Ilang sandali ay bigla kung naalala ang napag-usapan namin dalawa kanina bago ko siya paakyatin sa puno. Nagkausap na kami tungkol sa problema ko kay Nanay Magdalena.

Namamadali akong kumuha ng 500 pesos sa bulsa sa maikling denim shorts ko. Mahirap na baka malimutan ko pang maibigay sa kanya.

"Yung pinag-usapan natin huh, Ito yung bayad ko sa utang namin sa tindahan. Pakisabi kay Aling Nena na wag na niyang pautangin si Nanay Magdalena ng alak sa tindahan huh, para hindi na lumaki pa ang utang namin." sabay lagay ko ng pera sa bulsa ng damit niya sa may harapan.

"Opo, Ate Tina. Sasabihan ko si Inay."

"Good boy... Sige. Ikaw na bahala."

"Opo Ate Tina. Salamat sa papaya."

"Sige, punta kana."

Namaalam na kaming dalawa sa isa't-isa ni Juan. Pinagmasdan ko pa siyang naglakad palayo papasok ng bahay nila. Mabuti ay mabait si Juan at nagkasundo kaming dalawa na gawin ang inuutos ko.

Dala ang natirang papaya ay pumasok na ako sa loob para balatan ito sa kusina. Gamit ang kutsulyo ay inupisahan ko nang balatan iyon. Kaysa sa mabulok ito sa puno dahil walang kumakain pinapitas ko na lang kay Juan.

Habang nagbabalat ako ay lumapit sa akin si Sushmita ang kapatid ko.

"Ate Tina," tawag niya.

"Oh bakit?" abala pa rin ako sa ginagawa.

"Pwedeng magpapasok ako ng classmate dito?"

"Bakit? Ano'ng gagawin ninyo?" nahinto ako sa pagbabalat para makinig sa kanya.

"Eh... may project kasi kami sa school. Film showing, tapos 'yung bahay natin ang napili ng mga classmate ko para mag shoot."

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon