CHAPTER TWENTY-SIX

219 18 38
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

"MAY nangyari ba, Theo? You look wasted?"

Hindi nag-abalang sumagot si Theo sa tanong ng kanyang mommy nang makita siya nito. Mula sa bahay nina Austin ay umuwi siya sa pag-aakalang walang tao na madadatnan doon. Pero mali siya dahil nataon na nandito rin ito.

Dumiretso siya sa kanyang kwarto. Isasara na sana niya ang pinto nang humarang ang mommy niya. Pumasok ito. Seryoso ang tingin na binibigay sa kanya ngunit hindi maipagkakaila ang pag-aalala roon.

"Tell it to me, Theo. Did something happen? You can tell it to me."

Umiling siya. Talking about it to other  people will only show how miserable he is. Magmumukha lang siyang kawawa sa paningin nito at iyon ang ayaw niyang mangyari. "Walang nangyari, 'my. If you'll ask about what happened, don't worry about it because everything was successful. Magkakaroon ka na ng apo sa akin pagkalipas ng anim na buwan."

"Kung ganoon ang kaso, hindi ba dapat masaya ka? Dapat excited ka rin at hindi mukhang pinagsakluban ng langit at lupa, Theo. Tell me your worries. May nangyari ba? Nasabi mo na ba kay Austin ang nangyari?"

Just hearing Austin's name made his heart ache. It reminded him of his betrayal. Hindi niya kinakaya. Para siyang nakakain ng mapait sa bibig.

"I'm happy, 'my." He said pretending happy. Binigyan niya ito ng malawak na ngiti. Nagkunwaring excited din. "Hindi ko pa nasasabi ang mga detalye sa kanya pero balak ko nang gawin. Magpapahinga muna ako."

"I'm your mother and I know when you are okay or not. Stop pretending, Theo. Tell me your worries. The moment you entered this house, I already knew that there is something that making you sad. Hindi porke malaki ka na at handa nang magkapamilya ay maiitsapwera mo na ako. Tell it to me. I'm willing to listen."

His mother concern melted him. "I-I'm hurt," mahina niyang sabi. Papasa ng bulong. "Ang sakit dito, 'my." Sabi niya sabay turo sa kaliwang dibdib. "Ang sakit-sakit dito. Akala ko maayos na ang lahat. Akala ko wala ng problema. Akala ko nagkakaunawaan na kami. Kasama siya sa lahat ng pangarap ko, sa mga plano ko. Habang abala ako sa lahat ng bagay, abala rin siya sa sarili niyang plano. Ang sakit-sakit. Paano niya nagawa sa 'kin 'to, 'my? Bakit kailangan pa niyang maglihim? Bakit kailangan pa niyang gawin ang lahat ng ito? Bakit tinuloy pa rin niya kahit alam niyang masasaktan ako?"

Ang kanyang pinipigil na luha ay tuluyan nang tumulo. Nanlabo kaagad ang kanyang paningin. Ibinuhos niyang muli ang kinikimkim na emosyon kahit makikita sa mukha ng mommy niya na hindi nito nauunawaan ang lahat ng sinabi niya. Kahit na ganoon, lumapit ito sa kanya. Pinunasan ang kanyang luha at niyakap siya ng mahigpit. Hindi na ito nagtanong at hinayaan siyang umiyak nang umiyak. Sinabi niya na ayaw niyang magmukhang miserable pero heto siya ngayon.


"NA-NANDIYAN po ba si Theo, Tita?"

Ang nananantiyang tanong ni Austin kay Tita Sharmaine nang sagutin nito ang tawag niya. Ang numero na nito ang tinawagan niya dahil hindi sinasagot ni Theo ang tawag niya. Theo was ignoring him which he understand but he still insisted in doing it.

Ang totoo ayaw ni Austin na tawagan si Tita Sharmaine pero ito lang ang alam niya na makakatulong sa kanya upang malaman kung nasaan si Theo. Kinapalan na lamang niya ang mukha. Mas masidhi pa rin kasi ang hangarin niya na makausap si Theo. Gusto rin niyang malaman kung ligtas at maayos din ang kalagayan ng kasintahan.

"Nandito si Theo, Austin. Dumating siya kani-kanina lang. Nasa kwarto siya ngayon at nagpapahinga."

Nakahinga siya ng maluwang sa sinabi nito pero hindi siya nagsalita. Nagpatuloy si Tita Sharmaine.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon