CHAPTER FIFTY

106 11 32
                                    


CHAPTER FIFTY


FEW MONTHS LATER



THE mood is festive. All the people surrounding him were enjoying. They are celebrating for the birthday party slash engagement party of Clement and his friend Devin. Devin threw a surprise number for his love at kasabwat siya pati ang mga kaibigan nila nito. They planned performing a song for Clement which  his favorite. Muli silang tumugtog na magkakasama pagkatapos ng mahabang panahon.

Kanina habang tumutugtog ay pansamantalang nakalimutan ni Theo ang pinagdadaanan na suliranin. Pero ngayon na nasa isang sulok siya ay hindi niya mapigilan ang malungkot. Hindi rin maiiwasan na makadama siya ng inggit habang inililibot ang paningin dahil ang mga taong naging malaking bahagi ng buhay niya ay masaya at puno ng pagmamahalan.

All of them were happy except him.

Tiningnan niya ang mga ito. Ulit.

Brax and Vienne still have the love in their eyes everytime the two look to each other. Makikita ang kasiyahan at kakontentuhan sa mukha ng dalawa.

Hyde and Jake were totally to each other. Dumaan man ang maraming pagsubok sa pagmamahalan ng mga ito ay sa huli ang dalawa pa rin ang nagkatuluyan. The two were affectionate to each other. Walang takot na ipinapakita sa madla ang hindi nagmamaliw na pagtingin at nararamdaman para sa isa't-isa.

And now, the couple of the night, Devin and Clement. Ang una ang huling nagkaroon ng matinong lovelife sa kanilang magkakaibigan ngunit heto na ngayon ito, masaya at puno ng pagmamahal para sa taong mahal na mahal din ito. He was happy for his friend but he couldn't stop himself from being envious. Nauna siya rito sa pagkakaroon ng lovelife ngunit naunahan siya nitong mag-propose.

Larawan ang mga ito ng kontento, masaya at puno ng pagmamahalan na pagsasama. Samantalang siya ay nanatiling mag-isa at walang kasama.

He was happy once. The joy in his heart was overflowing. The love was oozing. The affection was overwhelming. But things suddenly change. All of it vanished into thin air. And the reason for it was him. Because of his past mistakes that he can never undone.

Tinungga niya ang alak sa beer mug. Nagbabakasakaling mawala ang pait na nararamdaman at mapalitan ng pait na dulot ng beer.

Minsan hindi niya maiwasang magtanong kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo ay isa siya sa may pinagdadaanan na ganito. Nagmahal lang naman siya. Pero bakit ang ilap sa kanya ng tadhana? Bakit hindi nito mapagbigyan ang kahilingan niya? Bakit kailangan nitong bawiin sa kanya ang kasiyahan na iyon?

Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Austin na nagsasabing hindi siya nito kayang makita at harapin dahil sa mga kamalian na nagawa niya rito noon. Lumalabas na bumalik na ang lahat ng alaala nito at kahit anong klaseng pagmamahal ang ibigay niya rito ay hindi matatabunan ang katotohanan na nagawan niya ito ng kamalian noon. Pagkakamali na labis niyang pinagsisihan at gustong mabago kung maaari lang.

Remembering the message made his heart ache. Hindi niya akalain na sa pagbabalik ng mga alaala nito ay mawawala rin ito sa kanya.

"Hey, are you okay?"

Tiningnan ni Theo ang nagsalita. It was Vienne. Hindi niya namalayan na lumapit ito sa kanya.

"I'm okay," he answered then drink his beer again.

"Are you sure?" Naniniyak na tanong nito.

"Yeah, why?"

"'Cause you don't look okay to me. Kanina ko pa napapansin ang pananahimik mo. Hindi ka ganyan dati."

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon