CHAPTER TWENTY-EIGHT

192 18 58
                                    

AUTHOR'S NOTE

Dapat sa friday at isang bagsakan ang pag-update  ko pero nagdesisyon ako na simulan na ngayon hanggang sa matapos sa friday.

Heto na po ang chapter 28. Pasensya na sa matagal na paghihintay.

Paunawa lang po para iwas kalituhan. Maraming POV's po dito. Nasa 4 na tao. Hehehe. Sana huwag kayong malito lalo na at walang nakalagay kung kanino ba na POV.

Btw, please do support and follow Astrocholo marami rin po siyang kwento na naisulat at tiyak ko na magugustuhan niyo iyon. At kung nagsusulat din kayo, pwede rin kayong magpagawa sa kanya ng book cover.

Salamat.. Enjoy.. Comment... Vote..
Kung hindi nakakaabala.


CHAPTER TWENTY-EIGHT


FROM where he was standing, Kyrion Jay saw the sadness in Austin's eyes. Balak niya sanang magpakita na rito dahil nasasawa na siya na laging sa cellphone lang ito kausap. Nagkataon naman na wala na siyang project na gagawin kaya malaya na niyang gawin ang gusto niya. Bukod doon ay nag-file din siya ng indifinite leave sa agency na nakahawak sa kanya. Hindi na muna siya kukuha ng projects at magpo-focus sa sarili niya. After all, marami na rin siyang ipon. Bukod doon ay may pera siya na hindi niya ginagalaw. Kahit hindi siya magtrabaho ay kaya niyang i-sustain ang sarili.

Nagkasya na lamang si Kyrion Jay na tingnan si Austin. Gusto niya itong lapitan, sa totoo lang pero ayaw niyang maistorbo ang moment nito. Mula nang umalis ito sa bahay nito ay nakasunod na siya rito gamit ang bagong kotse na nabili niya. His initial plan was to go to Austin's house and surprise him, pero naunahan siya ng hiya. Yes, ang katulad niya na sikat at tinitingala sa karera niya ay may hiya pa ring nadarama lalo na kung si Austin ang involve. Kahit na kausap niya ito palagi sa cellphone, tuwing may free time siya ay iba pa rin ang personal na pagkikita. Isa pa, hindi naman kaila sa kanya ang rason kung bakit nagawa niyang maglihim dito. He knew that Austin will demand explanation to him as soon as he sees him. Simple lang naman ang rason niya pero hindi niya muna iyon sasabihin para may rason sila na mag-usap at hanapin siya nito. Alam ni Kyrion Jay na masyadong selfish iyon. Pangangatawanan na lang niya para sa personal interest niya.

Nang maglakad ito palayo sa bahay na tinitingnan ay napahinto siya nang makita ang paglabas ni Theo mula sa posteng tinataguan nito. His jaw clenched. Theo was the reason why Austin was living with misery. Dahil dito kaya hindi niya nakikita ang glow sa mata ng taong gusto. Tuwing kausap niya si Austin ay laging si Theo ang topic nila. Nasasaktan siya dahil nasasaktan ng ibang tao ang taong mahalaga sa kanya. Kung siya ang karelasyon ni Austin, hindi niya hahayaan na mag-suffer ito. Alam niya na may mali na ginawa si Austin. Pero hindi iyon dahilan para mas lalo itong mahirapan at pahirapan ng taong mahal nito.

He smiled bitterly on the thought. Mahal na mahal ni Austin si Theo, walang duda roon. Ang sakit lang aminin at lalong mas masakit isipin na wala siyang panama roon. Hindi siya magkakaroon ng tiyansa na mahalin ni Austin. Kung meron lang baka matagal na niyang kinuha iyon.

Napatingin ulit si Kyrion Jay Kay Theo na palihim na sinusundan si Austin. The man looks wasted. Halatang napapabayaan nito ang sarili. Dinamdam ang ginawa ni Austin. Minsan nahihiling niya na sana maghiwalay na lang ang mga ito para magkaroon na siya ng pagkakataon. Malabo iyon, alam niya, hindi naman masamang mangarap.

Palihim niyang sinundan ang dalawa. Nauwi si Austin sa isang parke. Si Theo naman ay nakatingin dito mula sa malayo at siya naman ay nakatingin at nakabantay sa kilos ng dalawa. It was just funny. Nagmumukha na siyang stalker sa ginagawa. Si Austin lang ang sinusundan niya pero naging dalawa. Si Austin lang ang main concern niya pero dapat niya ring bantayan si Theo. By the looks of it, he saw the longing in Theo's eyes. Mukhang tinitikis lang din naman nito ang sarili. Nabubulag ito ng galit at sakit ngunit hindi maipagkakaila ang totoong nararamdaman. Kampante siya na hindi nito lalapitan si Austin. Makakahinga siya ng maluwang.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon