CHAPTER EIGHTEEN
"I still don't get it, Austin. Bakit sa dinami-dami ng teacher sa school niyo, ikaw pa ang nahingian niya ng tulong? Aside sa pagtuturo mo sa kanila, wala kayong ibang relasyon na mas personal pa, hindi ba?"
Napatingin si Austin kay Theo na kasalukuyang nagmamamaneho. Tinatahak nila ang daan patungo sa centro ng bayan kung saan siya nagtuturo. Ang kotse ni Theo ang ginamit nila para mapadali ang biyahe nila. Malapit na sila roon at siya ang nagsisilbing mapa ni Theo dahil hindi ito pamilyar sa daan.
"Hindi ko rin get, actually," he admitted. Katulad nito ay naguguluhan din siya dahil teacher-student lang ang relasyon nilang dalawa. He and Cheenah doesn't have personal relation. Wala siyang kaalam-alam sa pagkatao ng estudyante. Isa pa, sa pagkakatanda niya, si Cheenah ang tipo ng estudyante na walang pakialam sa paligid. Hindi nga ito masyadong naglalapit sa mga guro maliban na lang kung may kailangan at tinatawag sa klase. Madalas ay tahimik ito at tila laging may sariling mundo. Pero kahit na ganoon pa man, he was still her teacher. Bilang guro ay responsibilidad niya ito lalo na kung kailangan ng tulong. Hindi siya pwedeng magpabaya.
"Iba ang pakiramdam ko rito. Parang may mali, eh."
"Kung anuman 'yan na pakiramdam mo, keep it. I still need to help her. Estudyante ko siya at responsibilidad ko. Ayokong pagsisihan sa huli ang hindi ko pagtulong sa kanya."
"Okay. Kapag natulungan mo na siya diretso tayo sa bahay na tinutuluyan mo."
"Ayaw mo bang ipasyal kita?"
"Huwag na. Mas gusto ko ang makasama ka sa pribadong lugar lalo na sa ibabaw ng kama." Nakangising sagot nito.
Napangiti na lang siya. "Pagdating sa bagay na 'yan wala kang kasawaan, ano? Kulang na lang kainin mo ako nang buong-buo."
"Anong magagawa ko? Sa sobrang sarap mo, eh." Pilyong sabi nito sabay tingin sa kanya.
"Tingnan mo ang daan. Huwag sa 'kin ang tingin," aniya.
"Okay, love, basta diretso tayo sa bahay mo pagkatapos at mag-make love."
"Hay! Ewan! Focus on driving," naiiling niyang sabi.
"Okay." Nakangiting sagot nito.
AUSTIN was right. Ngayon na nakikita niya si Cheenah na namumula ang ilong at namamaga ang mata, tiyak na niyang galing ito sa mahabang pag-iyak. At habang kaharap niya ito sa loob ng bahay nito, halatang pinipigilan lamang ang sarili na umiyak.
"Nasaan ang mga kasama mo rito sa bahay?" Tanong niya. Iyon kaagad ang bungad niya dahil napansin niya na walang ibang tao sa bahay. Gusto niyang makasigurado.
Hindi pa ito sumasagot pero kumawala na ang luhang pinipigilan. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagiging emosyonal nito. He was curious. It seems that Cheenah was facing many problems.
"Wa-wala na po a-akong pamilya, sir. Pa-patay na po ang lola ko. Siya na lang ang nag-iisa kong kasama sa buhay pero nawala pa." Sagot nito sa nahihirapang boses. Pilit na pinipigilan ang pagsigok at pag-iyak ngunit hindi na maampat ang luha. Walang tigil sa pagdaloy iyon.
Nakaramdam siya ng hiya na sinabayan ng awa sa naging katanungan. "I'm sorry," he managed to say. Kung may mga kasama siyang nakakatanda, tiyak niyang masesermunan siya sa tinanong dito na maiko-konsidera ng inconsiderate.
"O-okay lang po, sir. Hi-hindi niyo naman po alam. Naiintindihan ko po. Isang taon na rin po mula nang mamatay ang lola ko. Ako na lang po ang nakatira ritong mag-isa. " Sagot nito. Kahit papaano ay naging mahinahon na at nakakalma na.
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts (Book 2)
Любовные романыOne is seeking for a second chance and the other one is expecting for nothing. How can you bring back the past and make amends to the things that you've done? Theo's regain his life after the wrong things that he had done. He repents and wanted thin...