CHAPTER SEVENTEEN

278 18 38
                                    


CHAPTER SEVENTEEN


PAGKATAPOS kumain ay sa kwarto agad ni Theo ang diretso nilang dalawa ni Austin. Hindi na niya nito pinayagan na umuwi sa bahay nito dahil masyadong gabi na. Bukod doon ay gusto niyang makatabi ito sa pagtulog.

"I'll take a bath first, Theo." Paalam nito sa kanya na sinang-ayunan niya.

Theo make himself busy by changing the pillow cases, blanket and the bed sheet. Gusto niya na maging komportable ito kasama siya.

Nang matapos ay sinundan niya ito sa banyo. Nagsesepilyo ito ng ngipin. Tiningnan lang siya saka pinagpatuloy ang ginagawa.

Isa-isa niyang hinubad ang kasuotan saka inilagay sa laundry basket. Naeeskandalong tingin ang binigay nito sa kanya nang tumingin sa kanya saka umiling. Napangiti na lang siya sa reaksyon nito.

"Ba't mo hinubad ang lahat ng damit mo?"

"To take a bath," he answered with mischief. "You should start undressing too para sabay na tayo."

"Alam ko kung ano ang iniisip mo. Nag-isip ka pa talaga ng palusot."

"Uy, grabe ka, wala akong iniisip, ah," pagde-deny niya kahit ang totoo ay talagang may motibo siya. He will seduce him. "Gusto ko lang talagang maligo kasi kanina pa ako init na init. Galing kaya tayo sa malayong biyahe."

"Talagang magpapalusot ka pa. Don't deny it, Theo. Alam ko kung gaano k---"

He stopped him from saying anything by kissing him on his lips. He smiled between kisses when Austin kissed him back without proclaiming. Gusto rin ang ginagawa niya at naisip niya na nagtagumpay siyang i-seduce ito.

Nang kapusin ng hangin ay pareho silang lumayo sa isa't-isa. "Kung anuman ang iniisip mo, tigilan mo na 'yan. Even I want to do it with you, still, may hiya pa rin ako. Nandito ang daddy mo."

Napasimangot siya sa sinabi nito. Ang akala pa naman niya ay na-seduce na niya ito. Mukhang pinagbigyan lang siya sa gusto niya ngunit hanggang halik lang.

"Kahit naman gumawa tayo ng milagro hindi naman maririnig ni daddy. Soundproof ang kwarto ko. At kung may gawin naman tayo understandable na iyon dahil may relasyon tayo."

Hindi ito nakasagot kaagad. Tila pinag-iisipan ang sinabi niya.

"Still, we can't do that." Sabi nito mayamaya na nagpadismaya sa kanya.

"Ang damot mo," nagtatampo niyang sabi. "You know how long I longed for this situation. Sa tu---"

"You don't need to elaborate," pamamatlang nito sa kanya na tila alam kung ano ang sasabihin niya. "Kahit na ano pa 'yang rason mo, we still can't do that. Mas may importante tayong dapat pag-usapan."

"Ano naman 'yon?" Takang-tanong niya.

"Tungkol sa ating dalawa."

"Tungkol sa atin? Everything was settled between us, Austin. Mahal mo ako at sobrang mahal kita, iyon ang pinaka-importante."

"I'm not yet clearing all the things between us, Theo."

Biglang bumangon ang kaba sa dibdib niya. Oo, given na nag-I love you sa kanya si Austin pero hindi pa klarado ang lahat tungkol sa relasyon nilang dalawa. May relasyon pa rin ito kay Kyrion Jay at iyon ang hindi pa nila napag-uusapan pati ang mga plano nito. Nakalimutan na niya ang mga iyon dahil sa sobrang kaligayahan na dulot nito sa kanya lalo na sa pagtatapat nito sa kanya.

"A-ano ba ang pag-uusapan natin?"

"Magbihis ka muna," utos nito sa kanya sa lumabas.

Inabot niya ang nakasabit na bathrobe at nagmamadaling isinuot. Sumunod siya kay Austin na nakaupo na sa higaan.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon