CHAPTER TWELVE

336 21 79
                                    


CHAPTER TWELVE


HABANG nakikipaghalubilo sa mga bisita ni Leighton at sa ibang kakilala, hindi pa rin nawawaglit sa isipan ni Austin ang malungkot na mukha ni Kyrion Jay. Hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon. Ayaw na ayaw niya ng may nasasaktan lalo na at malapit pa sa kanya. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Nangyari na ang mga nangyari at hindi na mababago pa. Even Lovelace words comforted him, still his conscience was kicking him.

Sa pag-iisip kay Kyrion Jay, hindi niya napansin ang taong kasalubong. Nabunggo niya ito. Kung hindi lang ito naging maagap sa pag-alalay sa kanya ay baka paupo na siyang nabagsak sa sahig.

"Are you okay, Austin?"

Nagtaas siya ng tingin, sinalubong ang nag-aalalang tingin ng nakabanggan na si Jan De Vere pala.

"Okay lang ako," sabi niya. "Pasensya na at hindi  kita napansin."

"Parang ang lalim ng iniisip mo." Nang hindi siya sumagot at nagsalita ulit ito. "How are you, Austin?"

"Okay lang." He told him about his current job and the things that make him busy. Nagkwento rin ito ng pinagkakaabalahan nito ngayon na project. Jan De Vere is one of the few people he looked after too. Hindi lingid sa kanya ang mga pinagdaanan nito sa buhay. Ang pagsisikap na maabot ang pangarap at maging matagumpay sa buhay pati na rin ang coming out story nito sa gender preference. After sharing some informations about their jobs and personal things. Jan asked him a more personal question.

"Are you still with Theo? Kayo pa rin ba hanggang ngayon?"

"Hindi na kami ni Theo," maiksi niyang sagot.

"Hindi rin pala kayo ang nagkatuluyan sa huli," anito. "I know everything about happened between the two of you. I was once envious of your relationship, you know." Pagkukwento nito na sinabayan ng maiksing tawa. "Relationship goal kasi kayo. Ilang taon din ang relasyon niyo at iyon ang hinihiling ng mga nasa third sex. But I feel sorry on how it ended."

"You feel sorry? Bakit naman? Wala ka namang kinalaman sa mga nangyari noon. Nagloko si Theo at kasalanan niya kung bakit kami natapos at sa hindi magandang hiwalayan nauwi."

Lumarawan ang gulat sa mukha nito. "Wala ka bang alam?"

Kumunot ang noo niya. "Walang alam sa ano?" Naguguluhan niyang tanong. "Ang tanging alam ko na ang kalandian ni Theo noon ay ang kapatid mo. Sorry for the word. They cheated on me, your sister is a real bitch and Theo is a total asshole."

"I understand. Pero wala ka ba talagang alam?"

"Walang alam sa ano? Hindi ko alam ang tinutukoy mo. Ikwento mo sa akin para maliwanagan ako."

Iyon nga ang ginawa nito.





ALAS-TRES na ng madaling araw ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Austin. He went home from the party exactly at eleven o'clock and tried getting sleep but he couldn't. Patuloy pa rin kasing naglalaro sa isip niya ang usapan sa pagitan nila ni Jan De Vere.

Wala siyang kaalam-alam na ang mga nangyari noon ay dahil sa manipulasyon ng kapatid nito. Sophia was a selfish scheming bitch, at ang kasama nito ay isa rin dahil sa pakikipagsabwatan sa babae. Nakakanginig ng laman sa galit ang ginawa ng mga ito.

He and Theo were their victims. Dahil sa pagmamahal ni Sophia kay Theo ay nagawa nitong sirain at manipulahin ang sitwasyon nila noon. Sa pambubuyo nito at pagsasabi ng kung ano-ano kay Theo ay nawalan sa kanya ng tiwala ang lalaki na sa  simula't sapul ay may trust issue na dahil sa pinagdaanan ng mga magulang nito. Ginamit din ng dalawa si Rion na walang kaalam-alam sa pinagagawa ng dalawa. Rion was also their victim. Bukod sa manipulasyon ni Sophia ay hinimok din nito si Theo na gumamit ng illegal drugs kaya mas lalo itong nalugmok at hindi na sana makakabangon pa kung hindi tinulungan ang sarili at ng pamilya. Ang daming kasamaan na ginawa ni Sophia at tila hindi man lang nakokonsensya ang babae dahil naikwento rin sa kanya ni Jan na nagliliwaliw ito sa iba't-ibang parte ng mundo kasama ang mga nakarelasyon nito. Nakakagalit ito ng sobra. Kahit bawal nahihiling niya na sana karmahin ito at maturuan ng leksyon.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon