CHAPTER FOUR

422 24 24
                                    

CHAPTER FOUR


"WHAT do you think you're doing, Austin? Ba't ka nag-e-empake ng mga damit mo? Saan ka pupunta? Ba't ka aalis?" Sunod-sunod na tanong ni Leighton sa kanya nang maabutan siya nito sa ginagawa.

Tumigil siya sa paglalagay ng mga damit sa kanyang maliit na maleta saka tumingin dito. "Kailangan ko ng umalis. Hindi ako pwedeng magtagal dito."

"Bakit?" Kunot-noo nitong tanong.

"He's here, Leighton. He was here."

"Sino?" Kunsumi nitong tanong. "Will you relax?" Sabi nito sabay hawak sa balikat niya. Pinaupo siya nito sa single bed. "Now, talk to me. Please make it clear para magkaintindihan tayo."

"Nakita ko si Theo. Nandito siya, Leighton."

"Nandito siya?" Gagad nito. "Naiintindihan kita sa nararamdaman mo pero hindi ka pwedeng umalis. Nandito ka para makasama kami at hindi siya. Huwag mong sabihin sa akin na apektado ka ng presensya niya."

Natahimik siya sa sinabi nito.

"Bakit pa ba ako magtatanong kung obvious naman ang sagot sa tanong ko. After all this time, years passed, but still he affects you."

"Aaminin ko na apektado ako sa presensya niya pero hindi ko na siya mahal."

"Kung hindi mo na siya mahal, patunayan mo, Austin. Act like you don't know him kahit na magkita na kayong dalawa."

"How can I do that?"

Leighton sighed. "Ignore him. Ipakita mo sa kanya na hindi na siya parte ng buhay mo at wala na siya sa sistema mo."

"Sana magawa ko 'yon. Hindi naman lingid sa kaalaman mo ang mga ginawa kong pag-iwas sa kanya tuwing may okasyon kami sa pamilya."

"Alam ko. Pero hindi ka ba napapagod na palagi na lang umiiwas, Austin?" Natahimik siya. "Kahit na anong gawin mong paglayo, kahit na nakalimutan mo na siya at hindi mo na siya mahal katulad ng sinasabi mo, patuloy at patuloy pa rin na magsasanga ang landas niyo. You two have connections and that is your family ties."

Naisip na rin naman niya ang pinupunto ni Leighton noon. But it still hard for him to be in the same crowd with Theo. There are times that he felt suffocated. Alam niya na naka-move on na siya rito pero hindi niya ipagkakaila na apektado siya. Kinikimkim niya lang iyon.

"Nandito ka para mag-enjoy, Austin. Tandaan mo 'yan. Huwag kang magpa-apekto kay Theo," anito saka nagpaalam sa kanya.

Naiwan siyang natigilan. Tama si Leighton. Kahit na anong gawin niyang pag-iwas hindi maiiwasan na magkita silang dalawa. They have deep connections. Pamilya.

Siguro ito na ang pagkakataon para harapin niya si Theo. Kailangan niya itong gawin para sa sarili. Kailangan niyang ipakita na tuluyan na siyang naka-move on dito at hindi na apektado sa presensya nito.



"SO, ano na? Are you staying or are you choosing to go away again?"

Iyon kaagad ang tanong ni Leighton sa kanya ng lumabas siya ng kwarto. Nasa labas ito ng cottage na inuokupa niya. Nakaupo sa upuan na nandodoon.

"I'm staying. Nandito ako para makasama kayo at dumalo sa kaarawan mo. Hindi para kay Theo."

"That's good. Akala ko pa naman tuluyan ka ng aalis."

"Napag-isipan ko ang sinabi mo. Actually, matagal ko nang naisip na hindi maiiwasan na magkita kami pero inignora ko lang 'yon. Ngayon hindi na ako tatakbo. Haharapin ko na siya kung sakaling makita niya rin ako rito."

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon