CHAPTER ONE
PAANO ko ba maibabalik ang panahon na sinayang ko dahil sa pagloloko ko?
Mula nang mamulat siya sa mga kasalanan na nagawa at pagsisihan iyon ay paulit-ulit na ang katanungan na iyon sa isipan ni Theo. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na bang nagpaikot-ikot iyon sa isip niya. Ngunit katulad din ng mga nauna ay wala siyang nakuhang sagot.
Years had passed but still the mistakes that he had done in the past still haunting him. Dagdagan pa na hindi siya nakakuha ng patawad at nakahingi ng tawad kay Austin ng personal.
Yes, they were in the same college before but things between them were never been the same. Kung dati ay si Austin ang laging nanunuyo, naging baliktad iyon. He did everything to be in Austin's good shoes but Austin is not like he used to. Naging matigas ito at hindi pinansin ang effort niya. Efforts na sa kabila ng pagpigil ng mga magulang ay sinuway niya para mapatunayan lang dito na nagbago na siya. At nang malaman ng mga magulang ang ginagawa niyang pagsunod-sunod kay Austin ay nagdesisyon ang mga ito na ilipat siya ng school at nagkaroon pa siya ng bodyguard. Because of that nagkasya na lang siya na tingnan sa malayo si Austin. Naging sapat na iyon sa kanya. Nagtiis siya hanggang sa makapagtapos sila ng college.
Now, years passed so fast. Twenty-four years old na siya ngunit ang pag-ibig niya para kay Austin ay nananatiling mayabong. Hindi nagmaliw sa paglipas ng panahon. Nahihiling niya palagi na sana hindi siya nagloko at nabawi niya ang lahat ng mga kasalanan na nagawa kay Austin. Pero hindi pa rin naman siya tumitigil sa paghingi ng tawad at paggawa ng paraan para makapag-usap sila kahit na ang mga taong nasa paligid nila ay tila nagkaisa na ilayo siya sa taong mahal.
He sighed at the thought.
Hindi lang naman ang mga taong nasa paligid nila ang rason ng mahabang taon na paghihirap niya dahil pati na rin si Austin na tuluyan nang isinara ang isip at puso sa kanya.
Muli siyang napabuntung-hininga.
"Ang lalim naman niyon."
Napatingin si Theo sa nagsalita. It was no other than his college buddy and considered bestfriend Devin.
Nasa building canteen sila at katatapos pa lang ng monthly assembly. They were ready to take their brunch that the company also sponsored. Ginaganap ang monthly assembly tuwing first week of the month at ang lahat ng empleyado ay dapat um-attend, including him even he is the youngest son of the owner.
"Yeah," tanging sagot niya rito.
"Ano ba ang naiisip mo at napapabuntung-hininga ka ng malalim?" Tanong nito.
"What happened in the past."
"Past? Which includes what you did to Austin and how douchebag and asshole you are."
"Ouch!" Nagda-drama niyang sabi sabay sapo sa kaliwang dibdib. "You really are bad to my ego. Lagi mong sinasaktan ang puso ko na sawi."
Nagkibit-balikat lang ito saka kumuha ng pagkain. Buffet style sila kaya serve your own ang peg. Sinundan niya ito saka kumuha rin ng pagkain.
Actually, even Devin always put salt and pepper to his heartaches. He is still thankful that he was still there for him. Devin also suffered from heartaches, at naging saksi siya sa pinagdaanan nito. Matatawag nga siyang douchebag at asshole dahil sa mga ginawa niya noon. Hindi rin naman naging madali ang pagkakaayos nila dati dahil may pinagdaanan din siya para makuha ang pagtitiwala at pagiging kaibigan nito. He was astray before. He was lost like a puppy and during it he left his true friend behind which is Devin. Mabuti na lang talaga at sinuportahan siya nito. Hindi lang naman ito kundi pati sina Brax at Vienne na kinaiinggitan niya dahil going strong pa rin ang relasyon. Sila lang naman ni Devin ang sawi pa rin at wala pang nahahanap na katugma ng puso.
Well, ang totoo, siya lang naman ang naghahanap at hindi ito. Devin changed. Hindi na ito ang Devin na nakilala niya noon pagkatapos ng mga naganap dito na naiintindihan naman niya.
Nang matapos siya sa pagkuha ng pagkain ay umupo na siya sa katabing upuan ni Devin. They eat silently which bores him.
"Hey! Do you want to join me on a vacation?" Out of the blue na tanong niya rito. Bigla niya kasing naalala ang invitation ni Peter sa isang resort sa Batangas. Katrabaho nila ito sa kompanya. Nataon din na ginawa siya nitong ninong sa binyag ng anak nito. Pagkakataon na para mabago pansamantala ang boring na buhay ng kaibigan niya.
Ibinaba nito ang hawak na kutsara at tinidor saka tumingin sa kanya. "Busy ako." Tipid nitong sagot na nagpasimangot sa kanya.
"Palagi ka namang busy, eh. Wala ka ng social life. Your life is boring. Bahay at opisina na lang ang ruta mo palagi."
"Which is fine with me."
"Hindi 'yan fine sa akin." Bwelta niya. Inakbayan niya ito. "Bilang concern na kaibigan, alam mo, gusto kong magkaroon ka ng social life. Kailangan mo nang maghanap ng love life."
"Hindi ko 'yan kailangan. Masaya ako sa buhay ko. Baka ikaw ang may kailangan niyan. Hindi ka mapakali sa buhay mo."
"Totoo 'yan." Sang-ayon niya. "Hindi talaga ako mapakali sa buhay ko kasi wala pa ang love of my life ko. Hindi ko mahanap. Mailap, eh."
Napailing ito saka inalis ang braso niyang nakaakbay sa balikat nito. "Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin sumusuko?"
Tumango siya. "Hindi pa rin. Kahit na magkampi-kampi pa sila hahanapin at hahanapin ko pa rin si Austin."
"Sa tingin mo kapag nahanap mo siya maibabalik mo pa ang dati?"
Natahimik siya sa sinabi nito. Napag-isipan na rin naman niya ang tanong nito.
Finding Austin was already a hard one. Maraming taon na ang nakalipas at hindi pa rin niya ito nahahanap dahil na nga rin sa pagtutulungan ng mga taong involve sa kanila na hindi niya ito makita. They were firm on their plan on him not to see Austin. Ilang okasyon na ba ang hindi dinaluhan ni Austin? Ilang taon na bang hindi ito nagpakita sa mga pagtitipon given na close ang family ties nila dahil mag-asawa na ngayon sina Kuya Tommy at Ate Ella. Hindi na niya mabilang. Ang problema lang kahit close ang family ties nila ramdam pa rin niya ang coldness ng mga ito sa kanya.
Devin question was a hard one. Kahit nga siya minsan ay hindi iyon masagot. Mahirap na ngang hagilapin at hanapin si Austin, siyempre, ang pagtingin nito sa kanya ay nagbago na totally lalo na sa ginawa niya rito. Mahirap ibalik ang mga pagkakamali. Kahit na mapatawad man siya ni Austin hindi nito malilimutan ang mga nagawa niya.
He sighed. "Hindi na pero gagawin ko ang best ko para mabalik kami sa dati." Enthusiastic niyang sagot.
"As you say so. Kumain ka na dyan." Anito. Paraan na nito iyon para i-dismiss siya sa pakikipag-usap dito.
He started eating while still thinking the questions in his mind plus Devin's question.
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts (Book 2)
RomansaOne is seeking for a second chance and the other one is expecting for nothing. How can you bring back the past and make amends to the things that you've done? Theo's regain his life after the wrong things that he had done. He repents and wanted thin...