CHAPTER FORTY-SEVEN

106 13 35
                                    

CHAPTER FORTY-SEVEN


MAHIGPIT na yakap ang agad na sinalubong ni Keenon kay Austin nang makababa ito mula sa kotse. Patakbo pa itong nagtungo sa kanya para roon.

Napangiti na lang siya at ginantihan iyon ng buong pagsuyo. Kadarating pa lang nito mula sa dalawang araw na pananatili sa bahay nina Tito Tim at Tita Sharmaine.

Si Theo ang sumundo rito at naiwan siya sa bahay dahil masakit pa rin ang katawan niya sa ginawa nila ni Theo. Isipin pa lang niya ang nangyari ay hindi niya maiwasan ang pag-iinit ng mukha pati na rin ang katawan. Ilang beses din nilang pinakita ang pagmamahal sa isa't-isa sa loob ng kwarto nila.

"Na-miss po kita ng sobra, Tito Austin," ani Keenon na nagpatigil sa kanya sa pag-iisip.

"Na-miss din kita, Keenon." Sabi niya saka ito inilayo sa kanya para pagmasdan ang gwapo nitong mukha. Walang duda talaga na kahawig nito si Theo. Para lang pinagbiyak na bunga ang mag-ama.

Nagulat si Austin nang hawakan ni Keenon ang magkabila niyang mukha saka halikan siya ng mabilis sa labi.

Natawa na lamang siya sa ginawa nito. "Para saan 'yon?"

"Na-miss ko lang po talaga kayo ng sobra, Tito. Nag-aalala rin po ako sa inyo kasi sabi ni Daddy may sakit kayo."

"You don't have to worry now, Keenon. I'm okay. Magaling mag-alaga ang daddy mo."

"I'm glad to hear that po." Keenon said then hugged him again.

"Nagpakabait ka ba sa bahay nina mommy-lola mo?"

"Opo. I've been a good boy there. I also helped Mommy-lola at her garden. Dinidiligan ko po mga tanim niyang plants."

"That's good." He said proudly. "Tumutulong ka rin ba sa pag-aalaga ng mga kapatid mo?"

Masigasig itong tumango. "Opo." Nagkwento ito nang nagkwento sa mga ginawa nito sa bahay nina Tita Sharmaine na labis niyang ikinaaliw. Mula sa kinakain nito sa dalawang araw na nandodoon ito pati sa mga aktibidad na ginawa kasama ang grandparents at mga kapatid. Austin was all ears listening to Keenon. Masaya siyang nakikita ang saya sa mukha nito.

Natigil lang ito sa pagkukwento nang lumapit sa kanila si Theo kasama ang kambal. Nakasunod naman dito ang dalawang nanny na hindi pamilyar sa kanya. Karga ng isa si Shannon at sa isa naman si Dennan. Kay Yaya Annie naman si Ronnan na nasa hulihan.



"MATAGAL na ba kayong nag-aalaga ng bata?" Usisa ni Austin sa dalawang katulong na tinanggap ni Tita Sharmaine. Habang papasok sila sa bahay kanina ay nalaman niya mula kay Theo na nagboluntrayo nang maghanap ng makakatulong niya sa pag-aalaga ng bata si Tita Sharmaine. Hindi na raw kasi sapat si Yaya Annie lalo na at hindi pa makakabalik sa kanila si Yaya Josie.

Austin knew that Tita Sharmaine was good enough for choosing one and good character. But still, he couldn't stop himself from being inquisitive. He just wanted to make sure that their children are in good hands. The two nanny looked pleasant. Jenny at Sarah ang pangalan ng dalawa.

Unang sumagot si Sarah. Base on his observation. Sarah is the quiet one. Mukhang seryoso rin ito sa buhay at maalaga. Nakita niya kanina kung paano nito kargahin si Shannon at maingat ito.

"Matagal na po akong nag-aalaga ng bata, Sir Austin. Ako na po ang nagpalaki sa mga kapatid ko. Maaga po kasi kaming naulila, bukod po roon mag-isa ko ring tinataguyod ang isa kong anak. Five years old na po siya at pinapaalagaan ko sa kapatid ko."

He was saddened on what he heard. May iba talaga na pinipili ang lumayo sa anak para magtrabaho at mag-alaga ng anak ng iba. Kahit na nalungkot ay pinili niyang manahimik. Bigla rin kasing nagbago ang atmospera sa paligid nila. Bigla iyong lumungkot.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon