CHAPTER FIFTY-TWO

91 12 27
                                    

CHAPTER  FIFTY-TWO




"HEY, young man, you should fix your hair." Ang sabi ni Theo kay Keenon na sobrang gulo pa ng buhok. Nasa loob sila ng bathroom at parehong nakatingin sa salamin. They were both fixing their hair but his son wasn't paying attention. Pasalamat na lang talaga siya at nakasuot na ito ng damit na pinasadya niya para rito. Kagaya niya ay kulay asul na jacket ang suot nito at puting t-shirt ang panloob na may nakatagong salita na laan para sa isang tao. This day is special at ayaw niyang mapurnada ang maganda niyang plano.

Nang hindi pa siya nito sundin ay siya na ang nag-ayos ng buhok nito. Dahil sa natural na wavy ang buhok nito ay madali niyang na-style-an iyon. Napangiti siya nang makontento sa ayos ng buhok ng panganay na anak.

"Do I look okay now, Dad?" Tanong nito.

"Yeah, you look okay. Mas gwapo ka na sa 'kin." Sagot niya saka pinisil ang pisngi nito.

Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nang maging maayos ang buhay niya kasama ang binuong pamilya. They were now living in peace. Alam niyang wala ng gugulo sa kapayapaan na iyon dahil wala na ang taong nagpahirap sa kanyang anak pati na rin kay Austin. Malaki rin ang pasasalamat niya na maayos na ang kalagayan ng taong minamahal at wala itong natamong malalang pinsala sa pinagdaanan nito.

"Okay po. Pero mas gusto ko na maging kasing-gwapo si Tito Austin. I like his long hair now lalo na kapag tinatali niya. Can I make my hair grow longer too?"

Malawak na lang siyang napangiti sa tanong nito. Hindi maipagkakaila na gustong-gusto talaga ni Keenon si Austin. Bagay na nakasanayan na niya. Mula nang bumalik sa kanila si Austin at makita nitong muli ay walang araw na hindi ito umaalis sa tabi nito. Tuwing papasok sa school ay lagi ring sinasabi na huwag na ulit aalis si Austin na laging tinatanguan nito.  

"Yes you can also do that, but for now lets get ready. Pauwi na ang Tito Austin mo."

"I'm all set na po. Dapat po ikaw na ang nag-aayos at wala pa kayong pants."

Natampal na lang niya ang noo sa sinabi nito. Sa kaabalahan niya sa pag-aasikaso ng mga anak ay hindi na niya naasikaso ang sarili. He was still wearing his white sando and boxer short.

"Thanks for reminding me. Sige na. Labas ka na muna. Punta ka sa kwarto ng mga kapatid mo."

"Sige po," agad nitong talima. "Pa-gwapo ka po kasi special itong day sa inyo ni Papa Austin."

"Yeah," he answered, smiling.

Nang makaalis si Keenon ay agad niyang isinuot ang pants niya. Pagkatapos ay isinunod ang kulay asul na three-fourth  polo.

Muli niyang inayos ang buhok. Nang matiyak na presentable na ang hitsura ay lumabas siya ng kwarto bitbit ang boquet ng bulaklak  na may pinaghalong kulay ng rose. Alam niyang hindi sang-ayon si Austin sa ganito ngunit gusto niya itong bigyan dahil special ang araw na ito para sa kanilang dalawa.

Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at tinawagan si Austin. Tinanong niya kung nasaan na ito at nang malaman na malapit na ito sa bahay nila ay tinapos na niya ang tawag. Agad niyang tinawag ang mga anak.

"Get ready guys. Parating na ang Papa Austin niyo."

Isa-isang pumila ang mga ito. Magkakasunod ayon sa salitang meron sa t-shirt ng mga ito na natatakpan ng polo na iba't-iba ang kulay. Austeus is wearing a red polo while Thaddeus is wearing an orange one. Si Shannon naman ay kulay yellow ang suot. Dennan wearing a green one and Ronnan wearing the indigo.

Matagal na niyang plinano ito kasama ang mga anak ngunit hindi pa rin niya maiwasan ang makadama ng kaba lalo na at papalapit na si Austin sa pinto ng bahay nila. Klarong-klaro niya itong nakikita dahil nakasilip siya sa bintana ng bahay nila.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon