CHAPTER FORTY

215 21 49
                                    


CHAPTER FORTY

PAGKATAPOS maihatid si Austin, excited na umuwi si Theo sa bahay ng mommy niya. He decided to go there and stay for the night. Gusto niya rin kasing magkwento sa mga magulang tungkol kay Austin.

Nang makarating sa bahay ay naabutan niya ang mga magulang na karga ang mga anak. His father was carrying Austeus while Thaddeus was to his mom.

Napangiti siya.

Alam niya na bonding ng mga ito ang pag-aalaga sa kambal. Ang dalawa na lang kasi ang baby sa bahay nila at bihira ng magpunta ang anak ng kuya at ate niya sa bahay.

Tinawag niya ang pansin ng mga ito. "Mom, Dad."

"Hindi ko alam na pupunta ka ngayon dito, Theo. " Sabi ng mommy niya. It was understandable for his mother to say that because when he comes to her place he always tell them first.

"Change of plan, 'my. I have to tell you something."

"What's that something?" Tanong ng daddy niya. Curiosity is visibly seen on his face.

Bago siya sumagot, lumapit muna siya sa mga ito. Hinalikan niya rin sa pisngi ang dalawang anak. Nagpapakarga ang mga ito ngunit hindi niya muna kinuha dahil parehong gusto sa kanya.

"He's back."

"He's back? Who's back, Theo?"

"Sino ang bumalik? Who are you talking about, Theo?"

Halos magkasabay na tanong ng mga ito na ikinagulat ng dalawang bata.

"You're scaring my children, 'my, 'dy," pagkastigo niya sa mga ito. Kinuha niya tuloy ng wala sa oras ang dalawa na masayang-masaya ng kargahin niya. He couldn't stop himself from smiling.

"Nabigla lang kami ng mommy mo, Theo."

"Tama ang daddy mo. Nagkukwento ka kasi hindi mo tinatapos. Wala kaming ideya sa sinasabi mo a--"
"Austin is back."

Parehong natigilan ang mga ito. Hindi makapaniwalang tingin ang binigay sa kanya.

"Austin is back after a year? Really, Theo? Kailan pa? Bakit ngayon lang siya bumalik? Nakausap mo ba siya? Anong sabi niya sa 'yo?" Sunod-sunod na tanong ng mommy niya. A mixture of confusion, shock and happiness were on her face.

"I  talked to him already, 'my. Something happened to him."

"Something happened to him? Was his reason valid enough to disappear just like that?" Tanong ng daddy niya na tila may ibang kahulugan. Kahit na ganoon ay hindi nawala ang kasiyahan niya. Nilaro-laro pa niya ang mga anak.

Hindi naman nakapagtataka na ang reaksyon ng daddy niya ay may kalamigan. Kahit supportive ang mga ito hindi maiiwasan na masaktan ang mga ito para sa kanya. May mga pagkakataon na nagagalit ang mga ito sa kanya pati na rin kay Austin. Pero sa dalawa ay lamang ang ganoon na emosyon sa ama.

"He had a valid reason. Austin got amnesia and still suffering from it."

Halata ang pagkagulat sa mukha ng mga ito.

"Amnesia?" Gagad ng mommy niya nang mahimasmasan mula sa pagkagulat. "Alam ba ni Tere ang nangyari kay Austin?"

Tumango siya. "Tita Tere knew everything but I don't know the exact details."

"But are you really sure that Austin has an amnesia, Theo? Hindi niya ba iyon ginagawa for show? Para mapatawad mo siya?" Tanong ng daddy niya sa naniniyak na boses.

"I'm sure about it. He's different from the Austin that I used to know. Iyong paraan ng pagtingin niya sa akin, ibang-iba sa tingin niya sa akin dati. Walang pagmamahal at lalong walang rekognisyon doon. Kung tingnan niya ako ngayon para lang akong isang tao na bagong kakilala at wala kaming nakaraan."

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon