CHAPTER TWENTY-THREE

223 20 32
                                    


CHAPTER TWENTY-THREE

"I know that this is a hard decision but you need to choose between the babies and the mother, Mister Salazar. Gawin niyo po kung ano ang alam niyong makakabuti."

Nanlulumong napaupo si Austin sa upuan na nandodoon. Hindi makapaniwala sa narinig mula sa doktor na tumitingin kay Cheenah. Hindi maarok ng kanyang isipan kung saan, bakit at paano sila napunta sa ganitong sitwasyon. Kung paanong nasa emergency room ng isang ospital si Cheenah at nag-aagaw buhay.

Magna-nine months pa lang ang tiyan nito. Hinihintay na lang nila ang ilang araw bago dumating sa buwan ng kapanganakan pero nangyari ang isang aksidente. Hindi inaasahang pangyayari na pwedeng ikapahamak ng mag-iina at ngayon nga ay pinapapili na siya ng doktor.

Aksidente.

Ang sakit lang magbiro ng tadhana dahil pauwi na ito at naglalakad sa kalsada ng madamay sa car accident. Isa ito sa nadamay. Nasagi ng rumaragasang kotse, nang matumba ay tumama ang ulo sa matigas na bagay.  Nasa critical na kondisyon na at...

Marahas siyang napailing. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo pero ito na ang sitwasyon niya. Wala na siyang ibang magagawa kundi ang ipasa-diyos ang lahat ng nangyayari.

Naguguluhan siya. Natatakot. Ngunit alam niya na kailangan niyang magpakatatag.

Nasa school siya nang makatanggap ng tawag at sinabi sa kanya ang nangyari kay Cheenah, at ngayon na nandito na siya ay iyon kaagad ang bungad sa kanya ng doktor na tumitingin dito.

Suddenly the conversation between him and Cheenah occured on his mind. Particularly on the sentence that she said to him.

Kahit na ano po ang mangyari, lagi niyong uunahin ang mga anak ko, sir, ah. Mas mahalaga sila at alam ko na mapapasaya nila kayo.

That was her exact words. Kaya ba kinabahan siya noon dahil sa pangyayaring ito? Kaya ba sinabi iyon ni Cheenah dahil nagpapaalam na ito sa kanya? Kaya ba ginawa nito ang mga bagay na hindi nito ginagawa noon dahil dito? Ang saya pa lang nila sa nakalipas na mga linggo. Puno sila ng kasiyahan pero ito ang kinahinatnan nila.

Nagsimula siyang maging emosyonal. Pinipigilan niya ang sarili na umiyak pero walang bisa. His tears started to flow.

"I need your answer, Mr. Salazar. I know that you are in a hard place right now but we need to do this. Kailangan na nating umpisahan ang operasyon dahil kung patatagalin pa natin 'to ay..."

"Save the babies, Doc." Pamamatlang niya rito. Mabigat sa kanya ang naging desisyon ngunit alam niya na maiintindihan siya ni Cheenah.

Nagpaalam na sa kanya ang doktor. Naiwan naman siyang umiiyak at parang hindi makahinga. Kinalma niya ang sarili, pinilit, ngunit walang tigil sa pagtulo ang luha niya.




MALUNGKOT ang ngiting nasa labi ni Austin habang tinitingnan ang mga picture na nakita sa loob ng pitaka ni Cheenah. Binigay iyon sa kanya kanina ng nurse nang dumating siya ngunit ngayon lang niya napagtuunan ng pansin. Mga picture iyon mula sa pamamasyal nila at pagbili ng gamit ng mga anak nito. That day and the following days were also happy. They built good memories with each other. Napamahal na sa kanya si Cheenah na parang kapatid. Who would have thought that that day and the following days will be the end of their happiness.

Nagsimula na naman siyang maging emosyonal. Hindi niya mapigilan ang maiyak.

Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mukha ni Cheenah sa mga pictures. They both wearing the props that use on the booth. Both of them were smiling widely in one of the picture. May naka-wacky pose, serious at may nakaakbay pa siya rito dahil sa request nito. But on the last photo, instead of looking on the camera, Cheenah was looking at him. Iba ang tingin nito sa kanya na tila may pinapahiwatig ngunit binalewala na lang niya nang mga panahon na iyon. It was like in that photo booth, Cheenah was giving him signal. Dapat pala ginugol niya ang mga panahon at araw na kasama ito sa lahat masasayang bagay.

Dissonance of Two Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon