Chapter 1- New House

126 11 2
                                    


Isang text ang natanggap ko mula kay Ryan. Pinapunta ako sa office niya para makausap tungkol sa pagre-resign ko sa trabaho sa Restaurant niya na pinapasukan ko bilang isang staff crew.

Nang buksan ko ang pintuan ng office ng Boss kong si Ryan ay nadatnan ko na naroon rin ang asawa niyang si Mellisa na kausap sa harap desk niya. Napalingon silang dalawa sa aking pagdating.

"Oh Kristina! nandyan ka na pala." masiglang sabi ni Mellisa nang makita ako.

"Hello! Mellisa, Sir Ryan." nakangiting bati ko rin sa kanila.

"Tina, have a seat." nakangiting tinuro ng palad ni Ryan ang bakanteng upuan sa harap ng desk niya.

"Pasensya na-late ako, traffic kasi sa byahe 'eh." mabilis akong umupo sa swivel chair.

Malakas na hininga ang kumawala sa bibig ni Mellisa habang nakatingin sa akin. "Kristina, totoo ba na nagresign kana?"

"Oo, alam mo na... sayang kasi yung isang semester na kulang ko para makatapos sa course kong HRM, babalikan ko lang sana para kahit pa paano maging degree holder ako." paliwanag ko.

Lumungkot ang mukha ni Mellisa. "Kung sabagay, iba pa rin talaga kapag may diploma."

Halos Apat na taon na ang nakakaraan ay huminto na ako sa pag-aaral. Simula nang iniwan na kami ni Tatay noon at sumama sa ibang babae ay doon na nagkamalas-malas ang buhay ko.

Napilitan akong magtrabaho para matustusan ang pag-aaral ko noon sa kolehiyo. Si Nanay naman ay naging lasinggera dahil sa sobrang kalungkutan nang iwan kami ni Tatay.

Tanging kapatid kong babae na si Mitang na highschool pa lang ngayon ang naging katuwang ko sa buhay. Lalo na sa gawaing bahay. Sa ilang taon ay napilitan akong maging isang bread winner sa pamilya.

 
"Kung yan ang desisyon mo Tina, di na kita mapipigilan." sabi ni Ryan.

"Salamat sa trabahong binigay mo, Sir Ryan... kahit pa paano malaking tulong na rin para matustusan ko yung pangailangan ko sa bahay."

"Wala yon... wag mo na rin akong tawagin na Sir, simula ngayon."

"Nakakahiya naman." bahagyang nababa ang paningin ko.

"Six months from now, may ipapatayo akong bagong restaurant, kapag nakatapos ka ng college, ikaw kung ilalagay na supervisor ko doon sa branch na iyon." sabi ni Ryan.

Namilog ang mata ko at napatabon ang isang kamay ko sa dibdib. "Talaga Ryan? Ako ang supervisor doon?" gulat na tanong ko.

Napatango-tango siya. "Tatlong taon ka nang nagtra-trabaho sa akin, deserve mo ang mapromote at tsaka, ikaw kaya pinakamasipag na crew ko dito."

Ngumiti si Mellisa nang mapalingon ako sa kanya. "Hihintayin namin Kristina ang pagbabalik mo."

Naluluha talaga ako nang marinig ko ang bagay na iyon. Kapag nakatapos na ako ng pag-aaral. May babalikan na akong trabaho. Five months lang naman akong mawawala sa work.

Maikli lang ang panahon na iyon kaya worth it din kong mawawala ako pansamantala. Atleast kapag nakuha ko na ang diploma ko ay wala na akong babalikan sa pag-aaral. May trabaho pa akong babalikan.

Kahit 27 years old na ako ay hindi pa huli ang lahat para makatapos ng pag-aaral.

"Salamat, ang babait ninyo talagang mag-asawa, wag kayong mag-alala, babalikan ko kayo."

"Oo naman." sabi ni Mellisa.

Ilang saglit ay binigay na sa akin ng mag-asawa ang backpay ko. Ang nakakatuwa pa ay dinagdagan pa nila ng limang libo para daw sa pag-enrollment ko. Ang bait talaga nilang dalawa.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon