CHAPTER TWENTY-SEVEN

295 16 64
                                    


AUTHOR'S NOTE

Annyeong! 😁😁 At ako ay nagbabalik para sa update na ito.

Siyanga pala, may Dreame account na po pala ako.

Username: Vienne_Chase

With same profile pic po. Sana po ay i-follow niyo rin ako doon. Malaking bagay na po iyon sa akin. At kung sakali ay doon ko rin ilagay ang new story ko na huhugutin ko sa baul na dapat ay tema talaga ng una kong story na FATED ENCOUNTER. Hahanapin ko pa nga lang kung saan ko naisulat. Hahaha..

Well, sana po ay ma-enjoy niyo ito. Pahabol pala, sa susunod na chapter ay may POV na hindi sa mga bida. Kailangan ko lang talagang ilagay para sa takbo ng story.

Salamat. Don't forget to comment and vote po. Again, follow niyo ako sa Dreame. Same username lang po.

CHAPTER TWENTY-SEVEN

"DAPAT kang kumain, Austin. Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo. Alam ko na nasasaktan ka pero hindi iyon dahilan para pahirapan mo ang sarili mo. Hindi pa katapusan ng mundo. Tandaan mo na may mga anak ka at sila ang dapat pagtuunan mo ng pansin."

Napatingin si Austin sa kanyang ina. Kagaya sa mga nakaraang araw lagi itong pumupunta sa kwarto niya para dalhan siya ng pagkain. Limang araw na ang matuling lumipas mula nang umalis si Theo at sa mga araw na iyon ay tila nawalan siya ng ganang mabuhay. Hindi siya makakain. Hindi niya magawa ng maayos ang mga bagay na ginagawa niya araw-araw katulad na lang ng pag-aalaga sa tatlong sanggol. Madalas ay napapatulala siya at umiiyak dahil sa sobrang kalungkutan. Hindi na nga siya pinapalapit ng mama niya sa mga anak at nag-hire na ito ng babysitter para roon.

"Wala po akong ganang kumain, 'ma," malumbay niyang sagot dito.

Bumuntung-hininga ito. Halata sa mukha ang tinitimping pagkakunsumi ngunit doon ang pag-unawa. "Hindi pwedeng hindi ka kumain. Ilang araw ka ng ganyan. Paano kapag bumalik si Theo? Paano mo siya haharapin?"

"Babalik pa po ba siya, 'ma?" Naiiyak niyang tanong dito. "Hindi na siya babalik. At kung babalik man siya, hindi na siya magpapakita sa akin. Aalisin na niya ako sa buhay niya. Sana hindi ko na lang ginawa ang lahat ng 'to para hindi ako naghihirap ng ganito. Sana hinayaan ko na lang si Cheenah at ang mga anak niya. Dapat inuna ko si Theo. Dapat sa kanya ko na lang itinuon ang lahat ng atensyon ko." Umiyak siya ng malakas. May ideyang pumasok sa isip niya na nagpatigil sa kanya. Tiningnan niya ang ina. May pag-unawa sa mukha nito. May awa. "Dadalhin ko na lang ang mga sanggol sa ampunan, 'ma, iyon ang gusto ni Theo. Kapag nalaman niya na ipapaampon ko na sila at wala na sila rito babalik siya sa akin. Babalik siya! Babalik sa ak---"

Natigil siya sa pagsasalita nang sampalin siya ng mama niya. Nagulat siya sa ginawa nito. Tiningnan niya ito habang hawak ang nasaktang pisngi.

" 'Ma... "

"Hindi kita pinalaking ganyan!" Malumanay na sabi nito ngunit may pagtitimpi na ilabas ang galit. "Hindi kita pinalaking ganyan, Austin! Aabandonahin mo ang mga sanggol dahil wala si Theo sa tabi mo! Pinagsisisihan mo ang mga ginawa mo dahil sa kanya at naiisip mong iwanan ang mga batang walang kamalay-malay. Anong iniisip mo, Austin? Bakit sa kanila mo ibabaling ang lungkot at galit sa sarili mo? Alam kong may kasalanan din ako rito pero hindi ko naisip na hahantong ka sa ganitong bagay! Pinalaki kitang responsable! Ayusin mo ang sarili mo! Huwag kang magmumukmok dito sa kwarto mo! Gumawa ka ng paraan para mahanap mo si Theo! Hindi ka matutulungan ng pagkukulong mo rito!" Mahabang sabi nito saka siya tinalikuran.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon