CHAPTER FORTY-THREE

105 15 28
                                    


CHAPTER FORTY-THREE


MAYBE its not yet the proper time to have a quality and intimate time with Austin. Iyon ang naisip ni Theo.

Kagabi, pagkatapos nilang basahan ng story si Keenon ay hindi sila nagkaroon ng oras ni Austin na tapusin ang nangyaring halikan sa kanila. At ang rason doon ay ang limang bata na mukhang pinagkakaisahan siya dahil sunod-sunod na nagising ulit at hindi nakatulog kaagad. Inumpisahan iyon ni Thaddeus na sinundan ni Austeus. Dahil sa ingay ng kambal pati ang triplets ay nagising. Naisip na nga lang niya na parang sinasadya ng mga ito ang pangyayari pero siyempre alam niyang hindi iyon totoo. Naubos ang gabi nila sa pag-aasikaso ng mga ito. Dahil sa pagod dala ng pakikipaglaro sa mga ito ay pareho silang nakatulog ni Austin sa mat sa loob ng nursery room katabi ang mga ito. Bago iyon ay nagising din si Keenon at tumabi sa kanila.

Napahikab siya saka nagtungo sa kusina. Naabutan niya si Austin na abala sa pagluluto ng pagkain nila. Dahil sa kaabalahan hindi nito napansin ang pagdating niya.

Dahan-dahan siyang lumapit dito at walang babala na niyakap ito mula sa likuran. Nagulat ito ngunit kumalma rin.

"Good morning," he greeted him then gave him a kiss on his cheeks.

"Good morning." Ganting-bati nito. "Nakatulog ka ba nang maayos?"

Kumalas siya sa pagkakayakap dito saka umupo sa bakanteng upuan.

"Yeah. Nakatulog naman." Bagot niyang sagot dito.

"Bakit parang wala ka sa mood ang aga-aga." Puna nito.

"You know the answer."

"Dahil ba sa nangyari kagabi?"

"Yeah. I thought we could be intimate but it didn't happen."

Natawa na lang ito sa sinabi niya.

"You really wanted to kiss me, 'no?"

"Badly. And I know that the feeling is mutual."

"Hindi ko 'yan itatanggi."

He was a bit shocked for Austin's boldness. Akala niya kasi ay itatanggi nito.

"Bakit ka natahimik?" Usisa nito. Nakakunot pa ang noo.

"Nagulat lang ako sa sagot mo."

"Ba't ka naman nagulat?"

"Because its not like you. Para kang ibang tao sa pinapakita mong tapang sa akin ngayon. You're being open."

"Masama ba? Hindi ba ako ganito nu'ng nagsimula ang relasyon natin."

"Hindi." Agad niyang sagot.

"Ano ba ako dati?" Curious nitong tanong.

Agad siyang sumagot. "Kahit na mag-boyfriend na tayo noon may restriction pa rin. You're not the type to flaunt our relationship. Hindi ka rin masyadong bukas sa mga gusto mo. Kahit sa loob ng kwarto kapag tayo na lang may mga bagay ka pang hindi mo gustong gawin."

"Really. Should I change that and just enjoy the moment with you, Theo."

Napalunok siya sa sinabi nito. Isipin pa lang niya ang mga bagay na posibleng mangyari sa kanilang dalawa ay nagbibigay na kaagad sa kanya ng arousal.

"I-I would love that." Hindi maiwasan na mag-stammer siya dahil tinatamaan talaga siya sa mga sinasabi nito at naiisip niya.

Natawa na lang ito. "Kahit saan-saan na lumilipad ang isip mo."

"Pa'no mo nasabi?"

"Sa inaakto mo."

"Alam mo naman kung bakit."

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon