CHAPTER THIRTY-ONE

175 21 37
                                    


CHAPTER THIRTY-ONE


HEY papabinyagan ko na ang triplets. I hope you can attend. Gusto na rin kitang makita. Sana mapatawad mo na ako.

Napapalatak na lamang sa kanyang isip si Theo nang mabasa ang mensaheng natanggap mula kay Austin. Yes, after ignoring and erasing his messages after he received it, now, he decided to read it. At iyon pa talaga ang laman niyon. Mukhang minamadali na talaga ni Austin ang mga bagay-bagay para sa mga anak nito. Wala naman na siyang magagawa pero hindi niya maiwasan ang magdamdam. Kung may uunahin man si Austin, hindi siya iyon kundi ang mga anak nito. Kahit na araw-araw siyang may natatanggap na mensahe rito at ilang beses din na tawag, naiisip pa rin niya na sana ay nagdo-double effort ito.

Patamad niyang tinapon ang cellphone sa ibabaw ng kama. Nagtungo siya sa harap ng closet para  maghanap ng damit. Kakabukas pa lang niya ng pintuan nang tumunog ang cellphone. Muli siyang napatingin doon. Kinuha iyon. Austin was his caller.

Nagdalawang-isip siya kung papatayin o sasagutin ba ang tawag, sa huli mas namayani sa kanya ang kagustuhan na sagutin iyon. He pressed the answer button.

"He-hello." Damn himself for stammering. Matagal na rin mula nang nakausap niya ito at kinakabahan siya. Damn him for being nervous. Hindi dapat siya makadama ng ganito. Nangyari ang mga nangyari sa pagitan nila ni Austin dahil sa kagagawan nito. May karapatan siyang mag-inarte dahil dito.

"T-theo..." Anito. Nakahinga siya nang maluwang. Hindi lang siya ang mukhang kinakabahan kundi pati ito. Or maybe Austin was just shocked because he answered his call. "Theo..." Ulit nito.

He composed his self. Hindi dapat siya magpakita o mahalata sa boses niya na apektado siyang marinig muli ang boses nito.

"Ano ang kailangan mo?" Malamig niyang tanong. He should stand his cold facade.

"Did you read my message?"

"I did. You can do everything that you want. Ama ka ng mga anak mo kaya sila ang uunahin mo kaysa sa akin. I'm trying to understand it."

"Hindi iyon ganoon." Sagot nito. Maririnig sa boses ang lungkot na binalewala niya. "Gusto ko lang na madaliin ang mga bagay para sa kanila para makapag-focus na ako sa paghahanap sa 'yo, Theo. Natutuwa ako na sinagot mo na ang tawag ko. I missed you so much. Gustong-gusto na kitang makita at makahingi ng tawad sa 'yo sa personal. Pwede ba tayong magkita? Pwede ba tayong mag-usap?" Sunod-sunod na sabi nito. Nasa boses ang desperasyon.

"Hindi pa ako handa na makita ka." Sagot niya na ikinatahimik nito.

"I see." Sagot nito ng makabawi. "O-okay lang. Masaya na ako na sinagot mo ang tawag ko. Sana magtuloy-tuloy na ito. Okay lang sa akin kahit na sa cellphone lang kita makausap basta marinig ko ang boses mo. Mahal na mahal kita, Theo."

What Austin said made his heart reacts. Iba pa rin pala talaga kapag naririnig mula sa bibig ng taong mahal niya ang damdamin nito para sa kanya. Walang-wala sa mensahe na natatanggap niya. May parte sa kanya na gustong sagutin ito na pareho lang sila ng nararamdaman pero pinigilan niya ang sarili. Magulo na kung magulo pero may karapatan siya na mag-inarte sa senaryo nilang ito.

"Kalabisan ang hinihiling ko sa 'yo na pumunta ka dahil alam kung nasaktan kita dahil sa desisyon ko pero umaasa ako na makakapunta ka sa binyag ng triplets, Theo. Remember that you're still the one I want to have a family with. Hindi iyon mababago."

"Enough with this," he said. He needed to stop this. Kung magpapatuloy pa sa pagsasalita si Austin ng matatamis na salita ay baka hindi na niya marendahan pa ang pusong tumitibok at nagmamahal pa rin dito. "You already said the things you want. Lets end this conversation. Don't expect me to come to their christening. I won't come. I'm not yet ready to see you."

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon