CHAPTER FORTY-NINE
"UMALIS si Austin? Saan nagpunta? Sinong kasama?"
Agad niyang tanong nang marinig ang sinabi ng taong nasa kabilang linya.
"Hindi ako sigurado pero base sa narinig kung pag-uusap nina Sir Theo at Keenon ay pupunta sa Yaya Gracia daw."
Natahimik siya sa sinabi nito. Pamilyar sa kanya ang pangalan ng babaeng tinutukoy nito ngunit hindi niya matandaan kung saan ba niya iyon narinig.
"Si Keenon, ano ang ginagawa?" Tanong niya rito sa halip na mag-usisa pa tungkol sa pupuntahan ni Austin. Mas mahalaga sa kanya na malaman kung ano ang ginagawa ng bata dahil susi ito para makuha niya ang kayamanang matagal nang inaasam.
Agad na nagkwento ang taong nasa kabilang linya tungkol kay Keenon. Base on what she heard, talagang alagang-alaga ng dalawang lalaki ang bata. Lumalaking gwapo at kamukhang-kamukha ni Theo ang bata. Bukod doon ay mabait din daw ito at madaling mapasunod. Malayong-malayo sa karakter na mayroon siya.
Kung sobra ang kabaitan ni Keenon, tiyak niya na madali lang itong pasunurin. Madali niya itong matatakot at paikutin sa kanyang mga kamay kapag nakuha na niya ito. Kaunting paninidak, tiyak niya na bibigay na ito sa mga kagustuhan niya. Pero bago niya ito makuha, ang dapat niyang gawin ay alisin sa landas niya si Austin.
Dapat gagawin na niya ang plano para rito ngunit mukhang mapupurnada pa iyon. Mabuti na lang talaga at alam niya kung saan ito pupunta at mapagkakatiwalaan ang taong inutusan niya para manmanan ang lalaking iyon. Dapat mawala ito katulad sa kapatid niyang si Jan.
Tinapos na niya ang pakikipag-usap sa taong nasa kabilang linya. Ngunit bago iyon ay binantaan niya muna ito na papatayin ang anak nitong hawak niya. Halata ang takot sa boses nito kanina at ipinangako na gagawin lahat ng gusto niya na nagpatawa sa kanya.
Lumabas siya sa kanyang kwarto at nagtungo sa basement ng bahay. Naabutan niya roon ang batang takot na takot sa isang sulok. Malayong-malayo ang mukha nito sa ina. Chinese-mestiso ang bata at hindi niya alam kung kanino nagmana. Hindi naman sa kanya mahalaga kung saan nito nakuha ang hitsura dahil ang silbi nito ay maging pain niya para mapasunod ang ina nito.
"Bakit hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo?!" Singhal niya rito.
"Hindi pa po ako nagugutom." Nanginginig na sagot nito. Halata ang takot sa mukha.
"Kumain ka!" Sigaw niya rito. "Kung hindi ka kakain papatayin ko ang mama mo!"
Nagsimulang tumulo ang luha nito. Hindi niya iyon pinansin at mas sinindalk pa ito.
"Kumain ka na! Ubusin mo ang pagkain mo! 'Pag hindi 'yan naubos wala ka nang babalikan na nanay!"
Sa dahan-dahan na pagkilos ay sumunod ito.
Lumabas siya ng kwarto at ni-lock ang pintuan.
Tinawagan niya ang taong inutusan na sundan si Austin. Agad naman itong sumagot at sinabi sa kanya ang lahat ng detalye.
Tamang-tama na malayo ito kay Theo. Walang poprotekta rito at kahit na anong kasamaan ay pwede niyang ipagawa sa lalaking inutusan.
Sinabi niya sa kausap na manmanan ang bawat kilos ni Austin at kapag may pagkakataon ay agad na itong tapusin.
Kapapatay pa lang niya ng tawag nang tumunog ang cellphone niya. This time, the caller was her lover. Maluwang ang naging ngiti niya at sinagot ang tawag.
Kasalukuyan itong nasa probinsya at tinitiyak na nagawa ng maayos ang ginawa nila kay Jan at sa lalaking kasamahan nito na inutusan nila. Miyembro rin ang lalaki ng sindikato na knabibilangan ng lover niya ngunit hindi nito iyon gusto dahil nasasapawan ito sa lahat ng bagay na hindi naman nakapagtataka. Dahil kahit nga siya ay agad na nakuha ng lalaking iyon ang kanyang atensyon. Sayang nga lang talaga at hindi niya ito natikman bago mamatay.
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts (Book 2)
Lãng mạnOne is seeking for a second chance and the other one is expecting for nothing. How can you bring back the past and make amends to the things that you've done? Theo's regain his life after the wrong things that he had done. He repents and wanted thin...