CHAPTER TWO

539 25 31
                                    

CHAPTER TWO

"HEY! Gumising ka na! Alas sais na. Ang sabi mo kagabi sa akin gisingin kita ng five thirty. Ginising na kita kanina hindi ka pa gumising!"

Iyon ang gumising sa mahimbing na pagtulog ni Austin. Nagmamaktol na napakamot na lang siya sa ulo saka patamad na bumangon.

"Gusto ko pang matulog, ate!" Reklamo niya.

"Mukha mo! Nagpagising-gising ka tapos magrereklamo ka. Tumayo ka na riyan!"

Para makatiyak niyugyog pa nito ang balikat niya sabay sabunot sa kanya.

"Aray! Masakit!" Reklamo niya.

"Pampagising ko 'yan sa 'yo. Teacher ka. Huwag kang tatamad-tamad."

"Wala naman akong pasok!" Reklamo niya ulit.

"Kahit na." Anito. "Tumayo ka na riyan. Nakahanda na rin ang agahan sa baba." Pagkasabi niyon ay lumabas na ito sa kwartong inoukopa niya.

Napapakamot na lang siyang tumayo mula sa higaan saka inayos ang kumot at unan. Nang matapos agad siyang naghanap ng damit na pwedeng isuot sa pupuntahan ngayong araw.

Kasalukuyan siyang nasa guestroom sa bahay ng Ate Ella niya sa Cavite. Her sister place was the nearest that he could stay. Bago kasi pumunta ng Batangas ay dumaan muna siya roon. Dagdagan pa ng malakas na ulan kagabi. Pupunta siya sa isang resort sa Batangas dahil inimbita siya nina Lovelace, Leighton at Kyrion Jay. Ise-celebrate ni Leighton ang twenty-sixth birthday nito. Tumanggi siya sa paanyaya nito pero nagbanta ang kaibigan na hindi na siya nito papansinin na alam naman niya na tototohanin nito. He couldn't bear it so all he could do is to go with the flow. Tamang-tama naman na nataon na long weekend at tapos na rin naman niya ang mga dapat tapusin sa school na tinuturuan. He was also on leave for a week because he's going to attend an important celebration aside from Leighton's birthday.

Austin was an eight grade teacher and the subject that he is teaching is History. He was contented on what he is doing. So far, maganda naman ang performance niya sa school pero katulad naman yata ng ibang guro at eskwelahan, hindi maiiwasan ang magkaroon ng mga pasaway na estudyante at marami siya niyon.

He sighed. This is not a time to think about school stuff. Ngayon pa lang dapat na niyang i-set ang isip sa kasiyahan. Dapat niyang itino na party ang ipinunta niya rito.

"Tito, mommy told me to call you again." Napatingin si Austin sa pamangkin na basta na lang pumasok sa kwarto. Avril was still on his PJs and looks cute on it. Avril was his sister four year old son. Anak ito ng ate niya sa Kuya Tommy niya.

Sa kabila ng mga pinagdaanan na involved siya, sa huli ang mga ito ang nagkatuluyan. Saksi siya sa pinagdaanan ng Kuya Tommy niya para makuhang muli ang puso ng Ate Ella niya na dahil sa kanya ay nakipag-break noon sa kasintahan. Kung hindi nagkatuluyan ang mga ito, tiyak niyang mabigat na dalahin iyon sa parte niya. Siya ang isa sa tulay ng mga ito para magkatuluyan pero siya rin pala ang dahilan para magkasiraan ang mga ito na hindi naman nangyari.

Now, the two were happily married with two sons. Si Avril ang panganay na sinundan ni Ted na anim na buwang gulang.

"Tell your mom that I'll go down after I finish taking a bath," masuyong sagot niya rito sabay gulo ng buhok.

"But mom told me that you should go there now. We're eating already po."

"Later na, Avril. Just tell your mom what I told you."

Malakas itong umiling. "No! Dapat punta ka na sa baba. Mommy told me that hindi ako mababa kapag hindi 'kaw kasama."

All Austin could do it to smile. Sobra siyang naku-cute-an sa pamangkin. Kung hindi siya makapagpigil baka napisil na niya ang matambok nitong pisngi. Matatas na ito magsalita sa kabila ng edad nito at sobra siyang nag-e-enjoy na makausap ito dahil para ng matanda.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon