CHAPTER THIRTY-SIX

182 20 31
                                    


CHAPTER THIRTY-SIX


"ANONG gusto niyong kainin?" Malawak ang ngiti sa labi na tanong ni Austin sa triplets at kay Keenon na nakatingin sa kanya. He was in the kitchen and getting ready to prepare foods when the four followed him. Abala ang mga ito sa panonood ng cartoons kanina sa cable channel.

"Kahit ano ang lutuin mo, Tito, okay na po sa akin." Seryosong sagot sa kanya ni Keenon. "Tito KJ told me na bawal kayong mapagod at baka sumakit naman ang ulo niyo. Worried siya sa 'yo palagi, Tito, kaya huwag na po kayo masyadong magpagod." Lumawak ang ngiti niya. Natutuwa siya rito. Six years old pa lang ito ngunit kung umasta ay hindi akma sa edad.

Kapag wala si Kyrion Jay sa bahay ay ito ang tumatayo niyang guardian. Hindi na siya magtataka roon dahil mula nang magising siya mula sa comatose six months ago ay bihira lang siyang pakilusin ng mga ito. Isang taon na rin ang nakakalipas mula nang maka-recover siya. Nag-therapy siya at ginawan ng iba't-ibang test. Sadly, hanggang ngayon ay wala pa siyang maalala sa mga nangyari sa kanya mula sa nakaraan. His past memories were vanished because of what happened to him. Kung wala si Kyrion Jay, ang mama niya at ang mga anak pati na rin si Keenon baka hanggang ngayon ay nangangapa pa siya sa dilim. Tila bumalik siya sa pagkabata at unti-unting natutunan ang mga bagay at may mga ugali at kakayahan siyang nanatili at innate na sa kanya katulad na lang ng pagluluto.

"Don't worry, Keenon. Hindi ako masyadong magkikilos. Cooking is not a straining thing to do. I just want to cook delicious food for you guys. Ayoko rin na masanay kayo sa mga fastfoods at hindi iyon healthy. Lagi na lang iyon ang kinakain natin mula nang umalis si Mama, ang Lola Tere mo. "

Keenon pouted. "I don't care if the food is not delicious or its not healthy, Tito, basta hindi po kayo pwede magpagod masyado." Para talaga itong matanda kung sermunan siya.

Ginulo niya ang buhok nito. "Uulitin ko, Keenon. Wala kang dapat ipag-alala. Go back to the living room. Isama mo na rin ang triplets."

"I don't like, Tito." Tanggi nito kaagad. "I'll stay here. Dennan, Shannon and Ronnan will also stay here. Kailangan kitang bantayan."

Napailing na lang siya. Hindi na siya sumagot at hinayaan na lang ang mga ito. Keenon was a stubborn kid. "Ikaw ang bahala," sang-ayon niya saka inumpisahan ang ginagawa.

Sa durasyon ng kanyang pagluluto ay nakasunod lamang ang tingin ng mga ito sa kanya. Pero bago iyon ay pinaupo niya muna ang tatlong bata sa mga upuan na ginagamit ng mga ito tuwing kumakain. Si Keenon naman sa kabilang banda ay nakabantay sa mga ito at sa kanya na rin.

After cooking he served the food to the kids. Simpleng okoy na kalabasa ang niluto niya at misua na may sahog na giniling na ginawa niyang meatballs. Masaya siyang nakikita na maganang kumain ang mga ito. The four approved his cooking and was always satisfied in the foods that he served.

"You always cooked delicious food, Tito," nakangiting sabi ni Keenon.

"Thank you, Keenon. I'm happy knowing it."

"Kahit noon pa po masarap na kayo magluto. Natatandaan ko pa iyon."

Napangiti siya sabay gulo sa buhok nito. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat itugon dito. Tuwing ino-open nito ang nakaraan ay laging ganoon ang reaksyon niya. He wanted to remember so badly but the doctor told him not to force his self. At tuwing ginagawa naman niya ang sobrang pag-iisip ay sumasakit ang ulo niya. Ilang beses niyang ginawa iyon at sa huli ay nahihimatay siya.

Pagkatapos kumain ng apat ay inimis niya ang pinagkainan ng mga ito. Hinugasan na rin niya ang mga ginamit. Sumunod siya sa apat na nasa living room at abala sa panonood.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon