CHAPTER FORTY-ONE

123 15 43
                                    

CHAPTER FORTY-ONE

AGAD na nagtungo si Theo sa kwarto ni Austin pagkatapos niyang magbigay-galang sa magulang at kay Tita Tere. Bahala na ang mga ito na resolbahin ang mga hindi pagkakaunawaan ng dalawang ginang. Ang importante sa kanya ay mapuntahan na si Austin dahil labis ang pag-aalala niya para rito.

As he entered the room, he saw Austin sleeping peacefully. Kung matulog ito ay parang walang nangyaring masama rito kanina lang.

Lumapit siya rito at marahang hinaplos ang pisngi nito. Marami na itong pinagdaanan at gusto niyang lagi siyang nasa tabi nito magmula ngayon. He couldn't bear the thought of losing him again. Hindi na niya kakayanin pa kung mawawala ito at may mangyaring masama.

Kinuha niya ang upuan na nasa gilid at dahan-dahang dinala sa may kama. Iniwasan niya ang makagawa ng ingay dahil ayaw niyang magising si Austin. Kakaupo pa lang niya nang gumalaw si Austin at dahan-dahang iminulat ang mata.

"Are you okay?" Tanong niya rito.

"Okay lang ako," mahinang sagot nito. "Can you give me water?"

"Sige." Kumuha siya ng tubig sa mesang katabi ng higaan. Inalalayan niya muna itong makaupo ng maayos bago ibigay ang isang baso ng tubig.

"Salamat."

Nginitian niya ito habang nakaalalay ang kamay sa likod nito. "It's nothing. Hindi na ba masakit ang ulo mo? Hindi ka ba nahihilo?"

"Hindi na. I'm fine, Theo."

"Lagi bang nangyayari ang ganito sa 'yo?"

"Hindi. Nu'ng nasa probinsya ako, sa pagkakatanda ko, dalawang beses lang 'tong nangyari sa akin. I passed out when I overthink myself and insisting to recover my memories."

"Do you really want to recover your memory so badly, Austin?"

Hindi ito agad nakasagot kaya nagpatuloy siya.

"Kung ako ang tatanungin, ayaw ko nang maibalik ang mga alaala mo. i know that they are part of you  pero ayokong nasasaktan ka ng ganito. Ayokong mawalan ka ng malay ulit at natatakot akong mawala ka na naman sa 'kin. Pa'no kung mawalan ka ng malay na wala kang kasama at mabagok ang ulo mo? Thinking that that thing will happen to you scares me to death. I don't want to imagiune it bu--" Natigil siya sa pagsasalita ng makitang nakangiti si Austin.

"May nakakangiti ba sa sinabi ko?"

"Wala." Mabilis nitong sabi.

"Then why are you smiling like that? Don't you know that I'm serious here? Don't you know how worried and nervous  I am while rushing here? Negative thoughts assaulted me, Austin."

"I'm sorry. Hindi ko lang mapigilan ang mangiti. Nu'ng isang araw kasi willing kang masyado na tulungan akong mabalik ang mga alaala ko pero ngayon na nangyari sa 'kin 'to biglang ayaw mo na."

Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi siya agad nakasagot. Tama naman kasi ito sa sinabi. Nang makabawi ay agad siyang sumagot. "Alam ko 'yon pero ayokong mapahamak ka."

"Wala kang dapat ipag-alala sa 'kin, Theo."

"Hindi ko mapipigilan ang sarili ko, Austin."

"Alam mo naman na kaya bumalik ako rito dahil gusto kong maibalik ang mga alaala ko. Just help me to recover those memories, Theo. Don't retaliate."

"Pero a---"

"Wala ng pero-pero, Theo. Just help me. I need to do this. Gusto kong mabalik ang mga alaala ko. the good things and the bad. And right now, I wanted to remember the bad things that I did to you, Theo. Gusto kong malala ang mga ginawa ko sa 'yo."

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon