SPECIAL CHAPTER

175 13 16
                                    

AUTHOR'S NOTE

Some were asking what happened to Jan and his evil sister Sophia kaya naman heto ang special chapter na itey para may ideya kayo kung ano ba ang mangyayari sa kanilang dalawa.

PS: Kung anuman ang mga kaganapan sa secial chapter na ito, pwedeng-pwede po na mabago lalo na at hindi ko pa naman nasisimulan ang kwento. Bigla na lang pumasok sa ideya ko ang kaganapan na ito.


SPECIAL CHAPTER

"DO you really think that I can't get my revenge? Well you think wrong stupid faggot! Hindi ako papayag na hindi makuha ang gusto ko! Papatayin kita! Papatayin kita!"

Kahit puno ng takot ang kanyang puso ay pinilit ni Jan na magpakatatag at hindi magpakita ng takot sa harap ng kapatid. His sister looks really evil while pointing the gun at him. Para na rin itong baliw na wala sa katinuan ang pag-iisip at ang makaganti at makuha ang gusto nito ang tanging nasa isip.

"Hindi ko hahayaan na guluhin mo ang masaya nilang pagsasama! At lalong hindi ko papayagan na muli mong sirain ang buhay ng pamangkin ko, Sophia! Keenon already suffered a lot from you. Hindi ko papayagan na sirain mo ulit siya at ilayo sa mga taong totoong nagmamahal sa kanya! Tinangka mo na akong patayin dati. Pero hindi na kita hahayaan ngayon! Kahit ako na ang pumatay sa 'yo, gagawin ko, para lang matigil na ang kasamaan mo!"

Nakakainsultong tumawa ito. Nangungutya na tila hindi naniniwala sa sinabi niya. "Kaya mo ba? Hanggang salita ka lang naman, eh! Hindi mo nga ako nagantihan nang agawin ko sa 'yo ang lalaking pinakamamahal mo!"

Sophia's words are true. Nang agawin nito sa kanya si Lace ay wala siyang nagawa kundi ipaubaya na lang ang taong mahal dito. Sobrang galit ang nararamdaman niya rito para roon ngunit sobra rin na pagtitimpi ang ginawa niya para huwag itong saktan. Pero ngayon na binaril nito ang lalaking importante sa kanya ay mas dumoble ang galit na nararamdaman niya.

Itinutok niya rito ang baril. Sophia also pointed her gun at him. "You can't pull the trigger, brother!" Anito. "Goodbye!"

But before Sophia pulled the trigger of the gun. Pumuno na sa loob ng kinaroroonan nila ang putok ng baril na sinundan ng pagbagsak ng katawan ng kapatid.

Nanghihinang napaupo siya sa maruming sahig. He thought that he will die. Kahit na anong galit ang nararamdaman niya para kay Sophia ay hindi niya ito magagawang patayin. Kapatid pa rin niya ito at hindi mababago iyon.

He composed his self. Tiningnan niya ang nakahandusay na katawan ni Sophia saka inilibot ang paningin.

Nakita niya si Aman na paika-ikang lumapit sa kanya. Bago pa ito makalapit sa kanya ay tumayo na siya at sinalubong ito. Hindi na siya magtatanong kung sino ang bumaril kay Sophia dahil alam niyang ito ang may gawa.

Niyakap niya ito ng mahigpit na ginantihan naman nito. "Masaya ako na ligtas ka," sabi niya.

"Masaya rin akong makita na ligtas ka. Akala ko mawawala ka na sa 'kin."

"Hindi ako mawawala sa 'yo."

"Nangako ako sa 'yo na poprotektahan kita at hindi magbabago iyon."

"Salamat at tinupad mo ang pangako mo."

"Basta para sa 'yo."

Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ang gwapong mukha nito. Makapal na ang facial hair nito na nagpalakas ng sex appeal nito. At hindi niya mapigilan ang sarili na haplusin ang mukha nito. Aman was his saviour and also the love of his life. Masaya siya na nakatagpo ng lalaking mamahalin siya sa kabila ng pagiging parte niya ng third sex. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagmamahal sa kanya habang nakikipagligsahan ng tingin.

Hinawakan nito ang mukha niya. Unti-unting bumaba ang mukha para angkinin ang labi niya. Ngunit hindi nangyari iyon dahil kinabig siya nito at hinarang ang katawan sa kanya.

Magkakasunod na putok ng baril ang pumuno sa kinaroroonan nila kasunod ang sigaw niya sa pangalan ng taong pinakamamahal.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon