CHAPTER THIRTY-SEVEN
AUSTIN was in denial at first. He couldn't believe what his mother said to him but then there's no reason for his mother to lie to him.
Muli niyang binalikan ang naging pag-uusap nilang mag-ina.
"Marami tayong pagkakautang kay Kyrion Jay, anak. Siya ang dahilan kung bakit buhay ka ngayon at kasama ka pa rin namin. Kung ano man ang maririnig mo ngayon, sana lawakan mo ang pang-unawa mo at intindihin kung bakit nagawa niya lahat ng ito." Simula nito.
Alam ni Austin na maraming tulong ang binigay sa kanya ni Kyrion. Nakikita naman niya iyon sa bawat bagay na ginagawa nito. Alam niya rin na mahalaga siya rito ng higit pa sa kaibigan o kapamilya ngunit pinili niyang huwag pansinin iyon.
Hindi pa man naikukwento ng mama niya ang buong detalye ngunit ang pakiramdam niya ay may magbabago sa ugnayan nilang dalawa ng lalaking pinagkakatiwalaan.
"Si Kyrion Jay ang umalalay sa akin pagkatapos mangyari sa 'yo ang aksidente. Siya ang nagdedesisyon dahil siya ang umako ng lahat ng gastusin. Sobra ang pasasalamat ko sa kanya dahil wala naman akong ibang matatakbuhan. Hindi ko kayang lumapit sa pamilya ni Theo... "
Napakunot ang noo niya." Theo? Sino si Theo, 'ma? "
Bumuntung-hininga ito. Malalim. Matagal din itong sumagot at nang magsalita ay tila nag-aalangan.
" Si Theo ang lalaking mahal na mahal mo, anak, at mahal na mahal ka rin. "
Nagulat siya sa narinig." Lalaki? Lalaki ang mahal ko?"
"Oo, anak."
"Kung may taong nagmamahal sa akin bakit hindi siya ang nilapitan mo, 'ma? Bakit kailangan pang si Kyrion Jay ang umako ng lahat at magdesisyon ng mga bagay na dapat ikaw ang gumagawa?"
"Dahil pinairal ko ang galit, Austin. Galit ako kay Theo dahil bago mangyari ang lahat ng ito ay siya ang sinisisi ko kung bakit ka naaksidente. Kung hindi mo pinili na lumayo para makalimot sana hindi ka naaksidente," nag-crack ang boses nito. "Sinabi niyang hindi ka niya sasaktan pero ginawa niya ulit. Ilang beses ka nang nasaktan dahil sa kanya at mas malala ang nangyari sa 'yo kaya ginusto kong huwag sabihin sa kanya ang nangyari at ipagkatiwala ka kay Kyrion Jay. Pero hindi ko na kaya, Austin. Hindi na. Mula nang bumalik si Theo kasama si Sharmaine, ang mommy niya, mula sa ibang bansa, ay walang linggo na hindi siya pumupunta rito sa bahay at nagmamakaawa na sabihin ko sa kanya kung nasaan ka. Mahal na mahal ka pa rin niya at labis ang pagsisisi niya na wala ka."
His mother was feeding him so much information that his head was aching now. Nasapo niya ang ulo. Kumikirot iyon at pilit niyang inaalala ang taong sinasabi nito. Ngunit katulad ng dati ay walang bumabalik na memorya sa utak niya. Hindi sumasagi roon at hindi na yata mangyayari iyon. Sakit lang talaga ng ulo ang binibigay sa kanya na pwede pa niyang ikahimatay. Napaupo siya sa kama.
" Austin, anak, okay ka lang ba? " Nag-aalala nitong tanong.
" Ang sakit ng ulo ko, 'ma," he said.
"Kalmahin mo ang sarili mo, Austin," taranta at pag-aala ang nasa boses nito. "Sana hindi na lang ako nagkwento." Dugtong nito na may pagsisisi.
He calmed himself. Huminga siya nang malalim base na rin sa instruksyon ng mama niya.
"Okay ka na ba, Austin, anak?"
"I'm okay, 'ma." Kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam niya. He tried not to think hard. Walang aalalay sa kanya kung magpa-pass out siya. Kawawa rin ang apat na bata kung mangyayari iyon. "Magkwento na po kayo ulit."
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts (Book 2)
RomanceOne is seeking for a second chance and the other one is expecting for nothing. How can you bring back the past and make amends to the things that you've done? Theo's regain his life after the wrong things that he had done. He repents and wanted thin...