CHAPTER SIXTEEN

299 20 29
                                    


CHAPTER SIXTEEN


"KLARADO naman sa 'yo na pagkatapos dito sa resort na hindi matatapos ang pagsuyo ko sa 'yo, 'di ba? Magpapatuloy ito hanggang sa marinig ko ang sagot mong oo."

Mula sa pagkuha ng pagkain ay napatingin si Austin kay Theo, kasalukuyan silang kumakain ng agahan nila. Huling araw na nila sa resort.

Itinigil niya ang ginagawa saka tinitigan ito. Makikita sa mukha nito ang kaba at tila pinipigilan ang paghinga sa kung anuman ang isasagot niya.

"Yeah, it is clear to me."

Mukha itong nakahinga nang maluwang. "That's good to hear. Akala ko matatapos na ang maliligayang araw ko na kasama kita 'pag umalis tayo rito. Kinabahan ako sa magiging sagot mo, alam mo ba 'yon?"

He just smiled on what he said. "Halata naman sa mukha mo kaya hindi mo na kailangan sabihin sa akin, Theo. Pero alam mo, duda ako sa sinabi mo na matatapos ang maliligaya mong araw."

"Bakit naman?" Kunot-noong tanong nito.

"Stop pretending, Theo. Kilala kita. Alam ko na kahit tapusin ko ang lahat sa atin, gagawa at gagawa ka ng paraan para masunod ang gusto mo. Hindi ka susuko basta-basta."

"You know me too well," sumusukong sabi nito. "Yes, I'm determined to get you back but for your information, even we are always beside each other these past days our status is still undetermine. You are not telling me your current address. You are proud telling me about your profession but until now I don't know the name of the school where you are teaching. Hindi ko maiiwasan na magtanong at kabahan dahil hindi ko alam kung saan kita hahanapin kung sakaling magbago ang isip mo at magdesisyon na iwan ako ulit. Hindi naman kaila sa 'yo na sa ating dalawa ako ang inferior. You're way too higher than me."

"Stop the drama, Theo." He said, stopping him to degrade himself more. Nalulungkot siya sa isipin nito na ganoon. Nauunawaan niya ito. Alam niya ang pinagdadaanan nito at siya ang nagbigay dito ng ganoon na isipin. Things between them was still unclear. Alam na alam niya ang pinupunto nito.

Inabot niya ang kanang kamay nito na nakapatong sa mesa at hinawakan ng masuyo. Hindi siya nagsalita.

After what happened yesterday they are not yet talking about their set-up. They are not yet talking about the situation where they both in.

Hindi pa rin niya nasasabi rito ang lahat-lahat.

He sighed. Sa sobrang kaligayahan at kasiyahan na dinudulot nito sa kanya ay nakakalimutan na niya ang dapat unahin.

"Hindi mo kailangang mag-alala, Theo."

"Why is that?" Expectant na tanong nito. Umaasa sa positibong sagot mula sa kanya. "Will you tell me that you love me already? Or are you ready to have a break up with Kyrion Jay?"

"Kumain muna tayo bago ko sabihin sa 'yo."

"Hindi mo ba pwedeng sabihin na sa akin ngayon?" Dismayadong tanong nito.

"Hindi. We have lots of time later, Theo. For now, lets focus eating. 'Wag kang madismaya."

"What you are doing is killing me, you know? I might fall her because of that."

"Don't worry, I'll catch you."

"Anong sabi mo?" Nakakunot ang noo na tanong nito.

"I know that you heard me, Theo. Don't let me repeat it."

"Nadinig ko nga pero hindi klarado. Hindi ko naman ipapaulit sa 'yo kung hindi, 'di ba? Sa susunod kasi lakasan mo ang boses mo para marinig ko ng mabuti. Huwag kang mahiya na sabihin sa akin ang nararamdaman mo." Panenermon nito.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon