Chapter 27- Merienda

17 5 0
                                    


Habang pinagmamasdan silang dalawa. Hindi ko alam kung paano uumpisahan na usapan na ito. Nanatili akong tikom ang bibig habang hawak ang tray ng merienda. Ilang sandali ay nagtanggal ng bara sa lalamunan si Ronnie at bumaling ang paningin sa akin.

"Kristina, sino ba ang lalaking ito?" tanong niya.

Seryoso ang mukha ni Isagani na nakatingin sa kanya. Lumapit na ako at nilapag ang tray sa maliit na lamesa.

"Ahmm... Kapitbahay lang namin," sagot ko.

Nakakunot noo na lumingon si Ronnie kay Isagani. Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon na seryosong mukha nito. Magkatabi sila sa mahabang sofa pero parang may malakas na kuryente sa pagtatama ng kanilang mga mata.

"Bro, pasensya na... Nanliligaw kaba kay Kristina?" tanong ni Ronnie kay Isagani.

Kumuha si Isagani ng monay sa tray na nilapag ko sa lamesa. Kinain niya ito bago bumaling ang paningin kay Ronnie.

"Hindi. Nandito lang ako para kumain ng merienda na hinanda ni Kristina," sagot ni Isagani habang ngumuya.

Napapikit ako sa konsemisyon. Libre nga ang binigay ni Isagani na softdrinks at monay kanina sa tindahan pero kontrabida at panira naman siya ngayon sa oras nang panliligaw sa akin ni Ronnie. Kung merienda ang pinunta niya dito ay pwede naman siyang kumain doon sa tindahan nila.

 
"Respito naman bro, pwedeng bang ma-solo ko muna si Kristina. Nililigawan ko kasi siya," asik si Ronnie.

"Bro, Pwede mong ligawan si Kristina kahit na nandito ako," kalmadong sabi ni Isagani.

Parang ang gustong mangyari ni Isagani na siya ang bantay ko habang nililigawan ako ni Ronnie. Teka! Sa edad kong ito ay hindi na ako bata para bantayan pa. Lalo't magkapitbahay lang kaming dalawa.

"Pero gusto kong masolo si Kristina na makausap," mariing sabi ni Ronnie.

"Kung magaling kang manligaw, kahit nandito ako. Mapapasagot mo pa rin si Kristina."

Parang may namumuo na tension sa usapan nilang dalawa. Ayokong magkaroon ng gulo dito sa bahay. Mabilis kong nilapitan si Isagani. Hinawakan ko ang braso niya at hinila palayo sa sala.

"Halika nga dito!" daling sabi ko.

Dinala ko siya sa labas ng bahay. Sumunod din siya sa akin. Nang magkaharap kaming dalawa ni Isagani ay ngumunguya pa rin siya nang kinakain niyang monay. Banayad ang ekspresyon ng mukha niya. Huminga ako nang malalim bago magsalita.

"Gani..." I said patiently.

"Lakas ng loob niyang manligaw huh," sabi niya.

Habang osyosong nakatingin sa bintana ng bahay kung saan kita niya pa rin si Ronnie na nakaupo. Hinarangan ko ang tingin niya kay Ronnie para hindi na niya makita.

"Natural dahil may gusto siya sa akin."

"Iyon ba ang ex mong architech? Nakaupo lang naman ako, parang insecure na agad sa akin."

"Bakit kasi pumunta ka dito?"

"Bakit masama ba? Gusto ko lang gumala. Ikaw nga pumupunta rin sa bahay ko." katwiran niya.

"Hindi naman sa pinagbabawalan kita dito sa bahay, tsaka kana pumunta kapag wala na siya."

Sumilip ulit siya sa loob ng bahay ulit. Nakita kong nakakunot noo na si Ronnie sa loob. Hinawakan ko na ang balikat ni Isagani at pinatalikod. Dahan-dahan ko siyang tinulak palabas ng gate.

"Ang sama mo Kristina! tinataboy muna ako?" reklamo niya.

"Alis!" bugaw ko.

Nagtagumpay kong pinalabas si Isagani. Wala na siyang nagawa ng nilock ko ang gate. Sinarado ko agad ang gate para hindi na siya makapasok.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon