CHAPTER THIRTY-TWO

191 19 43
                                    

CHAPTER THIRTY-TWO

"PAANO mo nagawa sa akin 'to? Bakit kailangan mong gawin 'to? Saan ba ako nagkulang? May mali ba akong nagawa sa 'yo?"

Pagkatapos ng mga murang pinakawalan, iyon ang kasunod na mga sinabi ni Theo. Puro katanungan iyon. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula kay Austin. Hindi lang isa kundi marami ang mga maling nagawa nito habang nasa relasyon silang dalawa. Ang buong akala niya ay tungkol lang kay Cheenah ang mga nagawa nitong kamalian pero hindi pala dahil mayroon pa palang Kyrion Jay. Si Kyrion Jay na isa sa dahilan kung bakit pinagdaanan nila ang mga masasakit na bagay noon at pumapagitna sa relasyon nila ngayon.

Sumasakit ang lalamunan ni Theo sa pagpigil ng iyak. Hindi niya mapigilan ang sarili na maging emosyonal dahil sa galit, sakit at hinanakit na nararamdaman para kay Austin.

Totoo ang sinabi niya rito na pumunta siya sa simbahan kung saan bininyagan ang mga anak nito pero nasa labas pa lang siya ay agad na niyang nakita si Kyrion Jay sa tabi nito na dapat sana ay siya. Karga ng lalaki kanina ang isa sa tatlo habang ang isa kay Austin at ang isa ay karga ni Tita Tere. Siya dapat iyon, kahit papaano ay isasantabi niya ang nararamdaman na negatibo kay Austin para sa mahalagang araw nito. Kahit papaano ay pinipilit niya ang sarili ng paunti-unti na tanggapin ang mga bagay na nangyari sa pagitan nila. Ready na siya kahit hindi pa iyon masyadong buo. Pero ang kahandaan niya ay nalusaw dahil sa natuklasan na sikreto nito. Umalis na lang siya tuloy at bumalik sa bahay. Dito, muli niyang inihulog ang sarili sa lungkot at katanungan hanggang sa tumawag na nga sa kanya si Austin. Demanding for answer why he didn't come and the rest was history.

"Wala kang pagkukulang. Wala kang nagawang mali. Ako ang may kasalanan. Ako ang may pagkukulang at ako ang nagkamali. Hindi ako naging tapat sa 'yo, Theo. Nangyari ang lahat ng 'to dahil sa 'kin. Huwag mong sisihin ang sarili mo." Sunod-sunod na sabi ni Austin. Halata na sa boses nito ang pag-iyak.

Ayaw niyang nasa ganito silang sitwasyon ni Austin pero ito ang naglagay sa kanila sa ganitong estado. "Wala akong pagkukulang. Wala akong mali. Pero bakit, Austin? Bakit?!"

"Na-nangyari ang lahat ng ito dahil nagkulang ako ng tiwala sa 'yo, Theo. Naging makasarili rin ako. Sarili ko lang ang iniisip ko at hindi ko man lang tinimbang ng mabuti ang mga aksyon ko. Puro pansarili na interes ang inisip ko."

"You love me but you don't trust me. Anong silbi ng pagmamahal mo kung hindi mo ako kayang pagkatiwalaan?"

"I'm sorry, Theo. I'm sorry."

Theo cleared his throat. Masakit na talaga ang kanyang lalamunan sa pagpigil ng iyak. "You know what, I think, this is the right time to end our relationship. Mahal kita pero hindi ko na kaya pang i-tolerate ang mga maling nagawa mo."

"No. Please, Theo." Maagap nitong pagtutol. Nasa boses ang hindi pagkapaniwala at desperasyon. "Please don't do this. Don't end it like this. Kahit ano gagawin ko basta mapatawad mo lang ako. 'Wag mong tapusin 'to." Mas lumakas ang pag-iyak nito.

Napailing-iling siya. Ang emosyon na pinipigilan tuluyan nang kumawala. He started crying silently. Marahas niyang pinunasan ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. Masakit sa kanya ang desisyon na ito pero ito ang...

"Theo, please. Huwag mong gawin 'to. Mahal na mahal kita. Sorry. Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako. Huwag lang ganito."

"Hindi ko na kaya. Hindi madaling kalimutan ang mga ginawa mo."

Mas lalong lumakas ang pag-iyak nito. "Na-nasaan ka? Mag-usap tayo ng personal. Gusto kitang makita. Theo, please."

"I don't want to see you. Simula ngayon sasanayin ko na ang sarili ko na wala ka sa tabi ko."

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon