CHAPTER FORTY-EIGHT

100 14 11
                                    


CHAPTER FORTY-EIGHT

"CAN I sleep at Lola Tere's house, Tito Austin?"

"Of course, Keenon. Okay lang sa 'kin na matulog ka sa bahay nina Mama. But why do you want to go and sleep there?"

Nasa kalagitnaan sila ng pananghalian nang magbukas ng ganoon na usapan si Keenon. Alam naman na niya na pupunta ito sa bahay nila at doon matutulog dahil natawagan na siya ng mama niya at ipinaalam ito.

Natutuwa siya kay Keenon dahil sa bawat bagay na gusto nitong gawin ay laging kinukuha ang side niya. Pinapakita lang kasi nito kung gaano siya kahalaga rito bilang tumatayong guardian nito.

"Nandoon po kasi sina Ted. I'm gonna play with them." Masaya nitong sagot. "Thank you, Tito. Magbe-behave po ako doon."

"Alam ko. You are a good boy, Keenon."

Ngumiti lang ito saka ipinagpatuloy ang pagkain. Siya naman sa kabilang banda ay inilibot ang tingin. Tiningnan niya ang mga kasalo sa hapag-kainan. Isang linggo na rin ang nakalilipas mula nang magtrabaho sa kanila sina Jenny at Sarah. The two were good in everything that they are doing. Alagang-alaga nito ang anak nila ni Theo at kasundo ang mga ito. At ease na rin siya sa mga ito katulad ng pagka-komportable niya kina Yaya Annie at Yaya Josie noon. Nitong nakaraang araw ay napansin niya na parang may nagbago kay Yaya Annie na hindi niya mawari kung ano. Hindi rin naman niya ito mausisa dahil parang ilag itong makipag-usap.

Nagtama ang tingin nila nito ngunit agad din itong nag-iwas ng tingin. Binalewala na lang niya iyon. Napatingin siya kay Jenny at napansin niya ang pananahimik nito. Mukha rin itong matamlay.

"May problema ka ba, Jenny?" Tanong niya rito.

Tumingin ito sa kanya saka nag-iwas ng tingin. Ngunit bago pa nito gawin iyon ay napansin na niya ang malungkot nitong mukha. Para ring iiyak ito anumang oras. Hindi naman lingid kay Austin na may pinagdadaanan ito ngunit hindi naman niya magawang mag-usisa dahil personal nitong problema iyon. Nawala ang pagiging bubbly ng babae at madalas na tahimik at tila kay layo lagi ng iniisip.

Hindi ito sinagot ang tanong niya at nagpaalam na tapos nang kumain at titingnan ang limang bata na nasa loob ng kwarto ng mga ito.

Sinundan na lang niya ito ng tingin.

"Malaki yata ang problema ni Jenny, Austin. Madalas makita ko siyang tahimik."

"Mukha nga po, Yaya. May alam po ba kayo sa problema na kinakaharap niya?" Tanong niya rito. "Ikaw, Sarah? May alam ka ba?"

"Oo nga, Sarah. Baka may alam ka sa problema ni Jenny. Magkasama naman kayo sa kwarto na dalawa."

"Wala po akong alam," agad na sagot ni Sarah. "Hindi naman ako makapag-usisa kasi hindi pa naman kami malapit masyado. Hinihintay ko ngang magkwento siya sa akin. Pero nu'ng isang gabi nang magising ako narinig kong umiiyak si Jenny."

Bumangon ang pag-aalala niya para kay Jenny. Mukhang mabigat ang pinagdadaanan nito. Mas matanda siya rito ng dalawang taon at gusto niyang makausap ito bilang nakakatanda. Gusto niya ring matulungan ang babae kahit papaano.


"MAY problema si Jenny, Theo, at gusto kong tulungan siya."

Mula sa ginagawa ni Theo ay napatingin ito sa kanya. Katatapos pa lang nitong magbasa ng ilang dokumentong may kinalaman sa trabaho at ini-enjoy ang sarili sa paglalaro ng mobile games sa cellphone nito.

"Ano ba ang problema ni Jenny?" Tanong nito saka binitawan ang cellphone.

"She's pregnant."

Lumarawan ang gulat sa mukha nito ngunit hindi nag-usisa. Nagsimula siyang magkwento

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon