CHAPTER SEVEN

422 21 49
                                    


CHAPTER SEVEN


"WALA na tayong dapat pang pag-usapan. I already cleared everything about us."

Inignora ni Theo ang sinabi ni Austin. Sa halip na pakinggan iyon ay pinakatitigan niya ang gwapong mukha nito. The innocence on his handsome face made his heart thump so hard. Kung hindi niya napigilan ang sarili ay baka nahawakan na niya ang dibdib sa labis na pagkabog ng kanyang puso. He cleared his throat before saying anything.

"Para sa akin hindi pa tapos ang lahat. Hindi pa tayo klarado at hindi ko matatanggap ang mga sinabi mo."

Humalukipkip ito at tinitigan siya ngunit agad ding natapos nang maglayo ito ng tingin. "Stop being stubborn. I know that you were drunk when we talked but it doesn't mean that you didn't understand any single word or thing."

"Hindi ako masyadong lasing. I know what I did. Hindi ko 'yon babawiin at lalong hindi ko ikakahiya dahil bukal iyon sa puso ko." What he said made Austin uneasy. Hindi ito nakapagsalita at biglang napatingin sa kanya na agad din namang nitong binawi, ulit.

Austin's reaction made him happy. He chuckled that made Austin frown. "May nakakatawa ba?"

"Wala," agad niyang sagot. "Its just that I'm happy seeing you like this again. Being with you this close and talking to you after the long years."

Bukal sa puso ang sinabi niya. Kahit naman lasing siya dati at kahit ngayon na matino siya ay hindi siya magsisinungaling sa nararamdaman para rito. Sana lang magtuloy-tuloy ang ganito sa pagitan nila at paunti-unti ay sana bumalik sila sa dati hanggang sa makuha niya ang puso nito at mahalin siya ulit.

"Yes, you can talk to me but you can't bring the past back, Theo. Kung ano man ang pinaplano mo para makuha ako, tigilan mo na."

What Austin said made him still, ngunit hindi niya pinahalata. "Pero hindi ko kayang tigilan ang nararamdaman ko sa 'yo. Gagawin ko ang lahat para sa 'tin."

"Na wala rin namang patutunguhan, Theo. Alam mo naman na may karelasyon na ako." What he said stabbed his heart. Ang sakit marinig mula rito na may karelasyon na itong iba at hindi na siya.

"Wala akong pakialam." He said with firmness. "Aagawin kita sa kanya. Gagawa at gagawa ako ng paraan para makuha ka."

Umiling-iling ito. Disappointed. "You are impossible. Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang pinagsasabi mo. Really, you'll snatch me away from him? I love Kyrion Jay. At para sa kaalaman mo, darating na siya mamaya.

Ang tila isang saksak kanina ay naging paulit-ulit. Tila walang katapusan na winawarak ang puso niya. He was hurt so badly. Ang sakit marinig mula rito na mahal nito si Kyrion Jay.

"Wala akong pakialam kung mahal mo siya. As I've said I'll d---"

"Stop this nonsense, Theo! Matuto ka na sa mga nangyari noon. Hindi ako katulad mo na madaling matukso at madaling sumuko sa taong mahal ko. Hindi ka magtatagumpay sa gusto mong gawin." Sunod-sunod nitong sabi saka siya tinalikuran. Naglakad ito palayo sa kanya.

Nahawakan niya ang dibdib sa labis na sakit na nararamdaman. Ang marinig na mahal nito si Kyrion Jay at ang paninisi nito sa sarili nitong paraan kung gaano siya karupok sa madaling pagsuko sa pagmamahalan nila noon.

He smiled bitterly. Paulit-ulit siyang nasasaktan sa mga aksyon at salita nito ngunit hindi siya susuko. Kahit na madurog pa ng paulit-ulit ang puso at pagkatao niya,  ipagpapatuloy pa rin niya ang plano na mabawi at mapaibig ito.




"ANO ang pinag-usapan niyo?"

Ang agad na tanong ni Lovelace kay Austin nang makalapit siya rito. Halata na hinihintay siya nito mula sa pakikipag-usap kay Austin. Makikita sa mukha nito ang kuryusidad sa kung ano ang pinag-usapan nila.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon