CHAPTER FORTY-FIVE
ABALA si Austin sa paghahanda ng pagkain ng mga bata nang marinig niya ang sunod-sunod na katok sa gate. He hurriedly went outside to open it but suddenly stopped when he feel dizzy. Actually, kaninang umaga pa masama ang pakiramdam niya ngunit binalewala na lang niya. Kinalma niya muna ang sarili at siniguradong maayos ang lagay bago buksan ang gate. Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Theo. May dala itong gitara at paper bag na may logo ng sikat na pambatang kainan sa bansa.
"Anong trip mo?" Tanong niya. Tinaasan pa niya ito ng kilay upang bigyan diin ang hindi niya pagkagusto sa ginawa nito.
Nawala ang ngiti sa labi nito at napalitan iyon ng ngiwi. "Bad timing ba ang pagdating ko? Are you doing something important?"
"Oo. Naghahanda ako ng pagkain ng mga bata."
"Sorry. Huwag ka na magluto. Itong dala ko na lang ang kainin natin."
"Ano pa nga ba." Sang-ayon niya saka kinuha ang paper bag. "Pumasok ka na nga."
Pumasok na ito dala ang gitara. Inakbayan siya nito.
"Nakakapagod ang araw na ito. Nasiraan pa ako ng sasakyan sa daan. Mabuti na lang talaga at malapit lang ako sa repair station." Pagkukwento nito.
"Kaya pala kumatok ka pa. Ba't hindi ka na lang tumawag o kaya nag-text para napagbuksan kita kaagad. Grabe kang makakatok."
"Sorry na. I just wanted to surprise you."
"Hindi ako na-surprise."
"Halata naman." Agad nitong sang-ayon.
"Paraa saan 'yan na gitara?" Usisa niya.
"Para sa 'yo."
"Para sa akin? Hindi ako marunong mag-gitara. I'm not a musically inclined person, Theo."
"Alam ko." Cool nitong sagot. "Pero maganda ang boses mo. Kumanta ka kaya dati sa school."
"Alam mo naman pala, so, bakit para sa 'kin 'yan?" Tanong niya. Hindi na siya nag-usisa tungkol sa sinabi nitong pagkanta niya sa school dahil natatandaan na niya iyon.
"Kasi gagamitin ko 'to para haranahin ka."
Hindi siya nakaimik kaagad sa sinabi nito.
"O, nawalan ka na ng kibo dyan," untag nito sa kanya sabay hapit pa sa kanya palapit dito.
"Hindi ko lang alam ang sasabihin ko."
"Bakit naman? Ayaw mo bang haranahin kita?"
"Sinabi ko na ba sa 'yo na may mga alaalang bumalik na sa akin."
Napahinto ito kaya napahinto na rin siya. Humarap ito sa kanya. Seryoso ang mukha. "You never mentioned it, Austin. Bakit ngayon mo lang sinabi? Ano bang mga alaala ang naalala mo?"
"The day when you found out that I married Cheenah and some other things." Inisa-isa niya ang mga alaalang bumalik sa kanya pati ang 'haranang' ginawa nito sa kanya.
"Aw, I thought I could relive that memory," anito pagkatapos niyang magkwento. "But you see, that happened when we were in college. Nu'ng mga panahon na pasimple akong dumidiga sa 'yo."Napangiti siya sa sinabi nito. "Alam ko. I also remembered the day you told me to teach you how to cook."
"Bakit lahat ng bumalik na alaala 'yong mga epic fail pa? Wala bang medyo okay naman."
Hindi siya nakasagot kaagad. One of the memories that he doesn't want to talk about was when he learned Theo's cheating with Sophia. Bukod doon ay ang pagtatangka nitong hala...
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts (Book 2)
RomanceOne is seeking for a second chance and the other one is expecting for nothing. How can you bring back the past and make amends to the things that you've done? Theo's regain his life after the wrong things that he had done. He repents and wanted thin...