CHAPTER THIRTY-THREE

309 20 48
                                    


CHAPTER THIRTY-THREE


NAIBABA ni Theo ang hawak na kutsara at tinidor sa tanong ng mommy niya tungkol kay Austin. Nagtanong ito kung alam na ba raw ni Austin na bumalik na siya at kung magbabati na silang dalawa.

"Nakipaghiwalay na ako kay Austin, 'my."

Bumalatay ang gulat sa mukha nito. Hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Paanong nakipaghiwalay ka? Tinapos mo na ang relasyon niyo?"

Tumango siya. "Yes. I broke up with him. He lied to me multiple times and I couldn't accept it. Handa na sana ako na makipagbalikan at makipagbati sa kanya pero nagbago na ang isip ko."

"Pwede mo bang sabihin sa akin ang dahilan mo? I know Austin lied to you, but I'm a witness, I saw how sorry he was on his wrongdoings to you. Ginawa niya ang lahat para mahanap at makausap ka."

"Still it wasn't enough. I'll admit that he still has a place in my heart but the numerous lies that he did, I couldn't bear it, 'my. Una kay Cheenah, ang pagpapakasal niya. Now, his communication with Kyrion Jay. Humiram pa siya sa lalaking 'yon ng pera na  pwede ko namang ibigay sa kanya. What he did just showed how untrustworthy he was towards me."

"Still, you should listen to his explanation, Theo."

"I don't need it. Sapat ng narinig ko mula sa kanya ang panggagago niya sa akin."

"Kailan ka nakipaghiwalay sa kanya?"

"The day of christening of the triplets." Nonchalant niyang sagot.

"Thats explain why Austin's actions changed that day."

Na-curious siya sa sinabi nito. His mother looked at him. Tila sinusubok siya nito kaya inilayo niya ang tingin dito. Uminom siya ng tubig pagkatapos ay pinagpatuloy ang pagkain.

"Sabi sa akin ni Tere, umaga pa lang, excited na si Austin sa binyag ng tatlong bata. He's also expecting you to come but you didn't appear. Umasa siya sa wala. Imbes na ikaw ang dumalo at umalalay sa kanya, si Kyrion Jay ang nasa tabi niya. Hindi ako nakapunta roon ng personal pero base na rin sa kwento nina Tere at Ella, ramdam ko na sobra ang kalungkutan ni Austin, n'ung nasa bahay na raw, hindi niya inasikaso ang mga ibang bisita dahil nasa labas lang siya ng bahay at umaasa na darating ka. Pero pagkatapos niyon," umiling ito. "Nagkulong na lang si Austin sa kwarto. Hindi lumabas at nasa tabi na naman niya si Kyrion."

Hindi dapat siyang maapektuhan sa kinukwento nito pero nakakramdam siya ng lungkot at sakit. Lungkot dahil alam niyang malungkot si Austin dahil sa kanya. Sakit dahil hindi siya ang nasa tabi nito at mas inuna pa niya ang galit at sakit na nararamdaman niya para sa mga ito nang makita niya na magkasama ang dalawa. May mali si Austin pero mayroon din siya. Ngunit hindi ibig sabihin niyon ay dapat magpadala na siya.

"Siya ang unang nanakit kaya dapat lang na masaktan din siya, 'my." Galit niyang sabi.

Lumarawan ang awa at pag-unawa sa mukha ng mommy niya. "Naaawa ako sa inyong dalawa. Nauunawan din kita pero kung ipagpapatuloy mo ang katigasan ng puso mo, kayo rin na dalawa ang maghihirap. Dama ko ang sobrang pagmamahal mo kay Austin, Theo, anak. Hindi 'yan basta mawawala. Nasasaktan ka kasi mahal mo siya. Nasasaktan din si Austin dahil mahal ka niya. Hindi ko siya pinapanigan pero sa tingin ko, kaya mas pinili niya na maglihim dahil alam niyang magiging ganito ka katigas. Hindi ka basta-basta aalis sa pinaniniwalaan mo at mananatili roon kahit nasasaktan ka rin."

What his mother said hit him. Tama ito. He stick on the things thay he believes. Hindi siya agad-agad nakikinig. Kung ano ang gusto niya dapat iyon na ang masunod. He remembers the day that Austin open the topic about adopting Cheenah's children but he refused and stick on the things he wanted. Napansin at nadama niya ang biglang pagbabago ng mood ni Austin pero binalewala na lang niya iyon dahil para sa kanya ay iyon na ang lahat. Napansin niya na rin noon ang ilang beses na pag-open ng topic ni Austin tungkol doon pero hindi iyon natutuloy dahil alam nitong matigas siya. And now that he knew everything that he did behind his back. He gets mad and couldn't accept it. Sinira nito ang tiwala niya at iyon lang ang pinaniwalaan niya. In the first place, hindi naman ito gagawa ng ganoon na aksyon kung hindi dahil sa kanya. Kung binuksan niya lang ang puso baka hindi sila humantong sa ganito. Hindi sana sila nasasaktan na dalawa. May justification ang lahat ng ginawa ni Austin. Mahirap unawain at hindi madaling tanggapin pero lahat ng bagay ay may rason.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon