CHAPTER FOURTEEN

290 23 60
                                    


CHAPTER FOURTEEN


NAGULAT si Austin nang makita sa labas ng kanyang cottage si Theo. Nakasandal ito sa dingding at nakapamulsa.

"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong niya rito.

"Hindi naman," anito saka umalis sa pagkakasandal.

"Bakit ka pala nandito? 'Di ba ang usapan natin sa Aqua Azul tayo magkikita."

"Hindi mo ba nabasa ang text ko sa 'yo?"

"Text? Anong text?" Kunot-noong tanong niya.

"Tingnan mo ang cellphone mo," anito sa halip na sagutin ang tanong niya.

Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa. Binasa niya ang mensahe nito na mayroon nga.

Change of plan. Mag-dinner tayo sa dalampasigan. Picnic at night ang peg natin.

Mula sa kanyang cellphone, tiningnan niya ito. "Ano na naman ang trip mo, Timotheo? May nalalaman kang picnic at night."

"Ikaw ang trip ko. Trip kong masakyan ka." Pilyong sabi nito saka siya kinindatan.

Sinimangutan niya ito. "Kahit ano-ano na lang, eh. Tara na nga. Nagugutom na ako. Siguraduhin mo na masarap ang pagkain natin, ah."

"Oo naman. Magugulat ka kapag nakita mo ang ulam natin," may kahulugan nitong sabi. "At tara na aking kamahalan, pagsisilbihan ka pa ng magiting mong kawal."

"Corny mo!" Naiiling na lang niyang sabi ngunit sa loob-loob ay may kilig na nararamdaman.

They walked in silence. Feeling the cold night breeze of the air and enjoying the sound of the waves.

Umagapay sa kanya si Theo sa paglalakad. Napatingin siya rito nang abutin nito ang malaya niyang kamay at masuyong hawakan.

"HHWW tayo like other couples do." Nakangiting sabi nito.

He looked away suppressing his smile. This guy could really melt him with his cheesy antics. Kung kasinglambot lang ng gulaman ang tuhod niya ay baka kanina pa siya bumigay. Kinikilig siya sa mga tirada nito at paraan.

Pinisil nito ng mahina ang kanyang kamay na ginantihan naman niya. Tila nagkakaunawaan ang pusong parehong nagmamahal.



NANG makarating sa lugar kung saan sila kakain, paghanga ang agad na makikita sa mukha ni Theo. May checkered picnic mat doon na katabi ang hugis parihaba na picnic basket. Sa hindi kalayuan ay may tent na kasya ang dalawang tao sa loob. Bukod sa tanglaw ng ilaw ng buwan bilang ilaw, may emergency light din doon.

"Talagang handa ka, ah. A for effort ang grade mo para sa akin." He said. May pagbibiro sa tono ngunit may appreciation doon.

"Salamat," anito. "But I prefer a kiss over thank you."

Hindi siya sumagot sa sinabi nito. Ang ginawa niya, hinawakan ang magkabilang mukha nito saka ginawaran ng mabilis na halik ang labi. Lalayo na sana siya rito ng hawakan siya nito sa likod ng ulo at hapitin pang lalo ang mukha sa kanya at palalimin ang halik. Napaungol siya sa intensidad ng halik nito.

They ended the kiss when they both needed air.

"It should be a quick kiss," naliliyong sabi niya.

"You can't blame me. Your lips is irresistible. Mahina ako kaya madali akong bumigay."

"Ewan ko sa 'yo," sabi na lang niya saka ito iniwan. Inalis niya ang sapin sa paa saka tumayo sa picnic mat. Umupo rin siya doon mayamaya.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon