Chapter 10- Harder

36 7 0
                                    


Napapikit ako sandali ng tatlong beses at nanatiling tahimik. Nagtinginan sa isat-isa ang tatlong lalaki na may ngiti sa labi. Parang tuwang-tuwa pa ang sila na makaharap ako.

"Miss, kamusta na yung kaibigan namin? Tapos na ba kayo?" sabik na tanong ng lalaking nasa gitna nila na mataba at kalbo ang ulo.

"Ahmpp... ang totoo niyan..." nahihiyang tono ko.

Bigla akong napaisip sandali at natigilan. Teka! Bakit kailangan ko silang sasagutin? Dapat si Isagani ang tanungin nila dahil kaibigan nila iyon.

"Baby... Hindi pa tayo tapos! Nabitin pa ako sa'yo!" mabilis na wika ni Isagani.

Mula sa likod ko ay hinila niya ang kamay ko papasok ulit ng kwarto. Mabilis niyang sinara ang pintuan. Sa ginawa niyang iyon ay naiwang tulala ang mga kaibigan niya sa labas.

Pinatayo ako ni Isagani sa likod ng pintuan. Mahigpit siyang yumakap sa akin dahilang namilog ang agad ang mata ko.

"Gani! Ano'ng mabitin ka?" gulat na tanong ko.

"Magsalita ka Tina! Sumabay kana lang." bulong niya sa tenga ko.

Ilang sandali ay parang na gets ko agad ang gusto niyang sabihin ko. Magandang pagkakataon iyon para mas mapaniwala namin ang kaibigan niya na may nangyari nga sa amin dito sa loob.

"Oh Baby... nakikiliti ako dyan." malandi kong tinig.

Nag-imagine ako na hinahalikan ko ni Isagani sa leeg kahit hindi naman totoo. Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig ng mga kaibigan niya na may ginagawa kami dito sa loob.

"Ang bango-bango mo talaga Kristina... nakakadik ka." agresibong tinig ni Isagani.

Malandi akong humalakhak. "Oh Baby, Wag tayo dito malapit sa pintuan please, doon tayo sa kama." yaya ko.

"No baby, dito na tayo. I want to try standing position."

Saan nakuha ni Isagani ang sinabi niyang iyon. Bahala na di ko nalang papansinin. Sasabayan ko na lang siya sa pagpapanggap.

"You're so aggressive baby! Pero mas gusto ko ulit sa kama! Please Isagani, I want to feel you inside again." paos na wika ko na napayakap sa kanya para mas ramdam ko ang sinasabi ko.

"Mapilit ka! Halika dito." agressibo niyang tono.

Hinila na ako ni Isagani sa kama para umupo lang doon. Hinubad niya ang sando na suot nito. Kinuha niya ang unan at hinampas-hampas ang kama.

"Ahhh... Ahhh... Ahhh... make it faster Isagani! please, don't stop." malanding sigaw ko.

"Ack! Yan Kristina masarap ba?" hingal na tanong niya.

"Oo baby! Ang sarap talaga! Ang laki kasi ng sa'yo Gani!" sabay ko sa tanong niya.

Umungol pa si Isagani muli na may halong aggressiveness habang ginagalaw niya ang gitna ng malambot na kama na kinauupuan ko.

"Oh yan, Masarap ba?" tanong niya ulit.

"Wag ka nang magtanong dyan! kumayod ka na lang, baby!" malanding sigaw ko.

Patuloy pa rin namin kinalampag ang kama na para lumikha ito ng ingay dito sa loob. At marinig nilang may ginagawa kaming dalawa dito sa kama.

Ilang sandali ay nakarinig na kaming dalawa nang hagikhik mula sa labas ng kwarto. Sa ginawa namin ay parang napapaniwala na namin ang mga kaibigan ni Isagani.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon