CHAPTER THIRTY

267 22 67
                                    

AUTHOR'S NOTE

Heto na ang chapter 30! As I promise po! Pam-birthday ko na sa inyo. LOL. Hindi ko lang alam kung kailan naman ang next update. Mag-iipon pa ako ng chapters bago masundan!

Sa ngayon, enjoy po muna kayo rito.

Don't forget to vote and comment.
Sana masayahan kayo!

And if you all have time and while waiting for my update, pwede niyo pong i-follow si Astrocholo. May mga story rin siya at alam kong magugustuhan niyo iyon! Pwede rin kayo magpagawa ng cover sa kanya!

Salamat!


CHAPTER THIRTY


"NAKAUSAP mo na ba si Theo?"

Mahinang iling ang naging tugon ni Austin sa tanong ni Tita Sharmaine. Dumalaw ito sa bahay nila at eksakto naman ang pagdating nito sa pag-alis sana niya. Dahil wala ang mama niya at kasama nito ang triplets na pumunta sa doktor para sa bakuna ng tatlo ay siya na ang humarap dito. Wala rin si Keenon dahil sinama ng mga ito. Siya ang dapat na sasama pero dahil sa usapan nila ni Jan ay hindi natuloy.

Tita Sharmaine sighed. "Nakausap ko siya. Akala ko naliwanagan na siya pero hindi pa rin pala. Hindi pa rin niya sinasabi sa akin kung nasaan siya kaya hindi kita matutulungan na mapuntahan mo siya."

Hindi maiwasan ni Austin ang malungkot. Dahil sa ginawa niya marami tuloy ang nadadamay. Pati ang relasyon ni Theo sa magulang nito naapektuhan.

"Ano po ba ang dapat kong gawin, Tita?" Tanong niya rito. "Ginagawa ko naman na po ang lahat para makausap siya. Pinagsisisihan ko na po ang nagawa ko pero hindi pa rin ako magawang kausapin ni Theo. Siguro po hindi niya tinitingnan ang mga message ko sa kanya." The thought hurts him. Kung ganoon kasi ang ginagawa ni Theo ibig sabihin niyon sagad-sagaran ang galit nito sa kanya. "Ayoko pong sumuko pero minsan napanghihinaan na ako ng loob."

"Huwag mong sukuan ang anak ko, Austin. Gawin mo ang lahat para magkaayos kayong dalawa. I'll help you. Oras na malaman ko kung nasaan siya, agad kong sasabihin sa 'yo. Alam kong galit siya sa 'yo pero hindi maipagkakaila na mahal ka ng anak ko. Hindi naman siya masasaktan ng ganito, hindi ba?"

Tumango siya. "Opo." Alam ni Austin na mahal siya ni Theo. Nasasaktan ito dahil mahal siya nito. Narinig naman niya iyon mula sa bibig nito. Alam niya rin, umaasa siya na kahit papaano ay hindi nagmamaliw ang pagmamahal nito sa kanya. Na sana ay nananatili ang lugar niya sa puso nito.

"I'm glad to hear that." Nakangiting sabi nito.

May naalala siyang bigla, iyon ang regalo ni Cheenah kay Theo na nasa pangangalaga niya. Mas mainam na ibigay na niya iyon kay Tita Sharmaine para mailagay nito sa kwarto ni Theo kung sakaling umuwi na ito sa bahay ng mga ito. Saglit siyang nagpaalam kay Tita Sharmaine. Pagbalik ay hawak na niya ang regalo na nilagay niya sa maliit na bag.

"Ano 'to?" Usisa ni Tita Sharmaine sabay abot sa regalo.

"Para po kay Theo 'yan. Galing kay Cheenah."

"Ganoon ba. Bakit mo binibigay sa akin? Ayaw mo bang ikaw na ang magbigay kay Theo kapag bumalik na siya?"

"Gusto ko rin po pero mas okay na na nasa bahay niyo 'yan para kapag bumalik siya makita niya kaagad."

"Ikaw ang bahala," anito. "Ilalagay ko na lang 'to sa kwarto niya."

"Thank you po, Tita." Nakangiti niyang sabi.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon