Chapter 43- Mapilit

29 4 0
                                    

Nasa terrase ako nakaupo habang abalang sa online selling. Tanging mga cliente ko ay ang mga mare kong sila Raine, Margarette, Denise, Mellisa at Luisa. Pinakita ko sa kanila ang bestidang hawak ko.

“Pa-mine nalang ako girls para sa ekonimiya ng bansa.” sabi ko.

“Mine ako sa katabi mo.” sabi nilang lahat.

Paglingon ko sa bandang gilid ay nakita ko si Isagani na nakatayo. Gumala pala ang lalaking ito sa bahay. Hindi ko siya napansin na dumating. Napalingon agad ako sa camera.

“Hindi siya binibenta, taken na kasi siya.” sabi ko sa kanila.

“Sino na ba nakabili kay Isagani?” tanong ni Mellisa.

“Syempre ako.” pabirong sagot ko.

Nakita ko silang lima sa tumawa sa online. Nanatiling tahimik si Isagani at hindi na nagpakita pa sa camera ng online selling ko. Distraction talaga itong si Isagani sa deskarte ko. Aba! Akala nila na kasama si Isagani sa online product ko.

Naupo si Isagani sa kabilang upuan at tahimik na pinanonood ako sa ginagawa. Ilang sandali ay nakapili na rin sila Mellisa ng damit, sandals at sapatos na gustong bilhin sa akin. Sinabi kong si Sushmita na ang bahala ang madeliver nito sa kanila.

“Ang sipag naman ni Kristina.” nakangiting Isagani.

“Syempre nagbebenta ako para sa ekonomiya ng bansa.” nakangising wika ko.

“Baka napapabayaan mo na ang pag-aaral mo ‘yan. Malapit na ang finals ko.”

“Wag kayong mag-aalala Sir. Gagalingan ko po sa exam.”

Hindi na siya nagsalita pa. Nagpatuloy naman ako sa paglista ng order nila Mellisa kanina dito sa maliit na lamesa. Kapag natapos ako sa pagsusulat ay ibibigay ko na ito kay Sushmita para siya na mismo ang magdeliver. Bukas ay may pasok na ako kaya sa kapatid ko lang ito ipapadeliver.

Habang nagsusulat ako ay nakatingin pa rin si Isagani sa akin. Bigla niyang hinawakan ang braso ko kaya nakatigil ako sa pagsusulat. Mariin niyang tinignan ang singsing sa daliri ko.

“Diamond ring ba ito?” tanong niya.

“Oo, diamond ring ito.” sagot ko.

“Saan galing ‘yan? Sino ang nagbigay niyan?”

“Wag ka nang magtanong.”

Pumiglas ako sa hawak niya sa braso ko. Medyo nagulat din ako sa biglaang paghablot nito. Natigilan siya habang mariin pa rin na nakatingin sa singsing ko. Ayokong malaman niyang engagement ring ito. Ang tanga ko, nakalimutan kong hubarin ito kanina.

“May boyfriend kaba?”

“Wala akong boyfriend. Nakikita mo ba akong may ka-date na ibang lalaki.”

“Pero sino nagbigay sa iyo niyan?”

“Bigay lang nang kaibigan.”

“Si Liam ba? Pero impossibleng siya dahil masyadong mamahalin ‘yan.”

Huminga ako nang malalim bago nagsalita. Para na siyang nababaliw nang makita niya ang singsing ko kaya ayoko nang maglihim pa sa kanya. Nagtanggal ako ng bara sa lalamunan bago nagsalita.

“Okay. Pumunta ako sa kulungan noong nakaraang araw. Nagkita kaming dalawa ng dati kong boyfriend na si Franzon… Siya ang nagbigay sa akin nito.” pagtatapat ko.

Natigilan siya sandali bago muling magsalita. “Bakit ka niya binigyan ng singsing? May balak ba siyang pakasalan ni Franzon?”

“Regalo niya lang ito. Kung ayaw mong suot ko ito. Ibabalik ko nalang ito sa kanya!”

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon