CHAPTER FORTY-FOUR
AN unexpected news came for Austin and Theo. So unexpected that he couldn't believe the thing would happen to the nanny that they hired. Dalawang araw na ang nakakaraan nang makatanggap siya ng tawag na may nangyaring masama sa yaya ng triplets.
Base sa imbestigasyon ng pulis ay pauwi na ito at palabas pa lang ng street kung saan sila nakatira nang mabunggo ito ng isang kotse. It was a hit and run case. Maraming injuries ang natamo ni Yaya Josie at hindi pa nahuhuli ang walang modong nakasagasa dito. Mabuti na lang at naagapan ang butihing ginang dahil kung hindi ay baka namatay na ito.
Hanggang ngayon ay wala pang malay si Yaya Josie at walang katiyakan kung kailan magigising. Dahil doon ay mas naging abala si Austin sa pag-aasikaso ng mga bata. Hindi naman niya pwedeng iatang na lang lahat sa Yaya ng kambal ang lahat dahil hindi madali ang mag-alaga ng mga bata. Dapat nga ay tig-iisa ang mga ito base na rin sa sinabi ni Theo ngunit nagmatigas siya na huwag na itong kumuha ng limang katulong para makatipid sila.
Ang quality time na hinihingi ni Theo at gusto niya ring gawin ay hindi nasunod dahil nga sa hindi inaasahang pangyayari.
"Nakatulog ka ba nang maayos?" From what his doing, Austin look at Theo. Pinapakain nito ang kambal habang siya ay sa triplets nakatoka. Si Keenon naman ay mag-isang kumakain at tutok na tutok doon ang pansin.
"Hindi masyado." Sagot niya saka humikab.
Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi dahil may sakit si Ronnan at kailangan niyang tutukan. Kapag nagkakasakit pa naman ito ay hindi pwedeng magpakarga. Bago pa ito makahawa ay sa kwarto na nila ni Theo pinapatulog sina Shannon, Dennan, Austeus at Thaddeus.
"Gusto mo bang matulog?"Umiling siya. "Kung matutulog ako sino mag-aasikaso sa kanila? Hindi naman pwedeng hindi ka na naman pumasok."
"Maiintindihan naman 'yon ni Dad. Mas kailangan mo ako rito. Dalawang araw ka ng walang maayos na tulog."
"I can manage, Theo, don't worry." He said then gives him an assuring smile.
"Ikaw ang bahala. Basta kapag hindi mo na kaya sabihin mo lang, ah. Alam mo naman na ayaw kitang nahihirapan."
"Oo na. Bilisan mo ng magpakain sa dalawa. May pasok ka pa."
"Yeah. Don't worry."
"Don't worry ka riyan. Palagi ka na lang late pumapasok kaya. Nagrereklamo sa akin si Tita Sharmaine. Nagkukwento daw sa kanya lagi si Tito Tim."
"Huwag mo nang problemahin 'yon." Anito.
"Kailan pala dito pupunta sina Tita at Tito? Mag-iisang buwan na tayo rito pero hindi pa sila pumupunta."
"Hindi ko alam. Hayaan mo na. Busy si Daddy. Si Mommy naman ayaw magpunta dito ng mag-isa. Ayaw din niya na masyadong naglalabas nitong mga nakaraang araw."
"Ganoon ba. Nagtatanong pa naman sa akin si Keenon kung kailan niya daw makikilala ang lolo't lola niya."
"Talaga? Keenon asked you about it?"
"Yeah."
"Do you want to meet my parents, Keenon?" Tanong nito kay Keenon.
"Yes, Tito. Gusto ko po silang makilala. Masaya daw po kasi sabi ng mga classmate ko na maraming lolo at lola kasi ini-spoil sila."
Napangiti siya sa sinabi nito.
"Talaga? Then dapat pala makilala mo na sina Lola Sharmaine at Lolo Tim, sure ako na bibilhin nila ang mga gusto mo."
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts (Book 2)
RomanceOne is seeking for a second chance and the other one is expecting for nothing. How can you bring back the past and make amends to the things that you've done? Theo's regain his life after the wrong things that he had done. He repents and wanted thin...