CHAPTER TEN

434 22 64
                                    


CHAPTER TEN

MAY makapang pagsisisi sa kanyang kalooban si Austin pagkatapos ng nangyari kagabi. Ngunit hindi maipagkakaila ang kasiyahang dulot niyon sa kanya at paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isip ang bawat eksena. Ngunit paano ba niya haharapin si Theo pagkatapos ng init na namagitan sa kanila? Theo knew that he was in a relationship with Kyrion Jay and what he did was not right. He cheated on him and made him look and act like a cheater.

Hindi man totoo ang relasyon nila ni Kyrion Jay ay may pagsisisi siya. Pinagtaksilan niya ito kahit na kunwari lang ang relasyon nilamg dalawa. Hinanap niya ito kagabi pero nauwi siya sa piling ni Theo at gumawa ng bagay na dapat ay magkasintahan lang ang gumagawa.

He sighed then get out of the bed. Nang tingnan niya ang oras sa cellphone, napailing na lang siya. It was three o'clock in the morning. Ilang oras din siyang nakatulog sa tabi ni Theo pagkatapos mangyari ang hindi dapat. He was thankful that Theo was still sleeping. Hindi nito makikita ang pag-alis niya.

Hinanap niya ang suot na damit saka ang short. Panloob niya lang ang tangi niyang sinuot kanina. Nang makita ang mga damit ay dahan-dahan niya iyong pinulot. Iniwasan ang gumawa ng ingay. Isinuot niya kaagad ang mga damit.

He was ready to get out when he heard Theo's sleepy voice.

"Saan ka pupunta nang hindi man lang nagpapaalam sa akin?" Tanong nito.

Napapikit siya. Bago humarap dito ay kinalma muna ang sistema na biglang gumulo dahil sa paggising nito. "That was my intention," he said. "I don't have plan to."

"And why is that?" Anito saka umupo. Bumaba ang kumot kaya na-expose ang hubad nitong katawan. Katulad niya ay tanging panloob din ang sinuot nito kagabi.

"Dahil wala naman tayong pag-usapan."

"Anong wala?" Tanong nito na tila tinitimpi ang galit. "May dapat tayong pag-usapan, Austin."

"Anong pag-uusapan natin? Ang tungkol ba sa nangyari?" Tanong niya rito. Malamig na tingin ang binigay rito. Nang hindi ito sumagot ay nagpatuloy siya. "What we did is nothing. We are both consenting adult and we both enjoyed it. Isa pa, wala naman sa aking mawawala."

Napanganga ito. Natigilan. Hindi agad naka-react. "How could you act like its nothing, Austin? Hindi lang iyon basta-bastang bagay para sa akin. I did what I did because of my love to you. I'm willing to do everything just for you even taking my defenses down."

"I could act like it was nothing because it was. You're the one who initiated it, I put down my defenses because I enjoyed being laid with you."

"Paano mo. . ."

"Stop it. Stop asking questions, Theo. If you are willing to do everything then just do it without asking for exchange. Pwede tayong magkita. We can be flings but don't expect me to be in a relationship with you again."

"Gusto mo na wala tayong label? Ganoon ba?" Tanong nito. Naniniyak.

"Oo. Don't put some label on what we are doing now. Habang dito pa ako ie-enjoy ko ang sarili ko at kung willing kang pasayahin ako, I'm open to it."

"You've changed and I'm the one to blame for that," Theo said sadly. "Katulad ng sabi ko, willing ako na gawin ang lahat para sa 'yo. Ibababa ko ang lahat sa pagkatao ko para sa 'yo."

"Then good. Magkita na lang tayo kapag. . ."

"Yeah," pamamatlang nito sa kanya.

"Mauna na ako."

Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Lumabas siya at tuloy-tuloy sa naglakad palayo sa tinutuluyan nito. Nang makalayo ay napahinga siya ng malalim. Baliw na siya para mag-initiate ng ganoon na set-up sa pagitan nila. Fling. No label.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon