CHAPTER THIRTY-NINE
"SIYA si Theo, anak."
Nahihiyang tingin ang ibinigay ni Austin kay Theo na nakaupo at matamang nakatingin sa kanya pagkatapos itong ipakilala ng ina sa kanya. Bukod sa hiyang nadarama ay may lungkot din siyang nadarama para rito na kanina pa namuo mula nang makita niya ito. Kitang-kita naman kasi sa mukha nito ang sakit mula sa nasaksihan at narinig mula sa kanya. What he asked was a stupid question but for a person like him, asking that was the first to do.
It was really stupid of him. Dapat kaninang pagkarating nila ay nag-usisa niya sa mama tungkol kay Theo at humingi rito ng mga larawan ng lalaki para naging pamilyar na siya rito. Ang kaso, hindi niya iyon nagawa dahil naging abala na siya kaagad sa pag-aasikaso sa mga bata at tinulungan niya rin ang ina sa mga nakatenggang gawaing bahay. Isa pa hindi rin naman niya inaasahan na darating ito kaagad. Hindi naman kasi niya alam ang sinabi rito ng mama niya.
"Nice meeting you," sabi na lang niya rito sabay lahad ng kamay.
"Nice meeting you?" Hindi nito makapaniwalang tanong habang palipat-lipat ang tingin sa kanyang mukha at nakalahad na kamay. "Are you joking me right now, Austin?"
Austin heaved a sigh. Nakadama siya ng kaunting hiya kaya binawi niya ang nakalahad na kamay. It was understandable for Theo to act like this. Hindi niya ito masisisi.
"Pwede niyo po ba kaming iwanan, 'ma?" Baling niya sa ina. May pag-aalinlangan at pangamba na makikita sa mukha nito. Nginitian niya ito. Assuring her and to do what he ask. "Okay lang po ako, 'ma. Don't worry. Mag-uusap lang kami. Kailangan niyang malaman ang lahat ng nangyari sa akin. Ako ang dapat na magkwento sa kanya at wala ng iba pa."
"Si-sige," may pag-aalinlangan nitong pagsang-ayon saka umalis. Bago pumunta sa kwarto ay muli siyang tiningnan kaya nginitian niya ulit ito.
Bumaling siya kay Theo na tahimik pa ring nakatingin sa kanya. "Gusto mo bang dito tayo mag-usap o sa mas pribadong lugar?"
"Mas gusto ko sa pribadong lugar. I want us to talk privately. Just you and me." Theo said then turned his back at him. Lumabas ito ng bahay.
Mabilis siyang sumunod dito. Agad niyang nakita si Kyrion Jay na kalaro si Keenon nang makalabas. Sa frontyard ang mga ito. Pagkatapos ng nangyari kanina ay pinakiusapan niya ito na lumabas kanina at eksakto naman ang paglabas ng mama niya mula sa kusina.
Lumapit ito sa kanya. "Saan kayo pupunta?"
"Hindi ko alam. Sinusundan ko lang siya. We need to talk privately, Kyrion."
"Hindi ka ba natatakot, Austin? Ngayon mo lang siya nakita. Hindi mo siya kilala. Wala kang alaala sa lalaking 'yan. Hindi mo alam kung ano ang pwede niyang gawin sa 'yo."
"No, I'm not." May katiyakan niyang sagot na nagpatigil dito. "Oo, ngayon ko lang siya nakita, Kyrion, pero wala akong pangambang nadarama sa kanya. Parang alam ng puso ko na hindi niya ako gagawan ng masama."
Lumarawan ang lungkot sa mukha nito. Akmang magsasalita ito nang marinig nila pareho ang malakas na pagbusina ng sasakyan na alam niyang pagmamay-ari ni Theo.
"Mauna na ako," paalam niya rito saka ito tinalikuran. He walks toward the car.
"SAAN ba tayo pupunta?"
Tanong ni Austin kay Theo na abala sa pagmamaneho. Pagkasakay na pagkasakay niya sa kotse nito ay agad nitong pinaandar iyon. Theo looks serious. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at tila nag-iisip nang malalim.
"Saan ba tayo pupunta?" Ulit niya sa tanong. Sa pagkakataong iyon ay tinapunan siya nito ng mabilis na tingin at muling tumingin sa harapan at nag-focus ulit sa pagmamaneho.
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts (Book 2)
RomanceOne is seeking for a second chance and the other one is expecting for nothing. How can you bring back the past and make amends to the things that you've done? Theo's regain his life after the wrong things that he had done. He repents and wanted thin...