CHAPTER FIFTY-ONE

91 17 34
                                    


CHAPTER FIFTY-ONE

WAKING up in an unfamiliar place made Austin's heart beat frantically. Thoughts assaulted him and it were all negative. Kinalma niya ang sarili. Huminga nang malalim saka inilibot ang paningin sa kinaroroonan niya. Puti ang lahat ng nakikita niya. Mula sa kisame, patungo sa dingding pati na rin ang pinto. It was an indication that he was inside a hospital room.

Nang tangkain niyang igalaw ang kamay ay nakaramdam siya ng panghihina. Hindi niya rin maigalaw ang katawan at may mga tubong nakakabit sa kanya at naririnig niya ang tunog ng medical equipment.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng mga nurse kasunod ang isang doktor. The doctor examined him and then talked to someone who appeared in his way of sight.

It was Kyrion Jay with half-worried, half-relieved look at his face. He wanted to talk at him but he couldn't because of the tube inside his mouth.

Narinig niya ang pag-uusap nito at ng doktor ngunit hindi mag-function ng mabuti ang utak niya. Everything was blurry. Nakakadama siya ng antok at iyon nga ang ginawa niya. Ipinikit niya ang mata at muling tinangay ang kanyang kamalayan.

BUMALIK na ang lahat ng alaala ni Austin at unti-unti ay bumubuti na ang kalagayan niya. Naalis na ang mga tubong nakakabit sa kanyang katawan. Kapag kumakain naman ay may mga nurse na nag-aalaga sa kanya. Dalawang linggo na rin mula nang magising siya at pinipilit niya ang sarili na umayos ang kalagayan. Gusto na niyang makaalis sa kamang kinahihigaan at mapuntahan ang mga taong naiwan niya. Malaki ang pasasalamat ni Austin na hindi siya nagtamo ng malaking pinsala sa katawan at may kakayahan pa siyang makalakad kahit na sobra ang panghihina niya dala ng ilang buwan sa comatose state. 

Sa mga araw na lumipas ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na komprontahin si Kyrion Jay dahil sinasadya nitong magpunta sa kwartong kinaroroonan niya kapag tulog siya. It was understandable because he made a scene because of Kyrion. Tuwing nakikita niya ang lalaki ay hindi niya maiwasan na sisihin ito sa mga nangyari sa kanya. He was suffering because of Kyrion and he couldn't stop blaming his self also. He was at fault because of his stubborness. Kung nakinig sana siya kay Theo sana wala siya sa ganitong sitwasyon at hindi sila nagkahiwalay. Sana hindi siya nalayo sa piling nito pati sa mga anak nila. Miss na miss na niya ang mga ito at hindi maiiwasan na maging emosyonal siya. He was worried for their welfare. Alam naman niyang hindi pababayaan ni Theo ang mga ito ngunit iba pa rin kung nasa tabi siya ng mga ito.

And about Theo. Alam niyang nag-aalala ito pero hindi niya maiwasan ang magtanong at magtaka kung bakit hindi siya nito hinahanap. At para masagot ang katanungan sa kanyang isip ay isang tao lang ang alam niyang dapat na tanungin at iyon ay walang iba kundi si Kyrion Jay. He was already decided to talk and confront Kyrion Jay. Kinuntsaba niya rin ang nurse na nagbabantay sa kanya na sabihin sa lalaki na natutulog na siya para pumasok na ito sa kwarto niya.

Nagpaalam sa kanya ang nurse. Muli niya itong sinabihan na gawin ang utos niya na ginantihan nito ng marahan na pagtango. Nang makalabas ito ay nagkunwari siyang tulog. Hindi nagtagal ay narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto. Narinig niya rin ang mahinang paglalakad ni Kyrion Jay palapit sa kamang hinihigaan niya. Ramdam niya ang titig nito sa kanya. Pinigilan niya ang sariling mapapiksi nang maramdaman ang kamay nitong humaplos sa kanyang pisngi.

"I know you're awake, Austin."

Sa sinabi nito ay agad siyang nagmulat ng mata saka ito tiningnan ng masama. Tinampal niya rin ang kamay nitong nakahawak sa kanya.

"'Wag mo 'kong hawakan." Puno ng galit na sabi niya. He saw the hurt on Kyrion's eyes but he doesn't mind. "Don't lay your finger on me ever again."

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon