CHAPTER FORTY-SIX
"HINDI ka pa dapat nagkikilos. Kagagaling mo pa lang sa sakit baka mabinat ka."
"I'm okay now, Theo. Don't worry. Magaling kang nurse kaya mabilis akong naka-recover."
Nagising kaninang umaga si Austin na wala ng sakit kaya umalis siya sa higaan at nagdesisyon na ipagluto si Theo. Hindi na niya ito inistorbo dahil alam niyang pagod ito sa pag-aalaga sa kanya.
"Magaling ka na nga pero hindi ka pwede magkikilos pa rin." Theo insisted then get the spatula to him. "Ako na ang magluluto nito."
Natawa na lang siya ng ilayo nito sa kanya ang siyanse nang tangkain niyang abutin iyon.
"Hayaan mo na ako ritong magluto. Bayad ko 'to sa 'yo sa pag-aalaga mo sa akin."
"Bayad? Hindi ko kailangan ng bayad. Ginawa ko 'yon kasi gusto ko at mahal kita."
"'Yan ka na naman sa mga cheesy lines mo." Naiiling niyang sabi.
"Hayaan mo na. Huwag ka nang makipagtalo sa akin. You sit there and wait for me to cook."
Nang hindi siya tuminag ay hinawakan siya nito sa kamay saka hinila nang marahan patungo sa upuan. Pinaupo rin siya nito na parang bata.
"Para kang ewan."
"Hayaan mo na akong gawin ito. Pagsisilbihan kita. Tamang-tama at ilang araw akong naka-leave."
"Kahit na kumontra ako alam kong hindi ka papapigil. Hahayaan na lang kita."
"Good. Wait for your food."
Pinatay nito ang stove.
"Ba't mo pinatay? Hindi pa 'yan luto." Reklamo niya. Ang tinutukoy ay ang nakasalang na scrambled egg.
"Alam ko.""So bakit mo pinatay?"
Instead of answering, lumapit ito sa kanya. Nakatingala siya rito kaya yumuko ito.
"May nakalimutan kasi akong gawin."
"Ano naman 'yon?"
Hindi ito sumagot. Nginitian lang siya. Pagkatapos ng nakakaakit na ngiti ay bumaba ang mukha at hinalikan siya sa labi na buong puso naman niyang ginantihan.
Pagkatapos magluto ni Theo ay agad din siya nitong hinainan. Alagang-alaga siya nito na labis na nagpataba ng puso niya. Sinubuan din siya nito ng pagkain.
Their breakfast was filled with love and overflowing sweetness. After that Theo told him to rest that he obliged to.
Inabala na lang niya ang sarili sa pagbabasa habang ito naman ay inabala ang sarili sa pagtipa ng gitara. Inaayos nito iyon para matono.
"Anong kanta ang gusto mong marinig, Austin?"
Mula sa kanyang binabasa, napatingin siya rito. "Haharanahin mo na ba ako?" Tanong niya. Maluwang ang pagkakangiti.
"Yeah."
"Sing me the song that you sang when you were serenading me secretly."
Ngumiti ito saka nag-umpisang kalabitin ang string ng gitara. A familiar melody filled the room.
"I've fallen for you. Finally my heart gave in. And I'm fallen in love. Finally know how it feels so this is love."
"'Yun lang? You only sang one stanza." Yamot niyang sabi rito nang huminto ito sa pagkanta at pagtipa ng gitara.
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts (Book 2)
RomansaOne is seeking for a second chance and the other one is expecting for nothing. How can you bring back the past and make amends to the things that you've done? Theo's regain his life after the wrong things that he had done. He repents and wanted thin...