CHAPTER TWENTY-TWO
EXCITEMENT filled Austin's heart as Cheenah's month of giving birth is getting near. Hindi siya ang ama ng dinadala ng mga ito ngunit sobra siyang nasasayahan sa kaalaman na iyon. Ang totoo, mas excited siya sa panganganak nito kaysa sa birthday nilang dalawa ni Theo. Binigyan na kasi sila ng due date o posibleng araw ng kapanganakan nito. Pwedeng umabot sa birthday nila o kaya lumampas. Alinman sa dalawa ay masaya siya basta lumabas ang mga ito ng malusog.
Sa katunayan nang malaman nila ang gender ng tatlong sanggol, ng magpa-ultrasound sila noong six months nito, ay parang gusto na niyang hilahin si Cheenah sa pinakamalapit na mall para makabili na ng mga damit. Pero hindi niya nagawa dahil may program sila sa school at doon natuon ang atensyon niya.
Ngayon na isang buwan na lang ang hihintayin nila, wala ng makakapigil sa kanya na bumili ng mga kagamitan ng mga bata. Kasalukuyan silang nasa department store ng isang malaking mall sa siyudad na malapit sa kanila. Dapat ay kasama nila si Theo sa pamimili pero hindi nangyari dahil may biglaan itong pinuntahan. Ito na ang pumunta imbes na si Tito Tim. Nadismaya siya dahil doon pero ipinagkibit-balikat na lang niya. Kahit papaano ay naiintindihan niya ang sitwasyon ng kasintahan.
"You could choose any color that you want, Cheenah. Hindi basehan ang gender ng mga anak mo sa kulay na pipiliin mo. Mga baby sila at wala pang muwang sa mundo," sabi niya kay Cheenah nang lapitan siya nito at ipakita ang kulay asul, pink at dilaw na damit pang-sanggol.
"Hindi nga po ako makapili. Kayo po, ano sa tingin niyo ang bagay sa kanila na kulay?" Tanong nito na medyo nahihiya pa.
"'Wag kang mahiya sa akin," puna niya rito. "Ako ang tatayong magulang ng mga anak mo kaya responsibilidad ko na bigyan sila ng maisusuot."
"Thank you po. Hindi ko lang po kasi maiwasan na mahiya sa inyo. Ang dami niyo nang naitulong sa akin. Kampante po ako na lalaki ang mga anak ko na puno ng pagmamahal at mabuting tao."
He just smiled. Kampante si Cheenah na aampunin niya ang mga anak nito. Iyon naman talaga ang plano niya, sa totoo lang. Pero gaya nga ng ssabi niya ay talo siya sa legal na proseso. Wala siyang panalo. Kahit na nagpunta siya sa ibang abogado ay iyon pa rin ang sinabi ng mga ito. Ang isang bagay lang na naiisip niya na suhestiyon ng bagong abogado na nakilala niya ay ang pakasalan niya si Cheenah ngunit hindi na sila dadaan sa natural na proseso kahit civil wedding lang. They just need to sign the paper and file it. Ang abogadong iyon na rin ang gagawa ng lahat. And after that, he can file annulment na ito na rin ang magpo-proseso.
Natigil siya sa pag-iisip ng magpaalam sa kanya si Cheenah na pipili pa ng damit. Umalis ito sa harap niya. Hinayaan niya sa ginagawa habang inabala niya ang sarili sa pagpili ng mat, mosquito blanket, feeding bottle at iba pang gamit pambata.
Pagkatapos nilang mamili at makapagbayad sa counter, parehong may malawak na ngiti sa labi nila ni Cheenah. Kontento sila sa mga gamit na nabili.
"Sir, daan po tayo sa gift shop."
"Sige," agad niyang sang-ayon dito.
Pumunta sila sa malapit na gift shop na nakita nito. Habang abala si Cheenah sa pagtingin ng bibilhin nito, inabala naman niya ang sarili sa pagtingin-tingin. Naghahanap siya ng regalo na pwedeng ibigay kay Theo. Nakaagaw sa pansin niya ang key chain na may nakalagay na 'I love you' at maliit na stuff toy. Kinuha niya iyon at napangiti. Nagustuhan niya iyon ngunit duda siya kay Theo. Hindi naman kasi iyon mahilig sa ganoon. Ngunit kahit na ganoon nagdesisyon siyang bibilhin iyon. Bukod sa napiling key chain, kumuha rin siya ng leather bracelet na pwedeng palagyan ng pangalan ng taong bibigyan mo. Pinalagay niya ang initial ng pangalan nila ni Theo. A at T. Nasa gitna niyon ay hugis puso na nagsasabing Austin loves Theo.
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts (Book 2)
RomanceOne is seeking for a second chance and the other one is expecting for nothing. How can you bring back the past and make amends to the things that you've done? Theo's regain his life after the wrong things that he had done. He repents and wanted thin...