CHAPTER TWENTY-NINE

190 20 33
                                    


CHAPTER TWENTY-NINE


AFTER talking to Austin over the phone, hindi mapigilan ni Kyrion Jay ang mapabuntung-hininga. Kahit na nakakadama siya ng relief sa hindi pagpansin ni Austin sa mga sinasabi niya, hindi pa rin maiiwasan ang makadama siya ng pagkakonsensya. Marami na siyang lihim na tinatago rito at lahat ng iyon ay dahil sa pansarili niyang interes.

Una, ang paglilihim niya rito tungkol sa alam niya at ang pagsama sa kanya ni Sophia para isabotahe ang relasyon nito at ni Theo. Aaminin niya na sa una ay nagkaroon siya ng interes doon. Nang makilala niya noon si Austin ay nakuha na nito ang interes niya dahil iba ito sa mga taong nakakasalamuha niya. Kyrion Jay knew that he was a total headturner. Sinasamba rin siya sa De Vere's noon pero hindi man lang nakuha ng physical looks niya si Austin. He was so into Theo. May pagka-self centered siya noon at ginusto niyang makuha ang atensyon ni Austin pero nagbago ang isip niya. Bago pa magsimula ang lahat ng plano ni Sophia ay nag-back out na siya at inabala ang sarili. But his selfishness  get into him. Imbes na sabihin kay Austin ang lahat ay hindi niya ginawa dahil naisip niya rin na kung totoong mahal ni Theo si Austin ay hindi ito basta-basta maniniwala sa mga bagay na itinanim ni Sophia sa isip nito. Theo was the one to blame also. But also it gives him a chance to start being friend with Austin again. Naging companion siya nito at eventually ay naging kaibigan na matalik niya ang lalaki pati sina Leighton at Lovelace. He bonded with them like he's not keeping anything from them especially to Austin. Nang makakita siya ng pagkakataon at sa tagal ng pagkakaibigan nila ni Austin ay sinabi niyang liligawan niya ito pero hindi siya nagtagumpay na mapaibig ito dahil sa nangyari rito sa nakaraan. Hindi niya naisip na si Theo pa rin ang tinitibok ng puso nito kung hindi pa niya nasaksihan ang lahat. He was so hurt that day. Pinilit naman niya na mag-move on pero hindi niya kaya. And then one day he found himself hiring some private guards to watch Austin silently at the distance. Nagtagumpay naman siya doon kaya alam niya ang lahat ng mga nangyari rito. He was always updated kaya nga naipadala niya si Kaizer para gawin ang mga legal things tungjol kay Cheenah at Austin. Nasaktan siya sa desisyon nito na pakasalan si Cheenah para makuha ang full custody ng mga bata pero tinanggap niya. Kahit na anong gawin nito ay susuportahan niya ito dahil mahal niya ito. At nang mamatay si Cheenah dahil sa aksidente ay nasaktan siya para kay Austin. Nagluksa rin siya para rito. He wanted to comfort him physically but he just couldn't do it because of the things that he was also going through. Nang mawala na naman si Theo sa eksena ay umeksena siya ulit bilang kaibigan na nagmamahal pa ng higit dito. He was encouraging Austin to have a vacation which he refused several times. Pero hindi pa rin siya sumusuko na mapapayag ito para magkaroon sila ng sariling pagkakataon na magkasama.

Hindi lang niya maiwasan ang kabahan sa nasaksihan kanina. Kilala niya si Keenon dahil dinadala ito ni Jan sa studio ng De Vere's. He also knew that Keenon is Sophia's son. Hindi rin lingid sa kaalaman niya na malaki ang posibilidad na si Theo ang ama ng bata. Kinakabahan siya dahil si Keenon ang pwedeng magbabalik ng interes ni Sophia kina Austin at Theo. Wala ng pakialam ang babae sa mga ito pero dahil alam niyang may gusot sa pagitan nina Jan at Sophia. Malaki ang posibilidad na madamay si Austin doon.

He wanted to protect Austin from Sophia. Kung hindi kayang gawin ng kasintahan nito ay siya na ang gagawa. Hindi siya papayag na masaktan na naman ito ng parehong tao mula sa nakaraan. Ngayon pa lang ay magdo-doubke effort na siya na protektahan ito.

Kinuha niya ang cellphone sa bedside table at tinawagan ang dalawang tao na pinagkakatiwalaan niya na may-ari ng security agency.

Una niyang tinawagan si Sephion at sumunod si Tephion. Sinabi niya ang pakay sa mga ito. Kahit papaano ay nakahinga na siya ng maluwang. Alam niyang may poprotekta na kay Austin kahit wala siya sa tabi nito. Kung ano man ang magiging balak ni Sophia kapag nalaman nito kung saan si Austin, sisiguraduhin niya na hindi ito madadamay lalo na ang mapahamak.



Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon