CHAPTER THIRTEEN

303 20 38
                                    

CHAPTER THIRTEEN


"ANONG sinakyan mo papunta rito?"

Ang tanong ni Theo kay Austin habang tinutulungan itong mag-ayos ng gamit na nilalagay nito sa maliit na maleta. He was busy folding his clothes.

"Nakisakay lang ako kina Ate Ella at Kuya Tommy," sagot nito sabay kuha sa kanya ng panloob nito na hawak niya.

Napangiti na lang siya sa ginawa nito. "So, paano 'yan? Wala rin akong dalang sasakyan papunta rito. Nakisakay lang din ako kay Devin."

"Pwede akong sumakay sa bus pauwi. Sanay naman ako na nagko-commute. Ewan ko na lang sa 'yo. Anak-mayaman ka pa naman."

Napasimangot siya sa huling sinabi nito. "Don't underestimate me. Kahit papaano alam ko kung paano sumakay ng bus."

"Talaga lang, ah," pang-aasar nito na ikinasingkit ng mata niya. "Inaasar mo pa talaga ako pagkatapos mo 'kong paghintayin sa labas ng cottage mo ng ilang oras," sabi niya.

Kinokonsensya niya ito dahil aabot ng dalawang oras ang ginawa niyang paghihintay sa labas ng tinutuluyan nito. Nang makausap niya ang daddy niya over the phone kanina ay dumiretso na siya rito pero wala naman ito. Nang dumating kasama si Lovelace na may dala-dalang damit na pina-laundry kaya natagalan pala. Instead of saying things earlier he just helped them. Si Lovelace ay nagpaalam na may pupuntahan pa kaya silang dalawa na lang ang natira at nauwi nga sa pagtutupi ng mga damit nito.

"Dapat kasi tinawagan mo ako na pupuntahan mo ako para hindi ka naghintay ng matagal sa labas."

"Nakalimutan ko. Mas excited kasi ako sa isipin na makikita at makakasama ka ulit."

"Ewan ko na lang sa 'yo." Nakasimangot nitong kontra.

"Ayokong mag-public transport."

"Bakit? Kung ayaw mo o---"

"Dahil wala tayong privacy. Gusto kong masolo ka. Gusto ko akin lang ang buong atensyon mo sa durasyon ng biyahe natin pauwi pagkatapos ng dalawang araw."

Natahimik ito sa sinabi niya. Naghihintay siya sa pagkontra nito ngunit hindi nangyari. Ipinagpatuloy lang nito ang ginagawa na ikinangiti niya kahit hindi niya alam kung apektado ba ito o hindi.

Tumayo siya mula sa kinauupuan na higaan saka lumapit dito at umupo sa tabi nito. Niyakap niya ito mula sa likuran na ikinagulat nito ngunit agad din namang na-relax ang katawan.

"I wanted to spend more time with you, Austin," bulong niya rito sabay patong ng pisngi sa balikat nito.

"Napaka-touchy mo," anito. Naiilang. Binalak pang lumayo sa kanya pero hinigpitan niya ang yakap dito.

"I always wanted to feel your skin to mine. I wanted to feel the heat of your body. I wanted to make love to you over and over again." Paos niyang sabi. He was being aroused on what he's saying. Just thinking of it gives him a boner. Talagang sobra ang epekto nito sa kanya.

"Stop being flirty, Theo. Tandaan mo na nandito ka ngayon para tulungan akong  magligpit ng mga damit ko. Wala ako sa mood para sa mga kalokohan mo lalo na ang makipag-sex sa 'yo."

Lihim siyang napangiti sa sinabi nito. "Hindi ba dapat kapag nagkikita tayo, ina-avail mo ang serbisyo ko. You should use me as long as you want. You should satisfy yourself using my body."

"Gago!" Anito saka siya siniko na ikinaigik niya. Kumalas siya sa pagkakayakap dito saka dinama ang nasaktang tiyan.

"Ouch! Masakit 'yon, ah," reklamo niya.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon