CHAPTER THIRTY-FIVE

147 16 62
                                    

CHAPTER THIRTY-FIVE

"WHAT are you doing to your life, Theo? You're a father now. Instead of wallowing yourself in misery because of Austin's absence, you should taking care of yourself and your children. Hindi mo na naaalagaan ang kambal. Hindi ka ba naaawa kina Austeus at Thaddeus na lumalaking wala ka sa tabi nila? Madalas kang lasing. Minsan ka na lang din umuwi sa bahay natin at laging dito ka dumidiretso sa bahay ng daddy mo."

Hindi sumagot si Theo sa sinabi ng mommy niya. His mind couldn't function well because it was throbbing like hell and the reason for it was alcohol. Halos inabot na siya ng madaling araw sa pag-inom ng alak sa isang sikat na bar at nakauwi siya sa tulong ng mga staff sa naturang bar. Parokyano siya roon at kilalang-kilala na siya. Halos mag-iisang taon na rin mula nang maging suki siya roon.

"Tumayo ka dyan at ayusin mo ang sarili mo," anito.
Wala siyang balak na sundin ito. Sobrang sakit ng ulo niya at wala siyang plano na umalis sa higaan. He will spend his whole day lying on his bed and sleep, but that won't happen now because of his mother's presence.

It has been a year since he went to Russia with his mother. Mag-iisang taon na rin ang mga gwapo niyang kambal na anak. Sa ilalim ng pangangalaga ang mga ito ng mommy niya dahil hindi niya magampanan ang pagiging ama sa mga ito. Sabi nga ng mommy niya, isang taon na ang nakakalipas ngunit nananatili siyang miserable at malungkot. And the reason of his loneliness was the disappearance of Austin in his life.

Naghintay siya ng reply dito mula sa mga social media sites ngunit wala siyang natanggap na mensahe. He was worried sick on that day and the following days. Staying in Russia for months was a pure torture for him. Nasa banyaga siyang bansa, nandoon ang katawan niya ng mga panahon na iyon ngunit ang isip at puso niya ay nasa bansa at iniisip ang taong mahal. Kung wala lang siyang mahalagang gampanin doon ay baka umuwi na siya ngunit mas kailangan siya ng mga anak. At para mawala ang mga alalahanin ay kinausap niya ang mga kaibigan at taong malalapit sa kanila upang tingnan kung nasa mabuti bang kalagayan si Austin at sabihin na naghihintay siya sa mga sagot nito sa email at messages niya. Ngunit ang mga taong nasa paligid niya ay tila pinagkakaisahan ulit siya dahil wala siyang natanggap na positibong balita. Kahit si Tita Tere ay hindi nagsasalita. Tila naulit ang nakaraan na muling nilayo ng mga ito sa kanya si Austin.

"Ano na, Theo? Hindi ka ba gagalaw diyan? Matanda ka na para pagsabihan pa. Masyadong matigas ang ulo mo at hindi na ako natutuwa. Nangangamba ako sa kalusugan mo."

"I can manage, 'my. I can also assure you that I'm taking care of myself."

"Taking care of yourself? Really, Theo? Do you know what you are saying? Pinapabayaan mo ang sarili mo. Wala kang ginawa kundi ang uminom every other day. At kung hindi naman pag-inom ng alak ang inaatupag mo ay abala ka naman sa trabaho at pinupunan ang mga absent mo. Dagdagan pa ng mga commissioned work mo na nilalagari mo. Sabihin natin na may mga achievement ka nga kahit hindi ka magtrabaho ay may pera ka na pero huwag ganito. Maawa ka sa sarili mo. Isipin mo ang mga anak mo."

Achievements. Siguro nga tama ang kasabihan na kapag successful ang isang tao sa career ay kabaliktaran naman iyon ng lovelife. Matagumpay siya sa larangan na iyon. He already had a name when it comes to art because of his paintings but it was doubled when a famous celebrity hired him to make a painting for the new house. Pinagmalaki at inindorso iyon sa social media. Pati ang mga ginawa niyang painting sa Russia ay naungkat. Maraming celebrity at art enthusiast ang naging interesado na magpagawa sa kanya. Bukod sa kanyang talento sa pagpinta ay dinagdagan pa iyon ng good looks niya na pinapantasya na rin ng ilang taga-hanga. He was now accepting works from different people but it was seldom. Nakadepende kasi sa mood niya ang pagtanggap ng mga commissioned work. May exclusive interview nga siya sa isang television show at malapit na iyong maipalabas. Bukod sa pagpipinta ay pumapasok pa siya sa kompanya ng ama at tumaas ng bahagya ang position niya. Bihira nga lang siyang pumasok dahil karamihan sa oras niya ay nauubos sa paghahanap sa taong mahal.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon