CHAPTER SIX

406 17 36
                                    


CHAPTER SIX

HABANG palayo sa kinaroroonan ni Austin wala pa ring tigil sa pagsasalita si Theo. Sobra siyang nasasaktan sa ginawa nito sa kanya kahit may bahagi ng pagkatao niya ang nauunawaan ito. Alam at nakita niya ang pinagdaanan ni Austin noon. Ang sakit-sakit lang isipin at paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya na kahit napatawad na siya nito ay hindi pa rin pwedeng magkaroon ng sila. Hindi niya rin matanggap kung totoo bang napatawad na siya nito o sinasabi lang nito iyon para tumigil na siya.

Kung malalaman ng daddy niya ang ginawa tiyak na mapapagalitan siya nito. Ipapamukha nito sa kanya na hindi pa siya responsable at hindi iniisip ang ginagawa. Pero hindi na muna niyon iisipin dahil ang mahalaga ay si Austin ngayon. Isa pa hindi rin naman nito malalaman ang ginawa niya. Ang dapat niyang isipin ay ang gumugulo sa isip at puso niya.

"Is it really hard for him to forgive me, Devin? You know how sorry I am for every wrong thing that I have done. Ano ba ang dapat kung gawin? If you fill his shoe what will you do? Huh, Devin? Napatawad mo na ba si Hyde sa ginawa niyang pagkakamali sa 'yo? Kapag nakausap ka ba niya, ano ang gagawin mo?" Sunod-sunod na tanong niya kay Devin. Austin said that he forgiven him but he thinks otherwise.

"Hindi ko pa siya napapatawad," pag-amin nito. "Even my own brother, I couldn't forgive. Kung sakali man na makausap ko siya at humingi ng tawad sa mga ginawa niya sa akin hindi ko ibibigay ang kapatawaran ko. I also wanted to see him suffer, Theo. Gusto kong makita na nahihirapan ang dalawang tao na nagdala sa akin sa ganitong estado." Matigas na sabi nito. Jake was Devin's half brother. May pagka-teleserye ang buhay ng kaibigan niya and Devin is the one should talk about his story and not him.

Natahimik si Theo. "Akala ko wala na sa 'yo ang nakaraan?" Tanong niya. Tila nawala rin ang kalasingan niya sa sinabi nito.

"That's also I thought. Akala ko wala na sa akin pero hindi pala. When I saw them hugging each other earlier, nasaktan ako, Theo. Para akong bumalik sa nakaraan mula nang makita ko ang sex video nilang dalawa. How can the two of them be happy when I'm alone and feeling miserable? 'Di ba unfair 'yon, kaya gusto kong maranasan nila ang naranasan ko." Alam niya ang pinagdaanan nito noon. Nakita niya iyon pero nagawa pa rin niyang lokohin si Austin.

"Sa tingin mo ba sasaya ka sa gagawin mo, Devin?" He asked.

Natahimik ito sa tanong niya.

"You will never be happy if you do that kind of things, Devin. Alam ko na hindi madaling magpatawad lalo na kung nasaktan ka talaga pero hindi pagganti ang solusyon doon."

"Don't preach me. Don't say things dahil hindi naman ikaw ang nasaktan, ikaw ang nanakit."

Dumaan ang sakit sa mukha niya. Natigilan naman ito. Nabahala ng bahagya na makikita sa mukha nito. Hindi na siya nagsalita. Walang saysay na ipagtanggol pa niya ang sarili dahil katotohanan ang sinabi nito. Wala siyang karapatan na pagsabihan ito dahil nagloko at nagtaksil siya. Even he do some amends, still what he had done cannot be forgotten. Mananatili iyong nakaukit sa puso at isip ni Austin. Pero hindi dahil nagkamali siya ay hindi na dapat pang patawarin pa. Every people deserves second chance and so as he, for him to show how sorry he is in what he did to him.

"Yeah, ako ang nanakit. But I already resented my wrong doings."

"But resentment? Will it be enough for you to be forgiven?"

Natahimik na naman siya. Hindi agad nakapagsalita. "Iba ka na sa nakilala kong Devin noon. You really are a change man." Which is true. Ibang-iba na talaga ito sa Devin na nakilala niya noon.

Alam niya na hindi sapat ang pagsisisi. May kasamang aksyon iyon dapat para maipakita mo sa taong nagawan ng kasalanan ang pagsisisi. But Theo knew that he was more than sorry on what he did. Ilang taon na niya iyong pinagsisihan at gustong-gusto niyang makabawi kay Austin.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon