CHAPTER TWENTY-FIVEPAGOD. Puyat. Maraming alalahanin. Kasinungalingan na napatungan ng kasinungalingan. Hindi alam kung paano lulusutan ang mga gusot na siya rin ang may kagagawan. Paano haharapin ang galit ng taong mahal na labis ang pagtitiwala sa kanya?
Dahil sa mga iyon ay hindi makatulog ng maayos si Austin tuwing gabi. Binabagabag siya ng maraming suliranin na hindi niya alam kung paano ba lulusutan. Kapag hindi makatulog, sa kwarto siya ng triplets laging naglalagi at doon na inuumaga. Hindi na siya magtataka kung laging napapansin ng kanyang ina pati na ni Theo ang pangangalumata ng kanyang mata.
Si Theo. Pagkatapos ng date nila na dapat ay puno ng kasiyahan, hindi na sila masyadong nakakapag-usap dahil sa mga responsibilidad nito sa kompanya ng mga ito. Hindi na siya nagtataka na marami itong trabaho dahil matagal din itong nawala. At ngayon lang ulit sila nito magkikita. He was waiting for him to come on their house. May plano silang lumabas ulit ngunit hindi iyon mangyayari dahil may sakit si Shannon. Hindi niya ito maiiwan lalo na at wala rin ang mama niya. May pinuntahan itong mahalaga na hindi pwedeng ipagpaliban.
Narinig niya ang pagbusina sa labas. Hudyat na nasa labas na si Theo. Austin sighed. Karga si Shannon na lumabas upang maharap si Theo. Nang makalabas, naabutan niya itong kalalabas pa lamang ng kotse. Suot pa rin ang office attire nito. May malawak na ngiti sa labi. Expectant.
"Are you ready?" Tanong nito nang makita siya.
"Hindi," maiksi niyang sagot.
Nawala ang ngiti sa labi nito. "Anong hindi? We planned this. Don't tell me you're cancelling this?"
"Yes," mahina niyang sagot. Hindi magawang salubungin ang tingin nito.
"Bakit hindi? Tell me, kaya ba dala mo ang isa sa triplets dahil hindi tayo matutuloy?" Pamumuna nito.
"Oo. Gusto kong lumabas tayo pero hindi na mangyayari kasi may sakit si Shannon. Walang mag-aalaga sa kanya. Nataon din na may importanteng pinuntahan si mama. Ang plano ko sana isama natin sila pero bawal din pala."
Theo sighed. "They just ruined our plan," frustrated nitong sabi. "Kung nahihirapan ka ng alagaan sila, I think it is time for you to bring them to the orphanage. Tutulungan kitang maghanap ng magandang ampunan na marami ang napapa-ampon para makatiyak na hindi sila lalaki doon."
Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan iyon. And Theo's voice was also filled with coldness. Hindi na siya dapat magulat o magtaka pa pero hindi niya mapigilan ang sarili. Simula nang bumalik ito mula sa Russia ay hindi niya ito nakita man lang na lumapit sa triplets tuwing nasa bahay nila ito. Palagi itong iwas at kapag pinapakarga niya ang isa sa sanggol ay agad din na binabalik sa kanya. Pinapakita nito na ayaw ma-attach sa tatlong sanggol.
Tinalikuran niya ito. Hindi siya sumagot at pumasok sa loob ng bahay, diretso sa kanyang kwarto. Sinundan siya ni Theo.
"Pag-usapan na natin ang tungkol sa dapat gawin sa kanila, Austin."
Hindi siya sumagot sa sinabi nito. Nang makitang tulog na si Shannon ay lumabas siya sa kanyang kwarto at dinala ang sanggol sa kwarto nito. Tulog pa rin ang dalawang sanggol na pinagpasalamat niya. Inilapag niya si Shannon. Umingit ito pero nakatulog din ulit. Thankful si Austin na hindi na siya sinundan ni Theo. Bumalik siya sa kanyang kwarto. Theo was sitting at the bed. Waiting for him.
"Pag-usapan na natin ang dapat gawin sa kanila, Austin, ngayon na nandito na tayo sa topic na 'yon." Sabi nito, inulit lang ang sinabi kanina bago siya umalis. "Gusto kong dalhin na natin sila ngayon sa ampunan. Nagiging dahilan na sila kaya hindi tayo makapag-enjoy at magkaroon ng sapat na oras sa isa't-isa."
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts (Book 2)
RomanceOne is seeking for a second chance and the other one is expecting for nothing. How can you bring back the past and make amends to the things that you've done? Theo's regain his life after the wrong things that he had done. He repents and wanted thin...